Chapter 3: Aixia the Goddess

164 4 0
                                    

[Xenus' POV]

Bumangon ako at hinilot ang ulo ko. Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko namanhid tong katawan ko. Ang alam ko, huli kong naramdaman tong sakit ng katawan nung nagtetrain palang ako para maging leader eh. Simula nang maging malakas ako, kapag may war na nagaganap between Black Wings at sa kalaban namin, weapons nalang ang ginagamit ko. Kapag walang weapon at fist ang kailangan, madali nalang din sakin. Piece of cake.

Natawa ako bigla nang maalala ko ang panaginip ko. Nakakatawa. Sa lahat ba naman ng pwedeng mapanaginipan, yun pa. Nakita ko daw ang Goddess of all Fairies at sinabing isa ako sa kanila. Nakakatawa talaga.

"HI!!!" Literal na napatalon ako sa gulat ng may sumulpot na babaeng maganda. Sandali, ito yung nasa panaginip ko ah. Yung goddess daw na sinabing fairy ako, aba. Ano to? Napunta sa real world yung babaeng to.

"Hi Xenus! Ang tagal mo namang matulog grabe ka. Kanina pa kita ginigising eh! Kulang na lang gamitin ko lahat ng magic ko sayo. Hmmp! Ayoko namang gamitin kasi gigising ka naman pero ang tagal mo talaga, soooooooobra!" Reklamo nya. Tinakpan ko naman ang tenga ko dahil sobrang daldal nya. Sumasakit ang tenga ko. Napakatinis ng boses nya pero ang lakas.

"Pwede bang umalis ka na dahil marami pa akong gagawin at nakakagulo ka lang. " Diretso kong sabi sa kanya. Marami pa talaga akong gagawin. Masyado akong busy para maniwala sa pinagsasabi nya na isa akong fairy. Ako? Maniniwala? Psh.

Hindi nga ako naniniwala sa fairy eh. Mas lalo namang hindi kapanipaniwala yung sinabi nya na isa akong fairy dahil buong buhay ko, alam ko na isa akong tao. Fairies are just for girls and kids, and it sounds so gay.

"Sige na nga." Parang nawalan ako ng tinik sa lalamunan nang sabihin nya yun, sa wakas tumigil na rin sya sa pangungulit. "Mamaya nalang ulit kapag wala ka ng ginagawa, babooya!!" Wtf? Unti unti syang nawala na parang naging abo at agad na hinangin. Hindi pa ba sya titigil?

Umiling nalang ako, bahala sya dyan. Kahit anong mangyari hindi ako papayag sa gusto nyang mangyari. Katulad nga ng sabi nya, isa syang Goddess of all Fairies. Kaya nya na yan.

Kaya ko naman syang tulungan eh. Alam kong kaya kong gawin ang lahat, malakas ako. Pero ang pagiging fairy, wag nalang.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Alexar na kakatok na sana. "Sino yung kausap mo dyan? May kausap ka ba dyan?" Tanong nya. Sinara ko ng unti yung pinto at tumingin sa loob. Nagulat ako nung nakita ko sya ulit. Kumaway sya at ngumiti nang sobrang lapad. "Ah w-wala." Sagot ko kay Alexar. Akala ko ba wala na yun?

"Talaga? Hindi nga." Pilit syang pumasok sa kwarto at agad naman akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. "Wala naman pala. Akala ko naman kung ano?" Tumawa sya nang mahina. "Oo nga pala, bakit ka pala nandito? Diba dapat tinitrain mo yung mga members mo?"

"Oo, papunta na nga ako. Tara na." Naglakad na kami papunta sa training room. Magkatabi lang naman ang training room ng Phoenix at ng Spirits. Ginusto ko talagang magkatabi kami at ilayo kami sa Imperium dahil baka mapatay ko ang leader nila.

"May nakita ka bang babaeng kulay gold yung buhok tapos white yung damit, medyo maliit?" Tanong ko kay Alexar. Malay mo, hindi lang pala ako ang nakakita sa kanya.

"Ahm, wala naman. Bakit? Baka multo na yang nakita mo ah? Wala akong nakita tsaka alam mo naman na sa building na to, puro black lang makikita mong damit." Tumango ako. Ako lang siguro ang nakakita sa kanya. Susubukan ko ngang tanungin ang nagmomonitor ng CCTV at ang mga guards.

Pumasok ako sa loob ng training room namin. Pagpasok ko nakita ko yung iba na nagtitraining. Yung iba sa archery, guns, blowguns, Ninja weapons, martial arts at yung iba naman ay sa sparring. Ngunit nanliit ang mata ko nang makita ko ang iba na nakaupo lang, nakatanga at walang ginagawa.

"Lahat ng walang ginagawa, 100 push ups and 50 minutes squat." Utos ko sa kanila. May narinig akong nagreklamo pero isang tingin ko lang ay tumahimik na agad sya. Walang ibang masusunod dito kundi ako lang. Umupo ako sa pula kong Swivel chair at nag isip ng kung anu ano.

Bigla nalang pumasok sa isip ko yung fairy fairy. Shit, bakit ba kasi ginugulo ako nung babaeng yun? Wala ba syang magawa sa buhay nya kaya ginugulo nya ako? Nababaliw tuloy ako nang dahil sa kanya. Ang bakla naman kasi kung magiging fairy ako, ayoko naman. Isa pa, gusto kong matawag na King Xenus or Xenus I. Gusto kong maging sunod na pinuno ng organisasyong ito, para sa kanya.

"Wag ka ngang makulit. Tara na, ihahatid na kita sa inyo. Gabi na oh!" Sabi ko kay Zhaeine. Ang kulit kasi nya eh. Kita ng gabi na ayaw nya pang pumayag na ihatid ko sya sa bahay nila, nag aalala lang naman ako kasi delikado kapag gabi.

"Anu ba Xen, kaya ko na to. Wag ka ng mag alala. Tsaka diba may gagawin ka pa? Magbabasa ka pa. Ayoko namang makaabala. Sige na, okay lang ako promise." Wala rin akong nagawa. Yinakap ko nalang sya nang mahigpit. Ewan ko, parang may mali eh.

"Zhaeine, mag ingat ka ah. I love you." Hinalikan ko sya sa labi at nagpaalam. Naglakad sya papunta sa bahay nila, magkaiba kami ng direksyon. Nakangiti syang kumaway sakin. Ngunit biglang may van na tumigil at lumabas ang mga lalaking nakaitim, nakatakip ang kanilang mukha.

"ZHAEINE!!!!" Tumakbo ako nang sobrang bilis para mahabol yung van. Nakita kong kinuha nila si Zhaeine. Takbo ako nang takbo, sobrang bilis ng takbo ko pero mabilis sila. Hanggang sa nawala na sa paningin ko ang van.

Si Zhaeine ang babaeng pinakamamahal ko na kinuha at pinatay nila. Mahal na mahal ko sya, wala na akong pakialam sa ibang tao maliban sa kanya. Sya nalang ang mahalaga sakin. Pagkatapos ng araw na yun, nalaman ko na patay na sya.

Sobrang galit ang naramdaman ko. Kaya ko naisipang pumasok sa organisasyong ito. Hindi na ako makapaghiganti dahil hindi ko naman sila kilala at hindi ko rin nakita ang mukha nila.

Sumali ako dito, naging malakas para sa susunod alam ko na kung papano protektahan ang mga taong mahalaga sa akin.

Ngayon? Walang mahalagang tao sakin. Ako lang ang mahalaga. Wala akong pakialam. Natutunan ko na ring iwasan ang magmahal. Una, masasaktan ako kapag nawala sila. Pangalawa, walang permanente sa mundo. Sabihin nating mahal ka nya ngayon pero baka bukas hindi na. Iiwan din nila tayo.

Napabuntong hininga ako, naalala ko na naman si Zhaeine. Hindi ko muna dapat sya iniisip pero, hindi ko mapigilan.

Lumabas muna ako ng training room at umakyat sa rooftop ng building. Parang bigla akong nanghina, she's my weakness. Naramdaman ko na may tubig na lumabas galing sa mata ko, luha. Ayokong ipakita yun sa iba dahil malakas ako.

"Kung nandito ka lang sana." Bulong ko. Naririnig nya kaya ako? Sana talaga nandito pa rin sya. Para mas lalong maging masaya ang buhay ko.

"Uy." Agad kong pinunasan yung luha ko nang bigla namang sumulpot si Aixia. Lagi nalang to pasulpot sulpot!

"Uy ka rin! Bakit na naman?!" Inis kong sigaw. Ang kulit naman kasi neto eh. Gusto ko ngang mapag isa tapos susulpot sya.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang itago dahil kanina pa kita nakikita." I chuckled. "Kaya naman kitang tulungan, diba katulad ng sabi ko. Bibigyan kita ng wish, kahit ano. Kahit pa buhay nya, ibibigay ko." Napatingin ako sa sinabi nya. "Tawagin mo nalang ako ulit kapag nakapagdesisyon ka na, babooya Xenus!"

Kaya nyang buhayin si Zhaeine? Kung gagawin ko yun, mabubuhay ulit si Zhaeine at makakasama ko ulit sya.

Pag iisipan ko..

--

Aixia --> Multimedia ♥

Vote & Comments po

Xenus The FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon