d e s t i n y 3

2.1K 52 6
                                    

DESTINY 3

Her POV

Galit na galit akong pumasok ng plane, ayokong makita ang pagmumukha niya. Ayoko as in ayoko.

Nakaupo na ako ngayon at nilagay ko muna ang hand bag ko sa katabing upuan ko.

Naglagay ako ng hand sanitizer sa kamay ko, pinasak ko na ang earphones ko.

Hindi pa ako nakapili ng music, may nakatayo na sa gilid ko at nakikita ko gamit ang peripheral vision ko na may nilalagay siyang bag sa itaas.

"Ugh. Bakit dito pa?"
mahina niyang sabi pero rinig ko naman.

Anyare? Ano pala ang problema dito?

"Ugh. If only my family knew about this, I will use our private plane."

Wow. Nahiya naman ang pwet ko sa sinabi niya. Tumakas rin kaya siya? Kagaya ko?

"Miss, binayaran mo ba yang bag mo?"

Kinausap niya ako kaya napatingin ako sa kanya,
nagulat pa ako kasi nakita ko na naman siya,
sisigaw na sana ako kasi nakanganga na ako at handa ng maglabas ng apoy pero,

"Before you open your big mouth, brush your teeth first."

Naisara ko naman ang bibig ko ng di oras at napanguso. Letse 'tong lalaking 'to ah!

"I'm kidding, kunin mo na 'yang bag mo para sa taong uupo."
tinuro niya ang bag ko kaya kinuha ko naman kaagad. Tapos umupo na siya.

Tumingin nalang ako sa bintana, bwisit wala na akong masabi! Kinuha ko ang salamin ko sa bag ko at kunwari nagsasalamin pero ginawa ko lang itong side mirror, tiningnan ko siya kung ano ang ginagawa niya.

Nang makita kong pumikit siya agad ko siyang hinarap.

Ide-describe ko mukha niya,
Yung kilay niya na parang nagpakis-kis. Yung totoo? Nagpathread ba siya ng kilay niya? Bakit one way lahat?!
Yung mahabang pilik mata niya, matangos na ilong, pinkish na lips. Sarap halikan! Letse!
Yung buhok niya na well-brushed, medyo blonde ito na tama naman sa kulay niya.

Mukha siyang...babae? Bakla ba itey?

Dumilat siya kaya agad kong hinarap ang salamin ko na kunwari nagsasalamin ako dito, nag-aayos ako ng buhok.

"Stupid. Seriously? Nagsasalamin ka? Kaya mo bang tingnan mukha mo gamit ang likuran ng salamin?"

Narealize ko nakatalikod pala itong si salamin. Argh!

Tumawa siya nang kaunti.

"Hindi. New style 'to at ako lang ang nakagawa nito!"
hindi ko pa rin siya tiningnan at nagpatuloy pa ako sa ginagawa ko.

"Ah talaga? Congrats para diyan. Teka. Are you following me?"

Napatingin ako sa kanya,

"Hindi nga kita kilala, paano ba kita mafo-follow sa IG o kaya sa twitter aber?!"

"No. I mean are you stalking me?"
nakangiti pa siya na may halong pang-aasar!

"Wow! Kapal mo naman, mas makapal pa sa swelas ng combat boots ni praybeyt benjamin! Ano ka? Sa ganda kong 'to, susundan ka na---"

Nakatutok na ako sa mukha niya,

"Na ano?" lumapit siya sa akin.

"Na mukhang babae."
umiwas kaagad ako ng tingin.

"Shut up. Manly ako!"
halos sumigaw na siya.

"Talaga?"
Naasar talaga siya kaya hindi na siya nagsalita pa.
Tiningnan ko lang siya, hahaha! Nainis tologo?

Tumingin na siya ulit sa akin kaya napatingin ako sa likuran niya,

"Oh? Bakit ka natahimik at parang matutunaw na ako sa kakatitig mo sa akin? Ikaw miss ha! Ngayon palang tayo nagkikita pero may pagnanasa ka na sa akin!" he smiled and then he closed his eyes.

dahil sa inis ko, or dahil sa gwapo naman siya pag nakangiti medyo pagbigyan nalang eh pumikit na rin ako !!

***

Woooh! Grabe! Ang sarap ng tulog ko! Nakapikit pa rin ako at parang may malagkit sa gilid ng labi ko, napahawak ako doon at

TUMULO YATA ANG LAWAY KO!

Luh! Napamulat ako ng mata at tinignan ko ang aking katabi baka nakita niya!
Baka pinagtawanan na niya ako!
Baka kinuhaan na niya ako ng picture tapos share niya kaagad sa Weibo, IG, Twitter, Facebook tapos Friendster?!

Slow motion pa ang effect ko tapos pagtingin ko sa kanya. Ayun. Natulog pala siya!

Destiny pala tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon