4.1❌YumiThunder

160 10 2
                                    

Chapter 4

Lyncy's POV

Naalala ko noon palagi kaming nagbabangayan. Hay nakooo. Grabe pa rin ang epekto niya sa akin. Ilang taon nga ba niya ako sinimulang kulitin sa pagtawag sa akin ng Yumi? 14 ba kami non? Haha. Pramis ang kulit-kulit ni Thunder.. Hayyy. Heto na naman ako. Heart, why pahamak me?

✘ ✘ ✘ ✘ ✘

Flashback 4 years ago

Papunta ako sa bahay ni Bestpren ngayon para sa project namin sa English. Partner na naman kami. Kainis! Ginagawa niya man lang akong partner dahil ako ang tagagawa niya lahat habang siya ay nag si-sitting pretty-- este handsome pala. Kung pretty edi bakla siya ganun? Ah! Nevermind na!

Nandito na pala ako sa gate nila. Makapag door bell nga. "Bzzzt! Bzzt!" Ay! Lechugas! Hindi pala doorbell! Buzzer pala rito. -___- First time ko kasi rito eh. Pasensya na ha? Tsk. Kahit years na kaming magkaibigan di pa ako nakapunta rito. Lagi kasi yan sa bahay eh. Kaya nga excited ako ngayon dahil first time ko ito! \m/

"Sino sila?" Sabi ng matandang babae galing sa garden. Hindi ko siya napansin ah. Nagdidilig pala siya.

"Ah, lola ako po pala si Lyncy. Kaklase ni Keith." pakilala ko. Siya siguro ang tinutukoy ni Keith na Nanay-nanayan niya na si Nanay Ana. Parang tinuring na rin daw niya itong pangalawang ina kasi ito na rin ang nagpalaki sa kanya. Kunsabagay pareho naman kaming lumaki malayo sa pamilya. Puro business minded kasi eh. Ang Mommy ko wala palagi sa bahay. Si Nilo-nii lang ang lagi kong kasama. Nakaksawa rin kaya ang pagmumukha niya. -_-

"Oh, hija. Ikaw pala si Lyncy. Aba sa wakas at nakilala din kita. Sige pasok." ngumiti ako kay nanay Ana. Halatang mabait nga ito. Ang warm pa ng pag welcome e.

"Wow!" nasambit ko pag pasok ko sa mismong loob ng bahay.

"Thunder! Hijo! Nandito na ang bisita mo!" Thunder?

"Sige Nay, paakyatin mo na lang dito sa kwarto ko!" si Keith yung sumagot ah? Thunder tawag sa kaniya dito? San naman galing yun?

"Sige iha. Umakyat ka na roon. Ikalawang kwarto sa kanan." ngumiti sa akin si nanay Ana. I smiled back at tumango.

Umakyat na ako sa taas. Ang laki talaga ng bahay nila Keith eh. Waaaaah! Malaki rin ang bahay namin pero kung ikompara sa kanila? Parang 1/4 lang yung samin. Bakit ba di niya pa ako pinapunta rito noon? Edi sana araw-araw ako rito!

"Keith! Nandito na ako!" sabay katok. Binuksan nya naman agad ang pinto.

"Come in Yumi." saad niya.

"Ayan na naman tayo Keith eh! Yumi ka ng Yumi!"

"Hahaha. Init agad ng ulo. Kakapasok pa lang bulyaw na agad salubong mo. Hayaan mo na lng kasi akong tawagin kang Yumi."

"Bakit ba gustong-gusto mo ng Yumi?"

"Wala lang. Cute eh. Eppp! Ang pangalan lang hindi ang may ari!"

"Aba! Cge na nga! Mapipigil pa ba kita? Tsk." pilit kong pag sang ayon sa sinabi niya. Ayaw ko talagang tinatawag na Yumi eh.. Hmp. T^T

Nagsimula na kaming gumawa ng report. In fairness ang linis ng kwarto ni Keith ah. Parang di lalaki. Mas malinis pa kwarto niya sa akin. Hahaha. Ang gara din ha! May sarili siyang playroom. Di pang bata na playroom ha? Yung puro mga video games at mga psp niya nandon.

Basta lahat ng nilalaro ng mga lalaki ngayon meron siya! Edi sila na mayaman! Kyaaaah. May banyo din siya at air conditioned pala yung buong bahay. Pero syempre di rin araw-araw ginagamit dahil si Keith, si Lola at mga kasambahay lang nandito lagi.
Nakakita rin pala ako ng study room niya. Grabe ang laki ng room pwede nang maging bahay! Makausap nga si Keith.

"Ahmm.. Keith!" tawag ko sa kanya.

"Oh?" nakayuko lang sya.

"Ahh.. Best, ang laki ng kwarto mo no? Pwede pa dorm dito? Kompleto eh! Wala ng pahirapan! Nandito na lahat na kailangan pati na sa school. May mini library ka rin pala. Sigurado puro alikabok na yan dahil ni isa wala kang ginalaw!" walang preno kong pagsabi sa kanya.

Umangat ang ulo niya at alam niyo ang ginawa niya?

"Ouch! Ano ba!" binato lang naman niya ako ng pentel pen at kinurot.

"Mga walang kwentang bagay talaga ang mga nalalaman mo.!" kinukurot nya pa rin ako. Kawawa naman ako. T_T

Bumukas ang pinto. Pumasok si nanay, may dalang pagkain. Yes! Ligtas na ako. At tsaka mabubusog pa ako! Nomnomnom *^O^*. Gutom na pala ako eh. 

"Tama na muna ang kulitan at mag meryenda na muna kayo Yumi at Thunder." aya sa amin ni Nanay Ana.

"Salamat Nay." sabi ni Keith at lumabas na ulit ito.

"Keith, bakit Thunder tawag niya sa iyo?" tanong ko sa kanya. Curious e.

"Alamin mo!" Aba! at binelatan pa ako ng kumag!

"Heh! Bahala ka! Papaisipin mo pa ako. Sayang ang production ng brain cells ko!" reklamo ko.

"Oh?!" gulat na gulat niyang sabi. "May brain cells ka bestpren? Really? Oh-My-Gee!" kainis talagang Keith na to oh! Ginaya pa si Kris Aquino sa kaartehan. At tsaka anong ibig niyang sabihin? Wala akong brain?!

"Ikaw na tsonggo ka! Nakakarami ka na ha!" sabay palo ko sa kanya ng manila paper.

"Aray! Grabe ka talaga! Jinojoke lang naman kita ah! Syempre Thunder kasi yun yung second name ko! Slow! Panu ba kita naging best friend? tsk!" pailing-iling pa ang baliw.

"Eh, malay ko ba na may second name ka pa? Tss.." second name pala e. Dami pa arte neto. Pahuhulain pa ako.

"Di ka rin kasi nagtaatanong eh. Hahaha."

"Grabe two years na tayong magkakilala ngayon ko lang nalaman? Kung di pala ako pumunta rito edi kung marinig ko ang Thunder akala ko lang kapatid mo sa labas. Haha. Ate lang kasi meron ka eh. Bwhahaha!"

"Baliw!" sigaw at sabay batok sakin. Kawawa naman talaga ako. Battered friend. ::>_:

"E yung papel mo Keith Carmona lang ang nakalagay, bakit?" oo nga, Keith lang yung name nya.

"Tamad na ako eh. At tsaka sayang sa ink ng ballpen." pa iling-iling nya pang sabi. Grabe, parang naghihirap ah.

"Mas maarte ka pa sa akin! Kung ganun edi Thunder na rin ang itatawag ko sayo! Para pareho tayong second name ang tawagan!".

"Bahala ka. Gusto ko naman ang Yumi eh. Hahaha. Dapat di kana magagalit ha?" pagkasabi niya nun binelatan niya naman ulit ako. -___-
May pagka-isip bata talaga ito si Kei--Thunder! Hay nakuuuu!

✘ ✘ ✘ ✘ ✘

"Oo na." ayaw ko nang pahirapan mga sarili namin. 

"Really? Friends na tayo ulit?" Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.

"Oo po. Oo na, friends na ulit kaya tama na ang yakap!" Yes po. Yakap pa rin siya ng yakap. Aba naman Thunder wag masyadong clingy. Iisipin ko talaga mahal mo na ako. Hmp.

"Nope. I won't let go. Let's stay like this for a while, okay? I just really missed you."

Di na ako pumalag. Na miss ko rin naman siya eh. "Sus! gusto mo lang mananching eh!" biro ko na lang para hindi naman halata na gustong gusto ko rin.

"Pano mo nalaman? Grabe talaga ang radar mo." Sabi niya habang nakapikit.

"Pervert ka talaga!" Sigaw ko at sinipa ko siya at yun! Nalaglag siya sa kama. Hehe. Peace, friend!


// Hello! Please support my story by clicking vote and share it to your friends! Thank you so much! 😊😊 //

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon