//Three// Isla Santillan

169 25 0
                                    

[Three]
I

sla Santillan


***

Sabi nila... love is the most powerful thing in life. Ito rin daw ang pinakamasayang pangyayari sa buhay natin. Naniniwala akong totoo iyon dahil simula noong nakilala ko si Marjorie ay naging masaya ang buhay ko. Nagbago ang buhay ko pati ang mundong ginagawalawan ko. Ibinigay ko ang lahat sa kanya at ang lahat ng pangangailangan niya dahil mas magiging masaya ako kapag nakikita kong masaya.

Akala ko sapat na iyon. Iyong mga effort na ipinakita ko sa kanya ay parang wala lang sa kanya. Doon ko napatunayan na hindi pala sa lahat ng oras ay masaya tayo. Nagkakamali ako. Laging kakambal pala ng salitang love ang pain. Kapag masaya ka, di maiiwasan ang kalungkutan. Kapag nagmahal pala tayo, mararanasan din natin ang masaktan. Katulad ng naranasan ko ngayon.

Sabi nila nasa akin na ang lahat. Ang katangian na hinahanap nila sa isang lalaki. Yeah, I have everything, my family, my loving cousins and the wealth from my dad. Yes that's true. Buo ang pamilya ko, nandiyan ang mga pinsan ko na tinuring ko nang barkada at kapatid. Ipinagkatiwala rin ni daddy sa akin ang kompanyang pinaghirapan niya. Isa akong CEO ng Santillan Corporation. Pagdating naman sa looks ay aminado akong maraming nagkakagusto sa akin. Maraming nagpapa-cute sa akin pero maswerte si Marj dahil siya ang babaeng napusuan. Siya ang pinili ko at minahal ng tunay subalit siya rin sumira at nanakit sa akin.

Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng tahimik na lugar. 'Yong tipong makakapag-isip ako ng maayos. Malayo sa lahat, malayo sa problema at malayo sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang saktan lang ako.

Siguro, malas lang talaga ako sa pag-ibig. Ganito pala ang masaktan at unang beses ko itong naramdaman. Ganito pala ang pakiramdam at  mahirap pala talaga mag-move on. Sa tuwing naiisip ko siya bigla-bigla na lang sumasakit ang dibdib ko. Kumikirot na animo'y may mga karayom na nakabaon dito.

Sobrang hirap pala talaga.

Two months na simula noong iniwan ako ni Marjorie pero parang kahapon lang ang mga nangyari. Sariwa pa ito kahit anong pilit kong ilibing ito at isiping kalimutan na lang siya ngunit hinding-hindi ko magagawa.

Si Marjorie ang babaeng minahal ko ng sobra. Ang babaeng pinagkakatiwalaan ko ng puso ko ngunit siya mismo ang sumira at dumurog nito. Sobrang sakit.

Oh, shit!

Napapamura na lang ako sa tuwing naaalala ang mga ginawa niya sa akin.

Sa tuwing naaalala ko siya ay bigla-bigla na lang bumabagsak ang aking mga luha. Sumisikip ang aking dibdib. Sobrang hirap. Ang hirap lang tanggapin na wala na ang babaeng minamahal ko ng sobra. 'Yung babaeng pinapangarap ko at gusto kong makitang maglalakad sa aisle ng simbahan at ako naman ay naghihintay sa kanya sa may altar. 'Yung babaeng kapalitan ko ng "i do" sa harap ng pari. 'Yung babaeng magiging ina sa magiging mga anak namin. Pero wala na. Wala na siya kaya hindi na matutupad ang mga iyon.

Sobrang sakit. Sobrang dinurog ni Marjorie ang puso ko at hindi ko alam kong maghihilom pa ba ito.

Minsan naisipan kong magpapakamatay na lang ako para hindi ko na mararamdaman ito. Pero ayokong gawin iyon dahil alam kong masama ang kitilin ang sariling buhay.

I need some private place to comfort myself. Lugar kung saan tutulungan akong makalimot at makapag-move on.

"Sir, nandito na po tayo!" Sambit ni Mang Rolly. Isa sa mga tauhan ko na naghatid sa akin dito sa isla.

The Broken MagnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon