Chapter 19

333 20 0
                                    

Taimtim kong pinanood ang pagbagsak ng tubig mula sa talampasan patungo sa ilog. Ilang buwan na ang nakalipas simula nang huli kong makita si Liam. Hindi ko na alam kung ano ang balita sa kanya dahil pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanila at nagpakalayo-layo.

Plinano ko na mangibang-bansa para matuloy ang binabalak. Naisip ko na kung maglalagi ako sa Pilipinas ay baka masundan niya lang ako. Knowing Liam and his powerful clan, alam kong kahit saang sulok ng Pinas ay matutunton niya 'ko.

"I heard from my secretary that Zacharias is selling his shares on his company."

Natigil ang pagbabalik-tanaw ko nang marinig ang sinabi ng ama na kasalukuyan kong kausap sa video call. Inilipat ko ang tingin ko sa cellphone at tinaasan siya ng kilay.

"Anong pumasok sa isip niya? Nalulugi na ba sila?"

"I don't know. Nagulat din ako. The Andersons are really silent about the issue. Kahit ang mga investors ay hindi alam kung anong nangyayari. Nagpatawag ng board meeting pero si Li—I mean, ang anak lang ang humarap."

Napalunok ako at napasapo sa tiyan nang maramdaman ang tila mahinang pagsipa. Ano 'yun, anak? Excited ka nang makita si daddy? Too bad, never mangyayari 'yon.

"Baka mamamatay na si Zacharias kaya gano'n..." sarkastiko kong saad at humalakhak.

"Actually, there is a possibility..." saad niya na nagpatigil sa'kin. "The board is planning to elect a new President."

"What?"

"Kung hindi mamanahin ng anak niya ang kumpanya, then pipili sila ng bagong karapat-dapat na mag-manage ng AGC."

Napasipsip ako sa iniinom na lemonade at napaisip. I wonder, what is he planning to do? Knowing Liam na mas mataas pa sa Taal ang pride, sigurado akong hindi niya mamanahin 'yon.

"Great! Buy more stocks and be attentive on their meetings. Gusto kong kunin mo ang loob ng board para ikaw ang ma-elect as the new President of AGC. After that, I want you to transfer your shares to my name."

"Hindi gano'n kadali. Kung matutuloy ang succession, then si Liam pa rin—"

"Kung matutuloy ang succession, kontrolado pa rin natin siya kasi may more than 50% shares tayo sa kumpanya niya. We can dictate the direction of the company through that power!"

He sighed in defeat, hinilot niya ang sentido at napapikit.

"Okay, I will try."

"'Wag mong subukan, gawin mo..." I said and ended the call.

Tumayo ako sa hinihigaang lounger at napasapo sa noo. Ang aga-aga binubwisit ako ng mga naririnig kong balita. What a great way to start your day, Serene!

"Nakadikit nanaman 'yang dalawang kilay mo. Gusto mo tahiin ko 'yan?"

Napapitlag ako nang biglang may nangahas na yumakap sa'kin mula sa likuran.

"Samuel!" naiinis kong saad at tinampal ang braso niya. "Sana naman nagsasabi ka na pupunta ka, no? Hindi 'yung bigla-bigla ka nalang nagsasalita diyan para kang nuno!"

"Ang hot ko naman para maging nuno," biro niya at umakto pang nasasaktan.

Umirap ako at sisigawan na sana siya kung hindi lang siya lumuhod sa harap ko at hinalikan ang nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako sa nakita.

"Kumusta na kaya ang baby namin diyan? Papa Sam is dying to see you."

"Anong Papa ka diyan?"

"Bakit, kapag silang niya sa mundo ako ang unang bulay masisilayan niya, no? Kaya ako ang tatay!"

In Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon