Thank you-zoned (part 1)

105 1 0
                                    

Warning: SPG ( Langguage: Cuss)

"He ignores you but you like him, he does nothing yet you fall for him, you miss him even though you know he's never thought about you"

~~

"Thank you" sabi niya at ngumiti.

Napanganga ako at napakamot ng ulo. Ngumiti muli siya. Tumalikod at naglakad palayo. Pumikit ako at huminga ng malalim. Diba dapat sanay na ako?

"AY PAKSHET!" Sigaw ko at tumingin ng masama sa taong nasa tabi ko ngayon na binatukan ako ng pagkalakas-lakas.

"Alam mo kung may parada ang mga tanga, nasa unahan ka. May korona't kapa pa" sarkastiko niyang sabi.

Inirapan ko na lang siya at naglakad na palayo. 10 am na pala. Malapit ng matapos ang break time namin.

"Belle naman! Mauubos na yung ipon mo kakabili ng cake para sa kanya! Nauubos na rin yung love quotes sa google kakasabi mo sa kanya!" napatigil ako at humarap sa kanya.

"HOY XANDRA! Fyi lang po, hindi yon copy-paste! Ako mismo gumawa non no! Tse" tumalikod ako at naglakad na palayo.


"Oh chill!" natatawa niyang sabi "hulaan ko sinabi niya" pumunta siya sa harapan ko kaya't napatigil ako at napamewang.

"Ehem ehem" napa-irap ako noong nagboses lalaki pa siya.

"Belle, maraming salamat" nag-boses lalaki siya.

Tumawa ako ng sarkastiko.

"Nuh-uh! Tangeks. Thank you sabi niya. English yon brad!" naglakad na ulit ako.

"Asus. Thank you at salamat parehas lang yon brad! Thank you-zoned ka nanaman." humalakhak siya.

Pakshet na Xandra. How dare she?!

Pumasok na ako sa classroom namin at umupo malapit sa bintana kung saan masisilayan ko si cloyd na nasa kabilang classroom.

"He ignores you but you like him, he does nothing yet you fall for him, you miss him even though you know he's never thought about you"

tumingin ako ng masama kay xandra

"Bestfriend ba kita?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Kaya nga sinasabi ko sayo ng deretsahan na ang tanga-tanga mo. Belle, grade 12 na tayo. Kailan mo sinimulan yang kagagahan mo? grade 9 diba? 3 years ka ng tanga. Give way to others naman. Ipasa mo naman yang korona mo sa ibang tao" xandra

Napanguso ako. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko.

"Gusto mong sayo ko ibigay tong korona ko?" pagbibiro ko.

Umirap lang siya

"Belle, ang dami-dami mong manliligaw. Ang dami mo na ring binasted para sa kanya. Kailan ka ba titigil?"

Napanguso ako. Tumingin ako kay cloyd na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Napangiti nanaman ako dahil sa kasiyahang bumalot sa pagkatao ko. Posible pala yon, na isang ngiti lang ng taong gusto mo, masaya ka na rin.. kahit hindi para sa iyo ang mga ngiting sumisilay sa labi niya.

"Kailan nga ba, Xandra?" tumingin ako sa kanya at napangiti. "Siguro kapag I love you too na rin ang sinabi niya at hindi thank you" humagikgik ako.

~~

Mahigpit akong nakahawak sa bakal na nasa gilid ng bleachers. Pinipigilan kong ihampas kay cheska 'tong boteng hawak ko at ipulupot sa kanya 'tong towel. Ang init na nga ng panahon, pinapa-init pa niya lalo yung ulo ko.

Chronicles of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon