Chapter 21

343 20 0
                                    

The morning whizzes by smoothly. Hindi na nasundan pa ang maikling pag-uusap namin ni Liam kasi naging abala na rin siya sa pagpirma ng dokumento at panaka-nakang pagpasok ng mga kliyente sa office niya para makipag-usap.

Wala akong masyadong ginawa sa buong umaga kundi ang aralin ang magasin nila na puro mukha ng board of trustees at ang history ng kumpanya nila. Nakakita rin ako ng magasin patungkol sa Ignoscentia at kung paano ito na-develop sa loob ng halos dalawang taon sa ilalim ng pamumuno ni Liam.

Hindi ko maiwasang mamangha sa kakayahan niyang mamahala. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko kakayaning pagsabayin ang pagma-manage ng iba't-ibang kumpanya. Isang kumpanya pa nga lang ay nakaka-stress na, group of companies pa kaya?

"Sir, ano po ang io-order kong lunch niyo?" tanong ng isang matandang babae na nasa mid-40s na. Hinuha ko ay siya ang secretary ni Liam kasi pabalik-balik siya sa loob ng opisina kanina para magpapirma.

"Alam mo naman kung ano ang gusto ko, Marthina. Kahit ano na lang," saad ni Liam at agad na tumayo nang mag-ring ang cellphone. "Sorry, I need to take this call."

Pagkalabas ni Liam ay agad na bumaling sa'kin si Marthina at nahihiyang ngumiti. "Miss President, ikaw? Anong io-order kong lunch niyo?"

"Ah, 'wag ka nang mag-abala! Bababa nalang ako sa cafeteria..." saad ko at nag-ayos na ng gamit.

"Hindi kayo magpapaalam kay sir? Babalik na rin naman 'yon."

"Ah, hindi na. Dalhan mo nalang siya ng lunch niya tas sa baba na ako kakain," ngumiti ako sa kanya at lumabas na ng office.

"Pero Miss President sabi kasi ni Sir—" hindi ko na narinig ang sasabihin niya nang tuluyan na akong nakapasok sa elevator.

Pinindot ko ang floor button ng cafeteria at pinasadahan ng tingin ang cellphone nang mag-chat si Papa na kumakain na raw sila ng tanghalian. Kasunod nu'n ay ang picture ni Primo na punong-puno ng sauce ang bibig. Natatawa akong nag-reply at agad na sinilid ang cellphone sa bag nang agad na huminto ang elevator sa floor na bababaan.

Pagkapasok sa cafeteria ay agad na tumambad sa'kin ang mga empleyado na maingay na kumakain pero nang makita ako ay agad ring nagsitahimikan. Um-order ako ng chicken tinola sa counter at matapos magbayad ay dumiretso na sa dining para umupo. Wala nang masyadong bakanteng upuan kaya nakiupo nalang ako sa table ng isang grupo. Kaso pagkaupong-pagkaupo ko ay nahihiya silang ngumiti sa'kin at nagsialisan.

"U-una na po kami, Miss President..." nahihiyang saad ng babaeng nakasalamin kaya napakunot ang noo ko.

"Eh may iniinom pa kayong shake? Hindi ba't bawal magdala sa workplace ng pagkain?" anang ko at dumapo ang tingin sa iniinom nila na hindi pa napapangalahatian.

"Ay! Sa elevator nalang namin iinumin, Miss President. Mag-aakyat panaog kami sa elevator hanggang maubos, hehe."

Napatango nalang ako at hinayaan silang umalis. I get it, they don't want to share a table with me maybe because I am what they call 'Miss President'. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang mga naging kasamahan sa dati kong pinagta-trabahuhan. Kumusta na kaya sina Sari? Napangalumbaba ako habang wala sa mood na minu-murder ng tinidor ang kawawang chicken tinola.

"Miss, pwedeng maki-table?"

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. May hawak-hawak siyang tray ng pagkain habang nakangiti nang malawak sa'kin. Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti at bahagyang tumango. Agad niya namang nakuha ang nais kong iparating kaya dali-dali niyang nilapag ang tray sa table namin at nang makaupo ay bahagya siyang napainat.

"Finally, nakahanap na rin ng uupuan! Kanina pa ako paikot-ikot at walang gustong magpa-upo sa'kin kasi grupo grupo sila."

"Bakit, nasaan ba ang mga ka-department mo?"

In Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon