Lost love (part 3)

27 1 0
                                    

"As much as you want to plan your life, it has a way of suprising you with unexpected things that will make you happier than your original planned. That's what we called, God's will"


~~


Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kailanman ay hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam kapag nagsasalita siya sa harap ng maraming tao. Kay zylie lang. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito.


Tumawa ito "Ano ka ba! Syempre hindi na. Hinding-hindi na ko magkakagusto sa lalaking katulad niya noh!" natatawa nitong saad


Nakahinga siya ng maluwag. Sana ay nagsasabi ito ng totoo. "Eh bakit kailangan mo pa siyang paghigantihan?"


"Gusto ko siyang matuto. Gusto kong maramdaman niya kung paano masaktan at maiwan para hindi na niya magawa iyon sa ibang babae. Kawawa naman kasi. Natatakot rin ako para sa kanya. You know, karma is a tooot"


"Anong is a tooot ka dyan" natatawang sambit ni yuan.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit minahal ni Yuan si Zylie. Mabait kasi ito. Hindi kasi ito nagmumura. Hindi katulad niya na parang normal lang na salita ang isang mura. Marami pang patunay na mabait ito. Maalalahanin ito at malapit sa Diyos. Palagi siya nitong pinapaalalahanan tungkol sa pag-aaral nito. Nagtataka kasi minsan si Zylie kung bakit palagi itong tumatambay doon at parang hindi nag-aaral. Ni hindi niya ito nakikitang gumagawa ng takdang-aralin, paper works, o kaya ni hindi pa niya ito nakikitang may hawak na libro para mag-aral. Kaya walang araw ang lumipas na hindi nito kinakamusta ang pag-aaral ni Yuan, kaya ang nangyari ay palagi siyang inaasar ni Yuan na Nanay. Daig pa daw kasi niya ang nanay nito sa ginagawa niya.


Malapit rin ito sa Diyos. Kay zylie nga niya natutunan ang magbasa ng bibliya at magdasal bago kumain. Kulang na nga lang ata ay pakpak para maging isa itong anghel.


"Ayyy!" napatingin bigla si Yuan kay Zylie noong sumigaw ito na tila ay kinikilig


"Diba kilala mo si Cloyd Velasquez? Yung lalaking magaling magbasketball at may chinitong mga mata?" kinikilig nitong tanong.


Ngumiwi siya dito. Biglang nagsikip ang dibdib ni Yuan at parang may bigla siyang inis na naramdaman para kay Cloyd.


"Hindi" malamig niyang saad.


Pinagbubunot niya ang damo sa inis. Tss. Mas gwapo naman siya kesa kay cloyd no. Mas matalino pa at mas magaling mag-basketball. Hindi nga iyon marunong mag volleyball eh. Mas maganda rin kaya ang kanyang blue eyes kesa sa mga singkit na mata ni Cloyd. Tss. Hindi na nga ata yon nakakakita eh. Tsaka ang mas matindi, siya anim ang abs! Si cloyd ay apat lang. Eh bakit mas kinikilig si Zylie kay Cloyd kesa sa kanya? Fuck.


"Hindi daw! Eh nakikita ko kayo minsan na magkakasama!" pag-aakusa ni zylie sa kanya


"Ano naman?"


"Ano bang problema mo?" naiiritang tanong ni zylie

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chronicles of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon