A Cafe, Benouville Street 7
6:01 PM | March 29, 2020"Wait lang hah? Masyado yata kayong mabilis?" natatawa at hindi makapaniwalang saad ko kila Mero na ngayon ay kaharap ko sa counter. Nakaupo naman sa tabi ko si Xien na nakikinig habang si Yuhan ay nasa customer's area. Kanina pang nag-close ang cafe dahil sa nangyari paring shooting incident kahapon, pagkatapos naming naglinis ay kaagad na nila akong kinausap.
Sa kadami-dami namang nangyari ay sasabay pa ang matinding rebelasyon ng pipitsuging cafe na ito, isa palang detective organization in disguise. Ni hindi ko nga mawari kung sinadya bang kaharap nito ang agency dyan sa kabila o sadyang nagkataon lamang.
Gaya ng sinabi ng mga mokong, ang A Cafe ay facade business ng A Detective.org na isang online web page para sa mga gustong magpatulong sa isang kaso na hindi kailanman dinulog sa opisina ng mga pulisya. Public or private ba iyon? Sa tingin ko ay pareho, na-a access iyon ng publiko gaya ng kadali kong na-access yun pero ang buong imbestigasyon at kung ano-ano pa ay pribado. Nasa kanila na kung tatanggapin ba nila o hindi.
"Look Medea, sabi ko nga sayo matutulungan ka namin. At isa pa we have been investigating that agency few months ago pero walang witness para sana may laban ang mga ebidensya namin laban sa kanila." napabuntong-hininga ako at humalumbaba. Hindi ko alam kung anong isasagot, pakiramdam ko ay trinaydor ako ng mundo.
"Ang galing talaga ni boss at nagpatayo ng cafe dito, well-calculated." abot-langit na ngiti nito na para bang hangang-hanga sa tinutukoy niyang 'boss'. Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya, "Alam ba niya na nandito ako? Hindi ba siya magagalit?" humigop si Mero sa kaniyang kape bago sumagot.
"Syempre magagalit, siya lang ang pwedeng kumuha ng de--ay este empleado niya. Pero sinabi na kasi agad sa kaniya na ikaw ang witness kaya pinatuloy kita at tyaka sinabi ko na magpapart time ka muna dito sa cafe pansamantala?" sagot nito.
Ano nalang masasabi ng boss nila? Bigla tuloy akong nahiya, bakit pa kasi ako pumayag na manatili muna dito e handang-handa na akong magpariwara sa lansangan ulit gaya ng dati.
"Speaking of, bakit niyo ini embestigahan ang agency? At sino ang nagreport sa inyo? Hindi naman sa nakikialam ko pero hindi kasi kayo nagtatanong noong nagtratrabaho pa ako doon." pinatong nito ang baba niya sa likod ng kamay nito.
"Simple lang, dahil hindi ang Centaurus kundi ang nawawalang pangalan ng dating agency. Well, wag ka nang magtanong, here." may inabot itong dalawang folder. Ang isa ay naglalaman ng mga profiles at ang isa ay mga ebidensya,pero dahil ayaw kong makialam ay hindi ko na iyon binuksan maliban lang ang compilation ng profiles.
Naroon nga talaga ang mga profiles ng dating empleado kasama ako, at alam yun ni Mero kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit may nagtangka sa buhay ko. And of course, ang wala dito ay ibig sabihin ay nagtratrabaho parin sa agency na iyon.
"Those are victims and some are old employees." saad ni Mero. Bigla naman akong napakunot dahil mayroon akong napagtanto na hindi manlang sumagi sa isip ko kanina at kahapon.
"Teka lang, bakit nga pala sinasabi niyo lahat ng ito sa akin? Diba dapat hindi niyo ito shinishare sa iba? This is beyond limits of a 'client'." natahimik si Mero at umalingawngaw ang tunog ng rubiks cube ni Yuhan na nahulog sa mesa. Hindi ko alam kung bakit biglaang nagkaganon, parehong nakaawang ang bibig ni Mero at Xien samantalang si Yuhan ay biglang natulala sa kawalan.
Kung ibabase sa 'closeness' ko kuno sa kanilang tatlo, si Mero magkaklase kami noong high school at kapitbahay namin 'dati', kumakailan lang nang nalaman kong dito siya nagtratrabaho kaya na din siguro nakilala ko din si Xien at Yuhan few months or weeks ago. Pero kahit ganoon, ang case files ay dapat confidential kahit pa sa client. May mga off limits dapat bawat impormasyon na shineshare sa client.
Sa unang pagkakataon ay napataas ang kaliwang kilay kong chocolate hills ay este hindi pala, nakakamiss yung landlady ko dati na tinatawag kong mount everest ang kilay.
"Ah...M-Medea, ano kasi e." nakapakamot ito sa ulo na para bang nagdadalawang isip sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
A Detective.org/
Mystery / Thriller***This story was created in 2020 and left unfinished***