4❌YumiThunder

10 0 0
                                    

Chapter 4

Lyncy's POV

Walang kwenta talaga yung dalawa! Hindi ba naman umakyat?! May project pa kaya kaming tatapusin! Grrrr!

Dahil siesta nung dalawa, humiga na lang din muna ako sa bed ko. Hay naku. Ang sakit ng ulo ko. Linggo pero na stre-stress ako. Amp.

Pinikit ko muna ang mga mata ko para naman makapag-pahinga ng konti.

Naramdaman kong may pumihit sa doorknob pero hindi na ako nag-abalang magbukas ng mga mata dahil alam ko naman sina Eve yan.

"Tapusin niyo na ang mga iyan para maka-uwi na kayo. Kulit niyo eh." Sabi ko habang pikit pa rin ang mga mata.

Tahimik pa rin sila. May umupo sa tabi ko at humiga rin. Naamoy ko ang hindi pamilyar na pabango kaya minulat ko ang mga mata ko at ang nakangising mukha ni Thunder ang humarap sa akin.

"At ano naman ang ginagawa mo rito sa kwarto ko?!" Agad akong tumayo at nilagay ang dalawa kong kamay sa aking bewang habang tinitingnan siya ng masama.

"I see. You're still mad." nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Heh. Bahala siya.

"So? Pake mo? Wala ka ngang pake 2 years ago ngayon pa ba?"

"Yumi.. I'm sorry about it. But nandito na ako oh. Don't you miss your bestfriend?" Pa-cute pa ang mukong habang nakatingin sakin.

"Ex-bestfriend nga diba ang sabi mo? EX! E-X!"

"Yumi naman eh. Sorry na. Promise babawi ako sa'yo!"

"Bahala ka sa buhay mo! Umalis ka na nga dito sa kwarto ko! shoo!"

"Lagi naman ako tumatambay dito nung high school pa tayo ah."

"Hello! High school pa kaya yun! College na tayo ngayon no!" Tsk, ano ba naman kasi. Need ko pa space e! tsss.

Aba't! Space nga gusto ko pero ang kumag tumabi sa akin at niyakap ako nang patalikod habang nakahiga kami! Waaaah!!!!

"THUNDEEEEER!!! ANG BAHO BAHO MO! PAWISAN KA PA! LET GOOOO!!!!" jusq naman. Kakalaro lang nila ng basketball ehhh! At tsaka bat niya ako niyakap! Hindi ako ready!

"Kahit pawisan ako Yumi alam kong mabango ako. Parang first time mo ito a. Palagi naman tayong ganito noon." yeah. keyword NOON. Tssk.

Hindi na ako makapag salita. Si Thunder at ako noon? We're inseparable! Kung saan ako, nandoon din siya.  Dahil doon nahulog ang loob ko sa bestfriend ko. Yes, I fell inlove with my bestfriend. Pero kahit kailan hindi niya nalaman yun. 

We became friends. I fell in love with him and then he went away. Pumunta siya sa Amerika. Hindi man lang siya nag sabi ng dahilan niya. Basta na lang siya umalis. He told me kung saan dalawang araw na lang ang flight niya. We're on our 4th year together. Sabay sana kaming gagraduate kaso umalis siya.

That's why nang hindi ko man lang na iba ang desisyon niya dun ko naramdaman how pathetic I am. Akala ko noon ako ang importanteng tao sa buhay niya. I almost thought gusto niya rin ako kaso hindi e. Nagka girlfriend din kasi siya noon. At talagang araw-araw niyang sinasabi how grateful he is na naging bestfriend niya ako.

Akala ko talaga hindi ko siya mapapaalis ngunit noong araw ng flight niya kompleto sina kuya at mga barkada niya na hinatid siya. Ayaw ko sanang makita siyang papaalis kaso sabi ko sa sarili ko baka sa huling pagkakataon maari ko pang mabago ang isip niya.

Pumunta ako sa airport. Narinig ko na boarding na ang plane niya papuntang U.S. insakto naman na nakita kong nagpapa-alam na siya kina kuya.

Flashback

"Thunder!" halos lahat ng tao ata na malapit napatingin sa akin pagkasigaw ko. Akala siguro nila kung sino akong baliw. Ayon at sina kuya napatingin din. At andon si Thunder naka ngiti.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis Yumi e." Pa ngisi-ngisi pa ang mokong.

"Wag kang umalis." Yan ang sabi ko.

Ngumiti lang siya.

"Please." Halos ma luha-luha na ako.

"Lyncy, ano ka ba. Boarding na si Keith kaya wag ka ngang makulit diyan." kinakausap ako ni kuya pero ang mga mata ko nasa kay Thunder lang.

"I need to go, Yumi. I'm sorry. Boarding na ang plane ko. Kailangan ko nang umalis. Don't worry may chat naman ah. Ma mi-miss mo agad ako?" bakit nakangiti pa siya at may ganang mag biro? Alam naman niyang ayaw ko ah? Akala ko ba walang iwanan sabi mo?

Pinage na ulit ang flight niya at nagpa-alam na siya ulit sa mga kaibigan niya. Hindi ko matanggap. Bakit kasi kailangan niya pang umalis nang hindi man lang nagbibigay ng rason sa akin?

"Pag umalis ka at kapag bumalik ka pa rito tandaan mo hindi na tayo mag kaibigan."  masyado akong nasasaktan. Alam ko parang ang OA ko pero naman kasi may dapat pa akong gawin.

"Lyncy ano ba." parang pagagalitan pa ako ni Kuya. 

"Nil, it's okay. I need to go. Baka maiwanan pa ako ng plane." Wala talaga. Hindi talaga ako espesyal sa kaniya. Napasulyap lang siya sa akin at nag lakad na papalayo. At yun nga lumipad ang eroplano at umalis na siya. Eto ako at hindi na napigilan tumulo na ang mga luha.

End of Flashback

"Tumahimik ka ata?" nag space out pala ako. Bat ko pa ba naisip yung dati?

"Ewan ko sayo. Wag mo na nga akong yakapin diyan at baka pumasok pa dito ang dalawa at kung anu-ano naman ang isipin nang mga yun." pilit kung kinakalas ang mga kamay niya na nakapalibot sa akin. Ang lagkit niya din kasi. Arghhh.

"Sabihin mo muna na ayos na tayo at friends na tayo ulit?"

"Bahala ka."

"Sige na Yumi." 

"Ewan."

"Yumi, please." 

"Che."

"I missed you."

At sa sinabi niyang yun dun ako natigilan.

"I missed you, Yumi. I'm sorry for being a jerk. For not telling you my reasons but I assure you babawi ako sayo. Just please. Forgive me." Naramdaman kong humigpit ang yakap niya. Ewan ko pero parang may nararamdaman akong kakaiba.

"Ts." hindi ako makasagot. Kasi naman parang maluluha ako.

Bumitaw siya sa yakap at pinaharap niya ako sa kaniya. This is awkward. I think namumula ako ngayon. For the first time in two years ngayon lang ulit kami naging ganito ka lapit. Parang matutunaw ako sa mga titig niya.

"Yumi, I promise hindi na ako aalis sa tabi mo." ang ganda sa pandinig. Parang may ibang ipinahihiwatig si Thunder pero baka guni-guni ko lang ito kasi naman.

"I'll be your bestest friend from now on." Ayan na naman sa friendzone. Asa pa talaga ako.

Mula noon pa naman hindi ko natitiis ang kumag na ito. Pag nag-aaway kami isang sorry niya lang okay na agad. Marupok no? Kaso friends lang. Hay nako. Papayag ba ako? Ayaw ko nang ma inlove ulit sa bestfriend ko. Ulit nga ba ang tamang salita? Parang hindi naman nawala.





Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon