Bahagyang namilog ang mga mata ko, "Huh?" tanging sambit ko nalang pagkatapos ng sinabi ni Yuhan. Ni kailan man ay hindi iyon sumagi sa isip ko dahil lantaran naman na konektado ang mga biktima sa Centaurus Agency. Kung i-kokonekta ko naman ito sa iba, walang iba kundi kay Mommy.
May tatlo akong naisip na dahilan, dati silang empleado ng Centaurus Agency, ang sinagawa nilang rally laban sa bagong CEO at sa mismong Agency, at panghuli ay ang pag-file ng case ng mga pamilya ng mga nasawi sa chain murder na iyon.
Kung chain murder nga. Hay nako naman, ang bobo ko pagdating sa mga ganitong bagay. Kung bakit ba naman kasi hindi ko sinubukang pumunta sa field o sa crime scenes. Puro nalang ako applications at walang knowledge.
"Well, we will make impossible as possibilities. Minsan kase kailangan ng malaking bato para takpan ang nakatagong masamang damo." dagdag nito. Napahalumbaba nalang ako bago tinignan ang mga ibang files, mukhang natapos na rin si Yuhan sa binabasa niya.
Napahilot ako sa sentido ko, sa kadami-dami naman ng pumapasok sa isip ko ay medyo sumasakit na rin ang ulo ko. Hindi ko na nga alam kung ano ang magiging tugon ko sa sinabi niya, tama kasi ito.
Tamang-tama...
"Let me see your notes then take a rest, ako na bahala sa iba." tumayo ito at kinuha ang inabot kong log book kung saan ako nagsulat ng mga obserbasyon ko kanina.
Agad niya itong binasa, nandoon na naman ang kaunting kurba sa gilid ng kanyang mga labi.
Sinara din niya ito agad bago niya ako hinarap, "All done, I'll contact the others and we'll see the results afterwards." saad nito bago naunang lumabas sa Investigation Room.
Mabilis ko namang inayos ang mga case files at tinabi iyon sa folders na na kay Yuhan kanina bago ako lumabas, dumiretsyo ako sa sunod na palapag para makaidlip sandali. Sa kakaisip ko ba naman ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at nagising pa naman ako ng pagkaaga-aga, hindi ako sanay makulangan ng tulog sa isang araw.
Pumasok ako sa kwarto at kaagad na humiga, napatitig ako sa kisame habang iniisip kung paano ako nakarating dito. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago pumikit at hinihintay ang pagdating ng aking tulog.
Gaogiao City Cemetery, Entrance Hall
7:40 AM | April 6, 2020"Medea nasaan ka na ba? Jusko naman oh, nagpaalam ka sana sa amin kung lalabas ka." bakas sa boses ni Mero ang pag-aalala.
Bigla-bigla kasi akong lumabas kaya hindi na ako nakapag-paalam sa kanila lalo pa ay maraming customers kanina, tatatlo lang sila doon at mukhang si Mero at Xien lang ang gumagalaw. Hindi ko nahagilap si Yuhan kanina doon.
Hindi ko naman masasabing tumakas ako dahil hindi naman nila ako kinulong doon.
"Nasa sementeryo ako, burol ng partner ko." sagot ko sa kabilang linya.
Nagsimula na akong maglakad papasok ng sementeryo pero hindi muna ako masyadong lumapit sa kumpulan ng mga tao, nagaganap palang ang misa para kay Jaylean.
Oo tama, burol ngayon ni Jaylean at nang nalaman ko iyon ay kaagad akong umalis ng Cafe at nagtungo dito. Kahit naman hindi ko iyon pinapansin bago nangyari ang trahedyang iyon ay kilalanin ko parin siyang partner ko dahil sa kadami na naming pinagsamahan, at utang ko sa kaniya ang buhay ko ngayon. Nasawi siya dahil sa pagkakaligtas niya sa akin, lingid iyon sa lahat maliban nalang siguro kila Mero at kung malalaman iyon ng pamilya niya ay siguradong wala akong kalayaang makatapak ngayon sa huli niyang hantungan.
"Gaga! E kung nalaman nilang nandyan ka? Edi ikaw na susunod! Medea naman, hay nakoo. Alam mo namang nasa kapahamakan ang buhay mo. Kung mamatay ka dyan naku naku! Ihuhukay nalang kita!" na-gaga pa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/218504745-288-k427103.jpg)
BINABASA MO ANG
A Detective.org/
Mystery / Thriller***This story was created in 2020 and left unfinished***