Chapter 2
FLASHBACK..
"Bestfriend! Nandito na akooo! I love youuu!" bati sa akin ni bestpren. Bakit may I love you?. Palaging ganyan yan eh. Ewan. May gusto yata sa akin. Hahaha. De joke. Sweet lang talaga yan. Hahaha. Pansin nyo ba? Puro ako tawa! Pwe! xD
Childhood sweetheart kami ni Best. Joke. Mag bestfriend na kami since medyo bata pa kami. Nasa iisang subdivision lang kasi kami nakatira. Pero mas nauna sila rito. 9 years old ako nung lumipat kami sa Leva Executive Subdivision. Di lang kalayuan ang bahay niya samin. Barkada din siya ng Kuya ko pero mas naging close din kami siguro dahil naging mag kaklase rin kami.
"Oy, best! Nandito ka na pala. Mabuti hindi ka naging makupad ngayon! May quiz pa tayo sa algebra!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
"Napakasadista mo talagang babae ka! Oo alam kong may quiz tayo!" pasigaw niyang pagsabi.
"Galit ka na niyan best? Haha." Tiningnan niya ako ng masama sabay irap.
"Naku galit na si Bestpren ko! oyyy.." sinindot ko siya sa tagiliran niya sabay tukso sa kanya.
"Tigilan mo yan Yumi!"sigaw niya habang tumitigil sa pagtawa.
"Aba't! diba sabi ko sayo ayaw kong tinatawag mo akong Yumi?" ang sindot ko sakanya naging mapinong kirot.
"Aray! Tama na nga yan! Oo na! Di na kita tatawaging Yumi kaya tigilan mo na yan!"
"Tsk!" sabay bitaw sa kanya.
"Ang sakit naman ng kurot mo! Parang nabalatan ako ah!" reklamo niya.
"Hoy! wag exag masyado! Uulitin ko yun sige ka!"
"Oo na, hindi na... Yumiii!" aba't tumakbo ang kumag matapos akong tawaging ganun!
"Humanda ka sa akin pag naabutan kitaaaa!"
Nag habulan kami sa loob ng classroom. Pinagtitinginan na nga kami ng mga kaklase namin at tinatawanan pa kami. Natapos lang ang paghahabulan namin nang dumating si ma'am. Di ko sya naabutan! T_T Di pa naman kami seatmate! Di ako makakahiganti! T^T
✘ ✘ ✘ ✘ ✘
Lyncy's POV
Napatulala ako. Kahit naka talikod siya, alam na alam ko pa rin ang tindig niya. Dalawang taon na rin ang nakalipas bago ko siya ulit makita.
Grabe, bakit ngayon pa? Hindi pa ako handa eh. Grabe ka naman past! Ang bilis mong maka catch-up sa present time! Excited na ba talaga ang destiny na paglaruan ulit ako? Waaaaaaah! Mababaliw na yata ako pag ganoon.
Kasama ni Kuya ang mga kababata namin dito sa village, galing sila siguro sa court. Naglaro. Di ko akalaing andiyan din siya.
"Hey! Chikaaass!" napatigil ako sa pag-iisip dahil sa tawag samin ni Ron. Kababata ko rin. Siya ang unang naka pansin sa aming presensya.
Aalis na sana ako pero huli na eh. Tssss.
"Oh, Lyncy nandiyan pala kayo. Nagmeryenda na ba kayo?" tanong ni Onii-san. (A/N: Onii-san, meaning po niyan big brother in Japanese.)
Gusto ko sanang wag na lang sumagot at bumalik na lang sa room ko ay hindi ko naman magawa dahil ayaw ko namang maging bastos kay Nii~san.
"Hindi pa Nii~san. Mamaya na lang." sabi ko sa kaniya.
"Bakit hindi na lang ngayon? May pagkain na dito, sabay na lang kayo samin." Eto naman, wala talaga akong balak pansinin kaya tumalikod na ako at akmang aalis na. Pero bago pa ako makalayo sa kanila may humablot sa kamay ko.
"Don't be rude, Yumi."
Sino pa ba ang tumatawag sa aking Yumi? Siya lang. Wala nang iba.
Si Keith Thunder Carmona.
-----
(A/N: Please do VOTE, COMMENT then SHARE!)
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
Random"Say it. Don't hide it. Let the WORDS be your guide to make this LOVE wild. ∞" Lyncy Ayumi Hakuro is an Engineering student, half filipino half japanese. Mahilig mag day dream at lakas ng topak sa ulo. Minsan nang nainlove at nasaktan. Falling INLOV...