6

33 4 0
                                    

Sophia's Pov:

"Ms. Smith, get up there!."

Hays! Hanggang sa pagtulog ko pa naman naririnig ko parin ang boses ng asungot? Binabangungot na ata ako dito.

*Tok! tok! tok!*

Sunud-sunod na katok ang naririnig ko mula sa labas ng kwarto ko kaya naman tinakpan ko ang ulo ko gamit ang unan.

"Hey, wag ka ng magtulog-tulugan dyan because it's already 6:47 in the morning and you already have a class."napabalikwas naman ako ng bangon ng marinig ko ulit sya

Gosh! Maaga pala ang training namin ngayon. Bakit nawala sa isipan ko yon. Harsh! Kailangan ko ng maligo baka wala na akong maabutan sa training.

Kinuha ko na ang towel na naka sabit sa kung saan at dali-daling naghubad sa banyo pagkapasok ko palang.

15 minutes lang ako nakaligo tsaka na ako nag-ayos ng sarili.

Halos madapa na ako sa kakatakbo pababa ng hagdan dahil hindi ako pwedeng ma-late ngayon. At isa pa gusto ko ng masilayan ang napaka gwapong mukha ni kuya Lance.

Dumiretso na ako sa kusina. Naabutan kong nakaupo na si asungot sa upuan at meron na rin syang nalutong pagkain na nasa mesa, yun nga lang hindi na ako pweding magtagal pa para kumain dito. Kumuha lang ako ng dalawang sandwich at nilagay sa loob ng bag ko. Aalis na sana ako ng magsalita sya.

"Hindi ka ba kakain?"tanong nya

"Hindi na. Late na po ako."magalang na sagot ko. Yun naman kasi ang gusto nya, diba? Edi pagbigyan."Alis na ako sir."tsaka ko na sya iniwan at nagtungo sa kotse ko.

Tinignan ko muna ang phone ko and shocks! It was 7:15 am. 7:30 am ang training namin ngayon dahil wala naman kaming first subject.

Halos paharurot ko na ang sasakyan ko sa sobrang pagmamadali. Gusto kong makaabot sa training ng hindi pa nale-late. Nakakahiya naman kay kuya Lance kung male-late ako sa training nya.

7:26 am na ng magpark na ako ng sasakyan and thanks god may 4 minutes pa ako para makahabol.

Lakad-takbo ang ginagawa ko papunta sa gym, doon kasi kami magt-training ngayon.

Halos lumabas na ang dila ko sa sobrang hingal ko at sakto hindi pa nag-uumpisa ang training.

Napangiti kaagad ako ng makita ko sa aking paningin si kuya Lance pero agad din iyon nawala at napalitan ng pagkakunot noo dahil sa apat na babaeng kausap nya na halatang nilalandi sya. Nakakasira ng araw ang mga ito!

Hindi ko alam kung anong ginawa ng mga paa ko at mabilis na nakalapit sa kinaroroonan nila, bahagya pang nagulat si kuya ng makita ako.

"Marie?"bakas parin sa kanya ang pagkagulat, hindi kasi nya alam na criminology ang kukunin kong course.

Akala kasi nya ay Fashion ang kukunin ko katulad ng kay Cleah. Gusto ko din yung Fasion kaso nga, sya ang dahilan kung bakit mas pinili ko ang course na criminology kahit ayoko naman talaga.

Binigyan ko naman sya ng malawak na ngiti."Goodmorning kuya."bati ko sa kanya tsaka ko binalingan ang 4 na babae, halos patayin na rin nila ako sa kanilang pamatay na tingin pero binigyan ko lang sila ng nakakaasar na ngiti. Ewan ko kung bakit naiinis ako sa mga babaeng 'to.

"Goodmorning din. I assume fasion is your choice of course?"saad ni kuya Lance

"A-hh? E.. Mas gusto ko na po kasi mag pulis ngayon. hehe"sagot ko, tumango naman sya at tinignan ang wrist watch nya sa kaliwa 

"I think we need to start."seryosong sabi ng maalis na ang tingin sa wrist watch nito

"Mabuti pa nga sir."sabi nung isang babae, sumang-ayon naman ang tatlo.

The Hottest Professor Vs. The Naughty Student!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon