My angel

91 3 0
                                    

'God exist, thus, true love and forever exist. Just wait for the God's perfect time and you will find the true meaning of love and forever'

~~~

May mga Jeep na dadaanan ka lang niya sa buong biyahe niya, mga jeep na babalewalain ka kahit pumapara ka na. Hindi rin naman nawawala ang mga jeep na isasakay ka niya sa buong biyahe niya at dadalhin ka sa tama mong destinasyon. Ayun nga lang, katulad ng iba, isasakay ka niy at kalaunan ay iiwanan ka rin niya.

Nanlalamig, kinakabahan, pinagpapawisan at Masaya. Mga salitang nagdidiskubre sa nararamdaman ko ngayon. Eto na. Nandito na ko. Sa wakas!

"Pre, Chill ka lang. Hahahaha." Sabi ng kaibigan kong si Jayden.

Nakita kong nagsilapitan na rin ang iba ko pang mga kaibigan. Panigurado ay mang-aasar lang ang mga ito. Kinakabahan na talaga ako. Hooooo!

"PRE! Congrats! Sa wakas matatali ka na. Hahaha" sabi naman ni Carl at tinapik ako sa balikat.

"Pre salamat" sabi ko sa kanya. Kinakabahan na talaga ako. Yung kamay ko pinagpapawisan na. Paano kung? Uggh.

Lumapit naman sa akin si Kurt. "You found her" at ngumiti siya.

Tumango ako habang ngumiti-ngiti. Yes, I found the right one. I found her.

Sumenyas na yung organizer ng kasal ko... Eto na talaga. Magsisimula na.

Nagsimula ng tumugtog ang instrumental ng All of me at kasabay nito ang pagsisimulang paglalakad ng mga tao.

What would I do without your smart mouth?

Drawing me in, and you kicking me out

Napapikit ako sa sobrang ganda ng boses ng babaeng kumakanta. Napaka-perpekto ng boses niya para sa kanta. Parang bang ginawa ang kantang ito para sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Napaka-ganda niya sa suot niyang puting damit na pinagmumukha siyang anghel. Napasimangot ako noong mapagtanto kong halos lahat ata ng lalaki ay nakatingin sa kanya. They don't deserve her. She deserve better.

You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

Pati ang boses niya ay mala-anghel. Yung mukha niyang napaka-amo, yung boses niyang magpapahinto sayo, yung kabaitan niyang magpapahumaling sayo at yung ngiti... yung ngiti niyang magpapalambot sa puso mo. Mga rason kung bakit ako nahumaling sa kanya.

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

Kailan ko nga ba siya unang nakita? Napangiti ako noong maalala ko. Sa isang jeep nga pala.

Sumakay ako sa isang jeep na huminto sa harapan ko. Agad-agad akong sumakay at umupo sa bandang kanan na malapit sa upuan ng driver. Umayos ako ng upo. Tumingin sa harapan ko at natulala. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae. Napapangiti ako. Akala ko puro kamalasan na lang ang mararanasan ko buong araw, pero ito, may isang babae ang nakakuha ng atensyon ko.

Nakaupo siya sa likuran ng driver. Naka-upo siya patagilid at nakatingin lang sa labas. Napaka-amo ng mukha niya. Mas lalo akong napangisi noong tumingin siya sakin. Kumunot ang noo ko. Walang emosyon ang mukha niya. Tumingin na ulit siya sa labas.

Chronicles of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon