Chapter 1

7.9K 212 5
                                    

                           ZEUS CROSSED his arms while looking at his three brothers, chasing each other while in their wolf form. Hindi niya mapigilan ang matawa nang makitang dinaganan ng lobo ni Zion at Zeke ang lobo ni Zane. Isip bata na naman si Zane at Zeke, dinamay pa nila si Zion.

"Hindi ka ba sasali sa kanila?" His father said.

Hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala ito.

Umiling siya. "It's better to watch them, Dad."

Ngumiti ang kanyang ama habang nakatingin sa mga kapatid niyang nakahiga sa damuhan, nasa anyong lobo pa rin ang mga ito.

His father chuckled. "They are so childish. Dinamay pa ni Zane at Zeke si Zion." Naiiling nitong saad.

"Ang dalawang 'yan naman palagi ang magkasama sa kalokohan, Dad. Pareho rin ang ugali nila." Aniya.

"At kayo naman ni Zion ang magkasundo." Sabi ng kanyang ama na ikinangiti niya.

"I guess ..."

Nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Bakit hindi ka nakikisali sa mga kapatid mo?" Malambing na tanong ng kanyang ina.

"They're acting like a five year old kid, Mom." Sagot niya.

Nagsimula na naman kasing maghabulan ang mga ito sa malawak na harapan ng palasyo.

Tumawa ang kanyang ina at pinakawalan siya ng yakap. Lumapit ito sa kanyang ama at hinalikan sa pisngi.  Her mother looked at him. "Sabi sa akin ni Zade at Dennis, ganyan daw kayong apat noong mga bata kayo."

He rolled his eyes. "Whatever, Mom."

His father kissed his mother before grinning at him. Iba ang ngisi ng kayang ama. Alam niyang may naisip itong kalokohan. Sinubukan niyang pasukin ang isip nito para basahin pero nakataas ang mind barrier ng kanyang ama. Ganun din ang mga kapatid niya.

Tumingin siya sa kanyang mga kapatid at nakita niyang nagbalik na ang mga ito sa anyong tao at nagsusuot na ng damit.

Biglang may pumulupot sa kanya na baging. Tinignan niya ng masama si Zeke na siyang may kontrol ng mga halaman. "Tanggalin mo 'to, Zeke."

Ngumisi lang ang kanyang kapatid. Lumapit ang mga ito sa kanila. Hindi niya maigalaw ang mga kamay at paa niya dahil may mga nakapulupot na baging sa kanya.

"Zeke!" He warned.

Napailing si Zion. "Huwag kang umasa na tatanggalin niya 'yan, Zeus."

"Tsk!" Nasabi niya. "Zeke, ayaw kong sunugin ang—"

"Blah ... blah ... blah ... didn't hear anything." Sabi nito at tinakpan ang tenga.

Tumingin siya sa kanyang mga magulang. Napapailing lang ang mga ito sa kanilang apat.

"What happened?" Paglapit sa kanila ni Uncle Warren, his father's beta.

His father and mother shrugged their shoulder. Tumawa naman ang mga kapatid niya. Napailing siya. "Uncle, can you help me?"

Uncle Warren narrowed his eyes to him. "Kahit hindi kita tulungan, alam kong kaya mong tanggalin 'yan." Sabay nguso nito sa mga baging na nakapulupot sa kanya.

He rolled his eyes.

"Mom?" Aniya sa ina.

"Kaya mo na 'yan, anak." Sabi nito.

He groaned. Wala siyang nagawa kung hindi ang sunugin ang mga baging na na nakapulupot sa kanya.

"Anyway, Zeus, tapos mo na ba ang trabaho mo?" Tanong ng ama.

Prince Zeus's Mate (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon