1

102 4 0
                                    

"Mom, ayoko."masungit na sagot ko kay mommy

Pano ba naman kase, pinipilit  nya akong isama sa LONDON para doon na raw ako mag-aaral at para sama-sama na rin daw kami nila daddy at kuya Mark. Eh' sa ayoko nga sabi! Dito lang ako sa pilipinas dahil dito na ang kinalakihan kong bansa at dito na rin ako mamamatay. Chos! hehe

"Don't you really want to come, honey?"

"No, mom."matigas na sagot ko"I'm more comfortable here."dagdag ko pa, rinig ko naman ang pagbuntong hininga nya

"Ok fine. I don't force you honey, but please be a good girl, ok? Pababantay na lang kita sa inaanak ko and I think magkakasundo kayo."nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko kay mommy

"What mom?! Anong pababantay? Mom, I'm not a kid anymore!"sumbat ko

Anong pababantay? Hindi na ako bata para magkaroon pa ng babysitter! At lalong ayoko dahil hindi ko naman kakilala kung sino man ang tinutukoy nyang inaanak.

"Honey, I'm doing it for you and look. Ikaw lang ang mag-isang maiiwan dito sa bahay kase ayaw mo naman sumama sa akin sa London kaya sa ayaw at sa gusto mo magkakaroon ka ng makakasama dito sa bahay and for sure magkakasundo talaga kayo."

"Mom, please don't do that. I can manage myself and I'm with nanay Linda naman eh."naiinis kong sagot, hinawakan naman nya ang dalawang kamay ko

"Yeah. I know, I know honey. 3 weeks muna bago makakauwi dito si nanay Linda, right?"napatango na lang ako

Umuwi kasi si nanay Linda sa kanilang probinsya dahil sa kanyang anak na nasa ospital, sinumpong raw sya sa puso kaya nagleave muna sya ng halos 3 weeks pa.

"Honey, mamayang gabi na ang alis ko at mamaya na din pupunta si Zach dito kaya kung ako sayo mag behave ka kung hindi ipapabook kita kaagad ng passport papunta sa London and 1 month no allowance."seryosong sabi ni mommy

Bakit kailangan ko pang may kasama kasi eh. Pwedi naman ako na lang muna mag isa habang wala pa si nanay Linda. Then lalaki pa ang makakasama ko pala dito baka pag natutulog ako gahasahin pa ako non. Sayang naman yung pagkabirhen ko kung mawawala lang ng basta basta no!

"Mom, kailangan pa ba talagang may magbantay sa akin? And seriously lalaki pa talaga?"kunotnoong tanong ko

"Ofcourse. Zach is a very kind of person, so don't worry about him."nakangiting sagot ni mommy, inirapan ko na lamang sya at nagbuntong hininga na lang

Pagod na akong makipagsumbatan sa kanya at wala na akong magagawa sa gusto nya. So we are quits na.

"Fine! Fine! Fine! Sa kwarto na ako mom"naiiritang sagot ko at iniwan ko na sya sa sala

Nahiga na lang ako sa kama ko at naiinis dahil sa gustong mangyari ni mommy. Kaya nga ayaw kong sumama sa kanila sa London para makapag enjoy naman ako with my friends tapos wala rin naman palang kwenta!

*sigh*

By the way. Kaysa naiinis ako dapat muna akong magpakilala sa inyo. My name is Sophia Marie Kate Smith 18 years old half british and half pilipina. My parents are rich all over the philippines at meron pa silang business sa iba't ibang bahagi ng bansa. My daddy is a president in the London and My mom is a Attorney. But I don't care about wealth because I just want to be an ordinary person pero syempre may pangangailangan din ako likes my allowance in every month hehe

*KRINGG!! KRINGG!!*

Mabilis kong kinuha ang telepono mula sa side table ng kama ko at itinutok ko ito sa kabilang tenga ko

"Hello."

["Hi, baks. Do you want to come along later?"]

Malanding tanong ni Cleah sa kabilang linya. She is my longest bestfriend anyways!

"Where?"walang ganang tanong ko, badtrip parin kasi ako hanggang ngayon

["Sa Bar. Birthday kasi ni Kuya Lance sa sunday pero ngayon na daw nya gagawin. Hindi naman kasi tayo pwedi sa sunday, alam mo naman first day of school na sa monday kaya bawal tayong ma-late."]

Oo nga pala birthday nga pala ni kuya Lance bukas and sh*t wala pa pala akong regalong ibibigay sa kanya.

Crush ko pa naman ang pulis na kapatid ni Cleah hehe Ang pogi kasi nya at ang tikas ng pangangatawan pero hindi pa nya alam na may lihim akong pagtingin sa kanya tanging si Cleah at si baklang Jerome lang ang nakakaalam ng feelings ko para kay kuya Lance. Nahihiya kasi akong umamin sa kanya dahil babae ako at hanggang titig lang ako sa kanya mula sa malayo

"Wala akong regalo sa kanya baks."

["Haller! May bukas pa naman baks at wag kang mag-alala kahit wala kanang ibigay kay kuya basta makasama ka lang ayos na yun sa kanya. Ano game ka?"]

"Uhm.Sige."sagot ko

["Ok. I'll get you back later. Byee!! *toot*"]

Bastos na bata! Di man lang sinabi kung anong oras nya ako susunduin dito. Grrr! Bahala na nga.

Binalik ko na ang telepono sa side table at tumingin sa ceiling.

I know masyado akong bata para kay kuya Lance but I really like him sana maappreciate nya ako hehe

*Tok!tok!*

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko kung saan may kumakatok sa labas at alam kong si mommy lang yon dahil kami lang dalawa ang tao dito kaya hindi ko na sya tinanong kung sino man sya.

"Come in."sigaw ko

Bumukas naman ito at iniluwa si Mommy.

Umayos naman ako ng upo at sumandal ako sa headboard ng kama ko tsaka naman tumabi sa akin si mommy.

"Honey, I'm going leave na. Yung mga bilin ko sayo wag mong kakalimutan ah. Be a good girl and don't be naughty to kuya Zach and nanay Linda. Dadalaw naman kami dito nila kuya Mark mo, okay?"sabi ni mommy, gusto kong umiyak sa harapan nya pero wag na lang dahil ginusto ko naman ito eh.

Niyakap ko na lang sya ng mahigpit."I will miss you mom."

"Me too honey. Magpakabait ka at wag na wag kang magpapasaway ah. Si kuya Zach mo baka male-late ng dating dito. Gusto ko maging mabait ka sa kanya at magkaroon ka ng respeto dahil hindi mo sya ka-level."she said and I nodded."Ok, I'm leaving na."then she kiss me on my forehead

"Bye mom. Take care, I love you."paglalambing ko

"I love you too, honey."sagot nya and then lumabas na sya sa kwarto ko

Tumayo na rin ako para makaligo na kasi anytime nandito na si Cleah.

Wash, wash, wash after 1 hour tapos na ako. Wag kayo! Isang oras talaga akong nakababad sa banyo, minsan nga umaabot pa ng 2 hours hehe

Ang suot ko sa pang itaas ay white plane croptop and black jeans with rubber shoes black and white. Oh diba? Taray!

Sa mukha naman ang gamit ko lang ay baby powder and Lipgloss lang, ayoko kasi yung sobrang kapal ng make-up kaya ayos na ako sa ganitong set-up lang. Maganda pa naman ako kahit anong ayos ko hehe

*Dingdong!*

Si Cleah na siguro yon. Kinuha ko na ang sling bag ko tsaka na ako lumabas ng kwarto at patakbo naman akong bumaba ng hagdan.

*Dingdong!*

"AYAN NAA!"sigaw ko at nagmadali ng nagtungo sa gate

Binuksan ko na ito at......LOADINGG.....

.

.

.

Loadinggg....


"Sino ka?"

To be continued...

The Hottest Professor Vs. The Naughty Student!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon