Naglalakad si Tyrell papalapit saakin. Medyo nahihilo na ako, masyado atang napadami nainom kong wine and champagne. Dumagdag pa ang napakalamig na hangin sa labas na nagpatayo ng mga balahibo ko.
"Shit-" he cussed. "I'm sorry, uh, here my jacket." iniabot nya ang kulay asul na jacket niya. Isinuot ko agad iyon at halos matumba ako gawa nito. "Okay ka ba?"
Do I look okay to him? Okay. Nakatatlong suka na ako sa cr kanina.
"Uwi na ako." wika ko habang nangangatal sa lamig.
Nag umpisa nang pumatak ang ambon.
"It's better if we head first to my unit. Mainit doon at napakalapit dito. Ang dilim ng langit. Baka abutin ka." inaya niya ako. "Flat ang gulong ng kotse mo. Mahirap ayusin yan lalo na at palakas na ulan." lumakas na ang ulan na nagresulta ng pagsama ko kay Tyrell sa unit niya.
Nang makarating kami sa unit niya ay agad akong naligo at pinahiram niya ako ng mga damit niya. Ang weird kasi wala siyang shorts, puro pajama and t-shirts lang ang mayroon siya. Pagkaligo ko ay naligo na rin siya at ako'y nakatulog.
-
Napabalikwas ako nang masikatan ako ng araw. Nakita ko nalang ang sarili kong nakahiga sa kama ni Tyrell. Wala siya, walang Tyrell sa unit. Napaupo ako at pinagmasdan ang paligid. Umaga na at tumila na ang ulan.
Umapak ako sa carpet ng sahig. Malamig ang paligid, halos baunin ko na ang kumot na nakapulupot saakin kanina. Lumapit ako sa may pinto.
"Tyr-" naputol ang aking sasabihin nang magbukas ang pinto ng unit. Halos mapatalon ako nang sumulpot si Tyrell sa harap ko.
"Um- Sorry. Nakatulog ka ba?" He asked. I can smell the mysterious mellow perfume he is wearing. Halata sa kaniyang nga mata ang puyat. Halos magmukhang sinuntok ito sa mata dahil sa puyat siguro.
"OO!" halos mapasigaw ako sa hiya. Naalala ko na di ko nga pala to unit. "Ayos lang naman ang pagtulog ko."
"Good, tinawagan ko na ang kuya mo. He said he will be here by 8 so be ready. At yung kotse mo ay di pa naayos." tuluyan na siyang pumasok sa unit.
Alas-sais pa lamang at maaraw na. Siguro dahil ibinuhos na ng langit ang lahat ng ulan na dala-dala nito kung kaya't naubos na ang ulap. Medyo basa pa ang kalsada hudyat na kakatila lamang ng ulan.
Umupo ulit ako sa kama at pinagmasdan ang kalangitan. Payapa ang labas. Habang sa loob naman ng unit ay umingay nang magluto na si Tyrell ng almusal. Nagbasag siya ng itlog at nag prito. Kasabay nito ay ang bacon at ang tinapay na kaniyang pinainit.
"Here eat up, baka sabihin saakin ng kapatid mo na di man lang kita pinakain." bat ganito siya? antagal na naming magkakilala. Best friend siya ni kuya kaya madalas ko siyang nakikita. Pero bakit ngayon?
Inihatid niya ang pagkain na nakalagay sa isang tray. Breakfast on the bed na daw ganon. Biglang umalingasaw ang amoy ng kape. Ang tapang ng amoy nito na lalong nagpagutom saakin. Natakam ako bigla, parang gusto ko uminom ng kape. That bitter-sweet scent of coffee spread fast inside the room.
Tumingin ako kay Tyrell. How come that he is taller than me kahit magkaedad lang kami? His small soft hands struggled to open the jar of sugar. No. It flexed, he showed his strength even if his body was not that bulky. Nilagyan niya ng asukal ang kape na nasa mug. Humarap na siya saakin. Nasinagan ng araw ang kaniyang mata. Kumislap ito at tila ba nangungusap ang kulay brown nitong mata.
His long lashes talks along with the deep dark brown eyes. It says something I don't understand. It hypnotizes me, to look more into his eyes. Nilapag niya ang kape sa tray at kumuha ng kaniyang kape. Umupo siya sa isang upuan sa counter, malapit sa lutuan.
BINABASA MO ANG
The Two Decade Myth
Ficción GeneralEtzel Grace Sotomayor, a film maker founded love in a place where she should do job but instead she enjoyed her job even more. She fell for her brother's friend Tyrell, but was warned by Syon not to. Soon after she discovers a shocking tie between h...