Chapter 4: Decisions

140 3 0
                                    

[Alexar's POV]

"Ang hirap naman nito!" Napairap ako dahil sa kabobohan ng babaeng to. Nakakailang subok na sya pero hindi pa rin nya natatamaan ang bull's eye. Hindi nga tumatama sa loob ng bilog eh, napakatanga. Yung iba nga paulit ulit ng nakakatama doon pero sya wala pa rin.

"Pumunta ka doon." Tumingin sya sakin nang may nanlalaking mata. I just crossed my arms as I look at her with a bored look. "What? Im your leader right?" Pumunta sya doon sa target nang nanginginig ang katawan. Tatanga tanga pa, ang bagal maglakad. Pinatutunayan nya ba yung Forever?

Nilapag ko yung puti kong pamaypay sa lamesa at kinuha yung boomerang na nasa tabi nito. Binato ko ito papunta sa direksyon nya nang may ngisi sa aking mukha. Dumaan ito sa kaliwa nya at umikot pabalik sa kanyang kanan. Sinalo ko ito nang makarating ito sakin. Agad na kinuha ko ang crossbow ko at pinana sya. Kasabay ng paglingon nya ay dumaan yung arrow sa buhok nya. "Bull's eye." Naiwan syang nanlalaki ang mata at nanginginig pa rin sa takot. "Akala mo mamamatay ka na noh?" Tumawa ako nang mahina. "Well, malapit na kung hindi mo aayusin yan."

"Ang sungit mo naman. Badtrip ka ba?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Sya pala. Tinaasan ko sya ng kilay. Ano bang ginagawa nya dito?

"Wala kang pakialam." Kinuha ko ang pamaypay ko. "Sanayin nyo yang mga sarili nyo dahil mamaya may gagawin tayo." Utos ko sa kanila at agad namang silang nagsikilos. Sinamaan ko naman ng tingin yung babae kanina na nakatayo pa rin. "Ano? Tatanga tanga ka pa rin?" Inirapan ko sya at saka lumabas ng training room.

"Para ka ring si Xenus noh. Ang lupit nyo." Sinara ko ang pinto at humarap kay Knight. "Ako kasi hindi ko na kailangang gawin yan kasi malakas ako at malakas ang mga nasa akin." He chuckled. "Ang malas nga ni Xenus eh, sa tingin ko mahihina yung napunta sa kanya."

"So? Sana may pakialam ako sa sinasabi mo. I really wish." Binuka ko yung pamaypay ko at tinapat sa leeg nya. Nakita ko na namula ang parteng tinamaan ng fan hanggang sa dugo naman ang lumabas doon.Oo nga pala, hindi pala to isang simpleng pamaypay. Isa itong fighting fan. Mukha lang syang isang simpleng pamaypay na may feathers sa gilid nito pero tinatago ng mga feathers ang blade nito. Isa ito sa mga pinakamatalas na weapon ko.

Ngumisi lang sya sakin. Sinara ko yung fighting fan ko at agad na tinulak sya. "Tss." Bago ko sya iwan ay tinapakan ko muna ang kanyang kaliwang paa. Iniwan ko sya na sumisigaw sa sobrang sakit.

Pumunta ako sa office ni King Krei dahil pinapunta nya ako doon. Or should I say, kami dahil nakita kong parehas lang kami ng direksyon nila Ice at Knight. Si Xenus kaya? Baka nauna na sya.

Nauna akong pumasok sa office at ang taong nakita ko lang dun ay si King Krei na nakaupo sa itim nyang upuan at kumakain ng lollipop. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto para tignan kung nandun na ba si Xenus pero wala.

Lumapit ako sa isang malaking pentagon na lamesa at umupo sa puting upuan. May limang upuan dito, Black,Red, White Blue at Silver. Nakaupo si King Krei sa itim na upuan na nasa pinakaharap. Si Xenus sa Red, White ang sa akin, Blue kay Ice and Silver naman kay Knight. Pagkaupo ko ay bumukas naman ang pinto at pumasok si Ice at Knight. Wala pa rin si Xenus?

Umupo silang dalawa sa upuan, si Xenus nalang ang kulang. "Wala pa sya?" Bulong ko habang nakatingin sa pintuan.

"Hinahanap mo pa sya, wag mo nalang syang antayin. " Sinamaan ko ng tingin si Knight. Hindi ba nya alam kung paano hindi mangialam sa buhay ng iba? "Mahal nya talaga."Umiling nalang sya at iniwas yung tingin sa akin.

Ano bang pakialam nya? Mahal ko si Xenus? Oo, mahal ko sya. It is a one sided love by the way. Nagconfess ako sa kanya dati.

"Its not that I dont like you but you must stop it. Alisin mo yang nararamdaman mo sakin dahil wala akong balak magmahal ng ibang tao dahil sakin, buhay ko lang ang mahalaga. Wala nang iba, wala akong pakialam sa iba."

Kahit na sinabi nya na yun, hindi ko pa rin mapigilan. Lagi ko syang nakikita at mas lalo ko syang minamahal. I guess, ganto lang talaga. Nakakatawa talaga.

"Hi, Im late." Pumasok si Xenus at agad na umupo sa upuan nya. Tinignan ko sya at parang may gumugulo sa kanya. Iba ang expression ng mukha nya, iba sa nakikita ko dati. Meron kayang gumugulo sa kanya?

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na-" Huminto muna sya sa pagsasalita at tumingin saming lahat. "-maghanda na kayo." Nilagay nya sa maliit na plate ang kanyang lollipop at kinagat ang kanyang thumb na lagi nyang ginagawa.

"Maghanda?" Napakunot yung noo ni Ice. "Para saan?" Pinatong nya yung siko nya sa table at pumangalumbaba.

"Dexam." Sagot ni King Krei habang nakayuko at kagat kagat pa rin ang kanyang thumb. Tumango tango si Xenus habang nakangiti nang malapad. Ito ang isa sa pinakagusto nyang event. At kabaligtaran iyon sakin. Sa lahat ng event, iyon ang pinakaayaw ko.

Ang dexam ay isang main event kung saan, titignan kung sino ang pinakamalakas na miyembro ng grupo at kapag napili ay ilalaban sa ibang grupo. Ang rule ay Dont Kill, Dont die. Bawal kang pumatay pero hindi ka dapat mamatay. Ang mga mahihina naman sa grupo ay matatanggal.

Sa Dexam, ipapadala ang pinakamalakas na 15 na miyembro ng bawat grupo at poprotektahan nila ang maskara ng kanilang leader. Kailangan mo itong protektahan at kailangang hindi ka papatay. Lalaban kayo sa pamumuno ng inyong leader.

"Kailan?" Tanong ko kay King Krei. Nakikita ko sa Peripheral vision ko na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin si Xenus. Sa lahat ng laban, puro sya ang nanalo. Alam kong kampante sya na mananalo sya ulit ngayon.

"Malapit na. Hindi ko sasabihin ang eksaktong araw kung kailan iyon gagawin. Basta maghanda kayo." Ngumiti sya ng kaunti."
Yun lang ang gusto kong sabihin. Umalis na kayo."

***

[Xenus' POV]

Malapit na naman ang Dexam, nasasabik na naman ako. Alam kong sa darating na Dexam, ako na naman ang mananalo. Lumabas kami ng office ni King Krei, bago ako pumunta sa training room ay pumunta muna ako sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Umupo ako sa kama ko at nakuha ng isang picture frame ang atensyon ko, the picture of me and Zhaeine. Kinuha ko yun at tinitigan. "I missed you." Bulong ko. Napaisip ako, kung tatanggapin ko ba yung pinapagawa sakin nung weird na fairy na yun, mabubuhay sya ulit?

"Aixia, nasaan ka?" Agad na may pumasok na liwanag sa kwarto ko at napatakip ako ng mata ko dahil nakakasilaw. Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Aixia na nakatayo at nakangiti sa akin.

"Nakapagpasya na ako." Unti unti syang lumapit sa akin habang nakatitig, nag-aantay ng isasagot ko. "Pumapayag na ako." Nagliwanag yung mata nya, literal itong nagliwanag. Ang lapad ng ngiti nya at tumatalon talon.

"Talagaaa? Sigurado ka na? Waaaah! Talaga Xenus?!" Tumango nalang ako. Mukhang makikinabang na rin naman siguro ako dito. "Tara, dadalhin na kita sa mundo namin." Unti unti syang pumikit at hinawakan yung kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Xenus The FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon