Chapter 05

129 34 0
                                    

Kindly check the multi media to see Calli's portrayer.

TMBIAG:CHAPTER 5

Calli's Point of View

3 days. 3 days ng magisa akong pumapasok at umuuwi dahil wala akong kasama!! Tuesday na ngayon at nakakainis dahil ako nanaman magisa! bakit ba kase kailangan sabay sabay silang gawin yung mga iniutos sakanila? bakit? porket walang inutos sakin iiwan na nila ko? huhuhuhuhu.

Simula pa nung Monday na iniwan ako ni Miss Lucky dahil pinapatawag sya hindi na kami nagkita. Hindi narin natuloy yung sinasabi nyang magkita kami sa cafeteria dahil bigla syang umalis at nag excuse sa mga subjects nya kaya naiwan ako.

'Pag talaga bukas wala pa kayo bahala na kayo sa buhay nyo hmp!'

Kasalukuyan akong nasa parking lot ngayon at inaantay si Miss Felicia-kung papasok ba o hindi. Ang sabi kase sakin ni Hades nung nagkita kami nung Monday din ng gabi ay ako na daw muna ang bahala kay Miss dahil mukang matatagalan daw sila sa lakad nila-at natagalan nga talaga!!

Kaya ko naman talagang pumasok magisa ang kaso lang talaga e nasanay nako na nandito si Stacey at may kadaldalan ako!

Hindi naman sa ayaw kong kasama si Miss Lucky pero kase grabe yung tahimik nya-pero sanay na naman kami dun, lalo na ako! e ako ang parating kasama nyan maliban kay Hades e.

'Ilang araw nako'ng di nakakapag lunch ng maayos dahil imbis na ikain ko e pumunta pako sa hideout which is yung isa sa mga villa ni Lia para kamustahin sila!'

Nakangusong tumingin ako sa sarili ko at tiningnan kung namayat bako pero mukang hindi naman dahil sexy naman talaga ako! HAHAHA! nagantay pako ng 10 minutes bago bumaba sa kotse ko at tawagan si Miss Lucky na mukang wala na namang balak na pumasok.

Ilang beses pa muna itong nagring bago nya sagutin ang tawag ko "ye?" bungad nito sakin at napabugtong hininga ako.

'mukang ako pa ang nakagising sakanya shit'

"Papasok ka?" tanong ko habang luminga linga sa paligid.

'Bakit parang wala pa atang mga estudyante dito?'

"Baka sa afternoon class nalang ako makapasok" sagot nito at saka bumugtong hininga.

'mukang may problema to ah' saad ko sa sarili at saka ko inilayo yung cellphone ko sa tenga at tiningnan kung si Miss Lucky nga yun, at nang makita kong sya nga ay agad ko din itong inilapit sa tenga ko.

'hindi naman sya nawawalan ng problema e' napapabugtong hininga dagdag kopa.

"Aantayin ko nalang kayo mamaya Miss Luc-Felicia pala"

"Psh" singhal nito at saka kusang pinatay ang call. napailing pako rito bago lumabas sa kotse.

Taka akong inilibot sa paligid ang paningin habang nag lalakad dahil ang weird, 15 minutes nalang kase mag start na yung 1st morning class pero bakit iilan ilan palang ang tao rito? at halos mga lecturer ang nakikita ko.

'Di kaya walang pasok? pero kung walang pasok bakit nandito yung mga lecturer?' saad ko sa sarili at saka takang nagpatuloy sapag lalakad ng makasabay ko si Miss Lee na lecturer sa History.

Kagagaling lang nito sa cafeteria at mukang gulat pa nang makita ako.

'tatanongin ko nalang si Miss'

"G-good morning Miss" saad ko rito at pilit na ngumiti. ngumiti naman ito sakin pero bakas parin ang pagkagulat nya kaya naman nagsalita nako "Miss asan yung mga students? Bakit parang wala yata sila? 15 minutes na lang bago magstart ang mga klase ah?" sunod sunod na tanong ko rito.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon