Sophia's Pov:
"Sino ka?"
Tanong ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko at seryoso lang ang pagkakatitig sa akin.
Infairness his handsome, tall and macho but my kuya Lance is handsome than him.
Wala naman akong bisitang darating ngayon except kay Cleah dahil susunduin daw nya ako dito and hindi ko naman sya kilala.
"I'm Zach Morales."sabi nya sa malamig na boses
Ows! Is he Zach na sinasabi ni mommy na magbabantay sa akin?
"Okay. Pasok kana at aalis na ako."sabi ko at binigyan sya ng space para dumaan pero nanatili parin syang kalmadong nakatayo sa labas.
Anong problema nito? Englisero ba to para hindi nya maintindihan ang sinabi ko?
*I'm deeply sigh*
"Come inside and I'm leaving na."ulit ko pero wala parin syang balak umalis sa kinatatayuan nya. Seriously? Tao ba to o Alien? Gwapo sana kaso mukhang bingi eh. Naku! Sayang pa naman ang ganitong lahi kung lahat ganyan.
"Where are you going?"tanong nya na nakataas ang isang kilay
Aba! Kung makatanong akala mo naman close kami at may pataas-taas pa talaga sya ng kilay ah.
"Wala kanang pake don. Chupe!"naiinis na sagot ko tsaka ko sya tinulak para makadaan na ako
Wala na akong pakialam kung mabastos ko man sya! Ang ayaw ko lang ay ang pinakikialaman nya ang sarili kong desisyon.
Nasaan na ba kasi si Cleah. Putik! Malilintikan ang babaeng yon mamaya sa akin. Nang dahil sa maling akala nasira ang gabi ko.
"Ms.Smith wag kang umakto na parang walang naririnig?"sabi nya sa malamig na boses
Kanina pa kasi syang dada ng dada pero hindi ko sya pinapansin, bahala syang magsawa. WAHAHAHA
*BEEP! BEEP!*
Hays! Thank god. Cleah's here at makakaalis na ako dito. Yahoooo!!
Lumapit na ako sa kotse at dumungaw naman ang ulo ni Cleah sa bintana.
"Ms.Smith."tawag ni Zach pero hindi ko sya pinansin at tuloy lang ako sa pagpasok sa kotse nila Cleah
"Let's go manong."ako na ang nagsalita dahil walang balak bumuka ang bibig ni Cleah dahil natameme na sya sa lalaking pakelamero sa akin.
Lumingon muna ako ng saglit kay Zach at halata ang galit sa mukha nya pero agad ko din yon binawa.
"Baks, sino yon?"curious na tanong sa akin ni Cleah, alam kong kinikilig na to at nag iisip kung ano ang meron sa amin ni Zach.
"I don't know."walang ganang sagot ko, kumunot naman ang noo nya
"Pwedi ba yon? Kasama mo sya then tinatawag ka sa surname mo tapos you don't know. Aba! Malakas ang topak mo ngayon ah."tinignan ko lang sya ng masama at bumuntong hininga
"Sya si Zach, inaanak daw ni mommy at sya daw ang makakasama ko sa bahay."sabi ko, nanlaki naman ang mga mata nya at napa 'O' ang bibig
"Really baks?! Oh my god! Ang gwapo at super hot nya, saan kapa kay Zach kana. KYAAAAAHH!!"tili nya
Agad ko naman tinakpan ang dalawang tenga ko dahil nakakarindi na sya. Tanging sya lang ang kilig na kilig doon. Bwisit!
"Tumigil ka nga dyan! Ang sakit mo sa tenga baks."inis na sabi ko, tumigil naman sya sa kakatili pero kinikilig parin sya
BINABASA MO ANG
The Hottest Professor Vs. The Naughty Student!
RandomHanggang kailan kayo susugal sa bawal na pag-ibig? Kaya nyo ba talagang ipaglaban ang isa't isa? Paano kung may humadlang? Anong gagawin nyo? Ipagpapatuloy nyo pa ba? O susuko na lang? Mahirap mamili, lalo na kung sa ganitong sitwasyon kayo napunta.