Benouville Apartment, Rm. 200
5:61 AM | March 28, 2020Kaagad kong kinuha ang phone ko nang umilaw at tumunog ito, tinignan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe. Napatiim ang bagang ko nang makita ang nakatambak na messages at miss calls galing sa partner ko---ang dating kong partner sa trabaho pala. Sa kadami-dami ng taong dapat maging concern ay alam kong siya iyon, ngunit ano ang magagawa niya? Madali lang akong palitan kung gugustuhin man niya pero dahil nagbago ang ihip ng hangin ay siguradong hindi na niya iyon magagawa. Hindi niya ako kayang ipaglaban sa bagong administrasyon sa ahensya dahil lahat ng nagtratrabaho doon ay hawak na ang leeg na kapag mayroon kang nagawa na ayaw nila ay nasa kamay nila ang buhay mo.
I-noff ko ito at binalik sa maliit na mesa na katabi ng kama ko. Alam kong wala na akong dapat sabihin at ipaliwanag sa kaniya, mas mabuti na yung ganitong wala na kaming komunikasyon. Alam kong mag-gigive up din yun kapag hindi ko pinansin ang messages at mga tawag niya.
Napatitig ako sa madilim na kwarto, hindi ko alam kung paano ulit tatakbo ang buhay ko. Siguradong ang maayos na tirahan gaya ng apartment na ito ay magiging isang barong-barong nalang ulit gaya ng dati. Yung dati bago man ako kupkupin ng Centaurus Detective Agency, pero ngayong wala na ang kumupkop, nagpalaki at nagpaaral sa akin ng mabuti ay nawalan na rin ako ng pag-asa sa buhay.
Bakit ba kasi ako inabandona ng mga magulang ko noon?
At bakit kailangang madamay ang kumupkop sa akin dahil sa mga taong sakim at uhaw sa dignidad at kayamanan?
Mula sa aking mugtong mga mata ay muling sumilay ang luha, ang luhang ilang gabi ko nang pinapakawalan pero ang matinding lungkot, galit at sakit sa puso ko ay naroon parin na nakatanim nang sariwang-sariwa. Naaalala ko pa ang senaryong iyon at lubos kong sinisi ang sarili dahil hanggang sa huling sandali ay sinunod ko ang gusto niya, at iyon ay tumakas. Dahil sa takot at kawalan ng tiwala ko sa sarili ay hinayaan kong mangyari iyon, kung nakipagtigasan ako noon ay siguradong nailigtas ko siya.
Pero ano? Wala na. Kahit ilang balde pang luha ang iluha ko ay hindi ko na ulit siya mabubuhay, ang taong bumuo sa pagkatao at buhay ko...ang tanging tumayong pamilya ko...at ang tumayong nanay ko.
Nagising ako sa reyalidad nang may kumalampag sa pintuan, mabilis kong pinunas ang luha ko at inayos ang sarili. Paika-ika akong naglakad palapit sa pintuan at sumilip sa maliit na eyepiece doon, tumambad ang nakakunot at nakataas na kilay na parang mount everest na landlady namin.
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko, alam ko na kasi ang kahihinatnan at kung bakit nandito siya ngayon.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan, nakapamewang agad ito ng pagkataas-taas at mas mataas ang kilay niya ngayon, pulang-pula ang lipstick nito sa labi na may kaunting lampas sa gilid, kulot na kulot ulit ang buhok nito kasing kulot at haba ng fake eyelashes niya, gaya ng nakagawian ay nakasuot ito ng spaghetti strap na natatanaw ang malulusog nitong hinaharap.
"O neng? Ngayon ka lang yata hindi pumasok sa trabaho? Baka nakakalimutan mo na bayaran na naman ng upa ngayong buwan?"Napangiwi ako nang bigla akong may nalanghap na masamang hangin, kagigising pa lang yata ng landlady ko ay pinuntahan ako agad para maningil. Kung tutuusin, baka nga ako nalang ang hindi nakabayad, noong isang linggo pa ako hindi nakabayad e.
"Alam ko na naman po iyon, ah siya nga po pala.Aalis na po ako dito ngayong araw din, lilipat na po ako ng apartment." pagsisinungaling ko. Wala naman talagang kasiguraduhan kung may malilipatan ba ako o wala, una sa lahat walang natira sa amin, at sa akin. May iniwan sa aking mga cards at mga mahahalagang dokumento ng tumayong nanay ko pero hindi ko naman alam kung anong mayroon don, basta daw itago ko at gagamitin ko lang kapag kailangan.
At binigay niya iyon ilang araw bago nangyari ang krimen. Para bang alam na niyang mangyayari iyon.
Bahagyang namilog ang singkit na mga mata ni Aling Koleng, "Ano?! Hindi pwede iyan iha! Magbayad ka muna ng buwanan mo bago ka aalis, naku!" reklamo nito. Umiwas ako ng mukha nang maamoy ko ulit nang mas malakas ang masamang hangin, akala ko mahihilo ako sa puyat pero hindi pala.
BINABASA MO ANG
A Detective.org/
Mystery / Thriller***This story was created in 2020 and left unfinished***