Jimin's
"HOY BATANG MUKHANG PUWIT TUMAYO KANA DYAN TANGHALI NA!!!" umagang umaga bunganga na naman ni mama naririnig ko.
Sarap talaga magising sa umaga, pero mas masarap ako.
"DI KA BA DYAN TATAYO HA? KUKUNIN KO NA YANG CELLPHONE MO MAKITA MO LANG JIMIN." syempre auto-tayo na ko dyan mamsir. Kunin niyo na lahat wag lang cellphone ko.
"Eto na ma, umagang umaga masyado kang highblood. San ka ba pinaglihi ni lola, sa sama ng loob?" wag mo ko multuhin 'la ha?
"ABA SUMOSOBRA KA NA JIMIN HA! BUMABA KA DITO AT KUMAIN NA!" eto talaga si mama kala mo nasa bundok ako e, makasigaw feeling ko rinig hanggang munisipyo.
Teka check ko muna kung pogi pa rin ako, ladies okay? Tumayo na ko at pumunta sa banyo kasi si Junjun gustong jumingle. At dahil parang nasa impyerno kami ngayon sa bahay, at lagkit na lagkit na ko sa balat ko. Liligo muna ko, oh teka masyado na kayong manyakis ha, hanggang dito muna maya ulit.
———•———•———
Ang sabi ni mama, masama daw yung pumatay. Paano yon patay na patay ako sayo, masama ka na ba non?
Joke wag kang assumera.
"Bilisan mo dyan kumain, late ka na naman sa eskwelahan mo." yiiieee si mama masyadong concern.
"Luh, 'to si mama masyadong pa-fall. Wag kang ganyan ma, mabilis ako ma-fall." biro ko at sinubo yung hotdog.
"Yan, dyan ka magaling. Pag ikaw na-fall din yang grades mo, makikita mo mapo-fall din yang mga gamit mo sa terrace." eto naman si mama, masyadong serious sa life.
"Joke lang ma, wag kang ganyan. Sige ka, mawawalan ka ng gwapong anak." sabi ko. "Pumasok ka na sa school mo, kundi sa ipapasok kita sa matres ko ulit." tawa pa ni mama.
"Yuck ma, creepy mo na ma ha." sabi ko at tumayo na. Ako lang tumayo ha, di kasali si junjun. Tulog pa po siya.
———•———•———
"OKAY CLASS DAHIL MALAPIT NA KAYO GRUMADUWET, MERON AKONG FINAL PROJECT SA INYO!" sigaw ng prof namin.
Napaka-bait noh? Lord, bakit di mo pa po siya kunin. Pwede po siyang maging kanang kamay niyo dyan sa heaven.
"OH OH OH, ALAM KO YANG MGA MUKHA NIYO HA."
"Oo sir, alam namin gwapo kami."
"Wag ka na magalala sir, alam namin mamimiss mo kami kaya nagsend na kami ng 1X1 picture sa email mo."
"Oo nga sir, wag na kayo magpuyat kaka-isip samin. Mag tatlong linggo pa tayo."
Mga feeling din 'tong mga kaklase ko. Alam ko naman na ako ang mamimiss ni Sir, ako lang naman ang top student niya. Oo TOP. T-O-P. Top ako.
"Oh sige, mangarap kayo. Yung project niyo is about Love. Gusto ko mag-pair kayo with your seatmates. Due date neto by next week, Thursday okay? Kayo na bahala sa ilalaman niyo. Di na kayo bata." Love? Naalala ko lang ex ko, sensya na guys.
BINABASA MO ANG
Easy Come | Jikook
FanfictionAlternative Universe - Where in Park Jimin a young student from busan who likes a guy named Jeon Jeongguk, who is his childhood friend way back when he was still 5.