//One// The Magnate

202 9 0
                                    

[One]
T

he Magnate


***

Pagkaparada ko ng aking kotse sa parking lot ng Santillan Corporation ay agad kong isinukbit sa balikat ko ang sling bag na dinampot ko mula sa passenger's seat bago bumaba. Agad naman akong sinalubong ni Laarni, ang assistant ko.


"Good morning, sir," bati niya sa akin saka inagaw ang bag na dala ko. Naroon ang laptop ko at iba pang mga mahalagang dukumento ng kompanya.

"Good morning, Laarne," tugon ko. "Kumusta ang love life?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Naku, sir. 'wag mo nang itanong dahil zero pa rin hanggang ngayon." Tumawa siya sa sarili niyang biro.

Tumawa na lang din ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakabuntot naman siya sa akin.

"Good morning, Sir Rojan," halos sabay namang bati sa akin ng dalawang guwardiya na naka-assign sa entrance ng Santillan Building. Sabay din nilang binuksan ang magkabilang pinto na yari sa salamin upang malaya akong makadaan sa gitna. Malawak ang ngiti nila na bumagay sa asul nilang unipormi at itim na slacks.

"Mang Toni, kumusta si misis? Nanganak na ba?" baling ko sa mas nakakatanda sa dalawa.

Buntis ang asawa niya kaya todo kayod siya ngayon para makaipon. Mabait na tao si Mang Toni, isa iyong dahilan kaya tumagal siya sa trabaho niya. Magmula noong si daddy pa ang namumuno dito, dito na siya nanibilbihan sa Santillan Corporation magpahanggang ngayon.

"Hindi pa po, sir. Baka ho bukas," masigla naman niyang tugon.

"Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka. 'Wag kang mahiya," ani ko saka ngumiti.

"Salamat, sir," tugon naman niya na abot tainga pa rin ang ngiti.

"Ikaw, Mario. Kailan ka kaya sasagutin ni Laarni," biro ko sa kasama ni Mang Toni.

"Naku po! Paano ko naman sasagutin, eh, torpi naman," sabat naman ni Laarne sa likuran ko.

Nagtawanan na lang kami sa inasal ni Laarni. Laman kasi sila sa tuksuhan sa Santillan Corporation dahil napapansin namin ang paggiging malapit nila sa isa't isa. Mukhang gusto nila ang isa't isa ngunit walang umaamin.

"Hayaan mo, kapag nakapag-ipon na ako, idi-date kita kahit saan mo gusto," palaban na tugon ni Mario.

Napansin kong umirap si Laarni at nilagpasan si Mario. "Che, aasa lang ako sa 'yo," pag-inarte niya.

"Kunwari ka pa, kinikilig ka naman," ani ni Mario na ngayon ay sobrang pula na ng mukha.

Pinaikot lang muli ni Laarni ang mga mata niya at nauna na sa akin. "Tara na, Sir. Wala akong mapapala diyan," nakasimangot niyang ani.

Natawa na lang ako sa dalawa. Parang mga teenager kung umasta. Daig pa ang bangayan at asaran ng mga paborito kong loveteam sa TV.

Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa paghakbang.

Nang tuluyan na akong makapasok ay agad akong dumeretso sa opisina ko. Umupo ako sa upuan at agad na binuksan ang laptop.

Mukha ng babaeng mahal ko ang naroon. Si Marjorie de Guzman. Apat na taon na kaming magkasintahan. Marami mang hadlang sa relasyon namin ay aming napagtatagumpayan.

Napapangiti ako at hinawakan ang pisngi niya sa screen. "I love you," bulong ko doon. Para na akong tanga, kahit hindi niya ako naririnig ay kinakausap ko siya. Ganoon ko siya kamahal.

The Broken MagnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon