Silicon Valley, a home to dozens of major software and internet companies. Sa sobrang innovative ng lugar, kapag pupunta ka rito ay aakalain mong nasa future ka na. Malayo sa probinsyang kinalakihan ko sa Pilipinas.
Hindi mawala ang tingin ko sa mga naglalakihang gusali habang nasa loob ng sasakyan. Antok na antok ako kanina sa loob ng eroplano at plinanong pagkababa namin ay matutulog agad ako pero biglang nawala ang antok ko nang makita ang pinagmamalaking lugar ni Liam. Totoo ngang matuturing itong isang dream destination. Parang noon lang ay napapanood ko lang 'to sa TV. Sino'ng mag-aakalang papalarin akong makapunta dito sa San Francisco?
"Hala 'yan ba 'yung building ng guruguru?!" namamangha kong tanong habang tinitignan ang building ng Google.
"Guruguru?" natatawang tanong ni Liam. "Lahat ng malalaking companies located dito lalo na kung iikutin mo ang buong Silicon Valley."
"Ay ganu'n? Ang galing! Kaya pala bilog 'yung highway!"
Namamangha kong pinagmasdan ulit ang mga nadadaaanan. Ang ganda ng mga kulay sa paligid. Although, innovative ang lugar, mukhang pinapahalagahan rin nila ang nature kasi hindi mawawalan ng greenery sa paligid.
Sa sobrang tuwa ay minsan napapapalakpak ako dahil na rin sa mga nakikitang kilalang kumpanya tulad ng Samsung at Apple. Grabe, I wonder kung may Cherry Mobile dito?
Sa sobrang pagkalibang ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa hotel. Pagkapasok palang ni Liam ay binati agad ito ng front desk officer at kinuha naman ng bellboy ang bagahe namin.
"Reservation for Mr. Liam Anderson, presidential suite. Enjoy your honeymoon, ma'am and sir!" ani ng bellboy na naging dahilan ng paglaki ng mata ko. Bumaling ako kay Liam, asking for help but he just chuckled at binigyan ang bellboy ng tip.
"Ba't 'di mo sinita 'yung bellboy na 'yun? Honeymoon daw eh para sa mga mag-asawa lang 'yun!"
"Ayaw mo 'yun? May pa-advance honeymoon..." he joked, dahilan ng pag-irap ko.
Nang makapasok na sa presidential suite ay agad na nagningning ang mata ko sa kama kaya naman dali-dali akong humiga doon. Tumalon-talon pa ako sa tuwa dahil sa lambot. Ang sarap sigurong mag-honeymoon dito. Tipong kahit ibalibag ka, 'di mananakit likod mo kasi malambot ang kama. Hindi katulad ng sa lamesa ni Liam sa office, sobrang tigas!
Mga ilang minuto rin siguro bago ako magsawa kakatalon kaya pagkababa ay inabala ko ang sarili at pinanood si Liam na nag-aayos ng bagahe namin. Nang matapos siya ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang may multo ng ngiti sa kanyang labi.
"Malambot ba?" tanong niya sa isang malalim na boses.
"Ang alin?" maang-maangan kong tanong para kunwari virgin.
"'Yung kama."
"Ah, oo." Ibabalibag mo na ba 'ko?
"Talaga?" Lumapit siya sa'kin hanggang sa ilang hibla nalang ang layo ng labi niya sa labi ko.
"Oum..." mahina kong sagot at impit na napatili nang bigla niya akong itulak pahiga.
"Testing nga natin..." aniya at pinaibabawan ako.
Hindi mapakali ang mga mata ko sa panonood sa mga mata niyang ibinababa ang tingin sa nakaawang na labi ko. Trying so hard to seduce me, he sensually licked his lower lip, causing me to bite mine.
"Nauuhaw ako..." mahina niyang saad habang nakatingin pa rin sa labi ko.
Halos mapairap ako sa sinabi niya. Paano ba naman ay moment na namin 'yon tapos bigla siyang babanat ng ganu'n! Sobrang nakakawala sa mood.
BINABASA MO ANG
In Between The Sheets
Tiểu Thuyết ChungIf there was a novel about Liam's life, the main character would be a man who cuts off contact with his family because of an accident involving his father when he was 13. Years later, he managed to found Anderson Corporation, an IT company Serene ap...