Chapter 3

228 2 0
                                    

SIGN 2~

Summer: Sinong Lex?

"Uh, yeah, actually." Agad kong binawi ang hat.

He's taller than Kevin. Mas gwapo pa kay Dave. At halatang mayaman dahil sa soot at

sasakyan. Pero hindi bagay sa kanya. Ka-age ko lang yata 'to pero ganun siya maka-asta't

makapanamit.

"Sorry," Tumingin siya sa paligid.

"Uh~ Yeah!" Sabi ko. "Okay LANG! HINDI naman 'to galing Taiwan." I said.

"Ahh~. Sarcasm?" Tumaas yung isang kilay niya at para bang matatawa siya.

IWAN KITA RIYAN!

Pumara ako ng tricycle. My god, isa lang ata ang taxi sa islang 'to dahil isa lang ang

nakita kong dumaan.

"Uhmmm, sa Sortee Beach Club, po." Sabi ko habang papapasok sa tricycle.

"Uh... Malayo yun eh." Sabi ni mamang driver. "Di po ako aabot dun."

Umalis na ang tricycle.

"Stooopid."

Nakita ko yung lalaking nakabunggo ng hat kong naka tingin lang sakin. He is crossing

his arms while leaning on his ford expedition.

"Mama naman eh, nung klaseng lugar ba 'to." Tiningnan ko ang cellphone ko't nakita

kong kakalowbat niya lang.

"Miss, Sortee Beach Club? Turista ka ba?"

Tiningnan ko siyang mabuti. Alam kong gwapo ka pero allergic na ako sa mga gwapo

ngayon at di na ko pwedeng makipagclose kahit kaninong lalaki dahil masyado ng sira

ang life ko at wala ako sa lugar para i-entertain ang mga lalaki. Kapal ko talaga, eh di

naman yan nanliligaw o ano. MAN-HATER!

"Oo.-" Sabi ko nang di ko man lang siya tinitingnan.

"-Naka check-in ka sa Sortee Beach Club, pero walang sumundo sayo?" Tanong niya na

parang nagdududa.

"Actually, di ako nakacheck-in or whatever. Magtatrabaho ako dun."

He looked at me from head to foot."Magtatrabaho ka?"

"Oo! Bakit ba? Ikaw? Sino ka ba? Turista ka ba?"

Umalis ako sa harapan niya. Nakakainis naman kasi, minamaliit yata ako.

"Miss~" Di ko siya pinansin. "Miss~"

Naglakad parin ako at naghanap ng tricycle na AABOT dun.

"Miss~" Hinawakan niya ang braso ko kaya nang humarap na ako sa kanya, sinapak ko

na ng dala kong hat.

"OUCH~, Ano bang problema mo?"

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan eh!"

Baka rapist 'to, in disguise lang!

"Bitiwan mo nga ako!" Hinampas ko ulit siya.

Saka niya lang binitiwan ang braso ko.

"Okay, okay. Fine!" Sabi niya.

"Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na naiwan mo yun!" Sabay turo sa stroller kong

naiwan ko nga sa kinatatayuan ko kanina. "Ngayon, galit ka pa? Kung galit ka dahil

nasagasaan ko yan na HINDI galing Taiwan. Eh babayaran ko yan o kung gusto mo

bilhan kita ng isang libong ganyan para matahimik ka."

I'm speechless. Ginalit ko ata siya. OMGEEE~!

"Are you Summer Romero?" Bigla niyang tinanong sakin pagkatapos niyang dumungaw

sa isang kapirasong papel na hinagis niya rin sa dagat pagkatapos basahin.

"O-Oo."

"Pumasok ka na sa sasakyan ko. Pinakuha ka ni manang Alicia sakin. Maraming tao sa

resort ngayon kaya di niya maiwan ang trabaho niya, ako na lang ang kumuha sa'yo."

Kinaladkad niya ako papasok sa sasakyan niya.

Nang nakapasok na ako sa sasakyan niya. "Kung ayaw mong sumama sakin, you're free

to leave."

Bumaba ako sa sasakyan niya ng walang pag-aalinlangan.

He stared at me, surprised.

"Ha~, bahala ka diyan!" Sabi niya. He looked totally pissed.

"Bahala ka rin."

Umalis na siya't nakatunganga ulit ako sa street. Umiihip pa ang hangin at papalubog na

ang araw. MY GOD! Paano ako makakasigurong pinadala nga siya ni Manang Alicia at

hindi siya masamang tao? HMP.

Ilang sandali ang nakalipas, may nakita akong taxi. SA WAKAS.

"Manong, sa Sortee Beach-"

"Manong, di na po~" Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Lumingon ulit ako't nakita ko ulit ang pagmumukha ng lalaki kanina.

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabay turo sa Black Ford Expedition ulit.

"Opo, Sir." At umalis ang taxi.

"Ano ka baaaa~ Stupido! Minsan lang dumadaan ang taxi dito-" He handed me his

phone.

And,

"Hello, Summer! Di kita ma kontak! Nag lowbat ka ba? Si Manang Alicia mo 'to."

Narinig ko ang boses ni manang Alicia na nag-alaga sakin simula nung nagkamalay na

ako sa mundong 'to.

"Ah, eh. Opo." Lumingon ako sa lalaki at nakatingin lang siya sa sunset.

"Pasensya ka na ah. Na busy ako eh. Sumama ka na lang kay Sir Lex!"

"Sinong Lex?" Tanong ko.

"Yung may-ari ng cellphone na yan. Nukaba! Bilisan niyo't gumagabi na."

LEX? Lex Luthor?

24 Signs of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon