2- An Extension

7 2 0
                                    


Nakabalik na kami sa aming bahay sa Laguna. It was a two-hour drive from Manila. It was already eleven o'clock. Luckily, di traffic ngayon kaya mabilis ang biyahe namin. I stepped out of the car and tasted fresh air as Syon parked the car in the garage. Binitbit ko ang bag ko at naglakad papuntang pinto.

"Mom and dad are not around. Isinama sila ni tito Sigmund sa Spain. Business meeting daw." Syon as he walk pass through the large meadow of grass in our front yard.

Tito Sigmund is the youngest cousin of dad, actually he's just 28. He is the CEO of a big business of Sotomayor in Spain. He lives in the Spain but occasionally visits the Philippines to check on his house. Nakatira sya dati sa village malapit lang saamin and there he met his wife.

The front door opened. At di pa rin nagbabago ang bahay. The grand piano was still in the lounge. The chandelier still hangs perfectly atop. Two stairway leading upstairs greeted me. Woah.

Mahigit apat na taon na din akong di nakakauwi dito. I've been studying film making in Manila since 2015. Now look at the time; 2019 na.

Umakyat agad ako sa kanang hagdanan. Tatlo ang kwarto sa taas. Ang kaliwa ay kay kuya, akin yung nasa kanan at ang gitna ay kina dad.

Sa baba naman ay nandon agad sa harap ng pinto ang lounge or sala. Wala doong tv kasi sa bawat kwarto nalang nilagay. Makalampas ng lounge ay dining na namin at kusina.

Ibinaba ko ang doorknob ng pinto ko. Di ko ito mabuksan. Nalimutan ko ang susi. Kinuha ko ito sa bag ko at binuksan muli ang pinto. The door screeched open as it reveals me the untouched room of mine.

The scent of the vanilla scented candles I put out four years ago still lingers the room. The silk soft carpet that covers the entire floor is still here, untouched and clean. So nostalgic.

Binuksan ko agad ang mga ilaw at ang aircon para lumamig naman sa loob. Pumasok na ako at inilock ang sarili sa loob. Masakit padin ang aking ulo. Humiga na lamang ako sa kama ko.

Ilang oras matapos ay pumasok ako sa cr ng aking silid. Nagbukas ako ng gripo sa bathtub at pinuno ito. Tumapak ang aking paa sa malamig na tiles para kumuha ng sabon para sa bathtub.

I mixed the bath with the soap and I let myself rest. The smell of this bath is amazing. It smells like wine and vanilla.

Wine.

Huh, the Vinery in Laguna.

Naalala ko magshoshoot kami bukas sa Vizcaino Vinery. Kasama namin si Tyrell. I'm so excited! Tyrell said that maganda kung agahan daw namin bukas kasi mag iiscout pa sa area at saka mag shoshoot pa. Sayang daw kasi oras kung scouting lang bukas.

He has a good point. Sana naman mabait yung mga Vizcaino, especially Eleanor.

I was staring at the ceiling of my bathroom until I closed my eyes and dozed off.

A loud knock interrupted my nap. Ilang minuto na ba akong nakalubog sa bathtub? Fifteen minutes? No maybe thirty minutes.

"Etzel? You've been in your room since we came, it's already three in the afternoon." si kuya. "Di ka pa ba gutom?"

Wait? Three? THREE?!

Napaupo ako sa bathtub and "Ay, oo. Umidlip lang ako." Huh umidlip, well it's been almost four hours?

The Two Decade MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon