Kabanata 15

3.1K 33 3
                                    

Mabuti na lang at mahaba ang suot kong t-shirt kaya hindi na ako nag-abala pang mag-shorts, tinakpan ko na lang ang banda sa dibdib ko ng aking mahabang buhok.

"Uy, Raffie!" bati saakin ni Zach at nakangiti pa ng maluwag

Sa loob loob ko ay nanggagalaiti ako sakanila, mga istorbo. Kung hindi sila dumating ay sana sarap na sarap ako ngayon.

Napa-iling ako. Ano ka ba, Raffie! Ang horny mo!

"Anong ginagawa n'yo dito?" peke akong ngumiti sakanila

Jack gave me a high five, "We just wanna hang out. Nakakamiss na rin makasama itong si Tripp, inagaw mo s'ya saamin, Rafaela!" he joking rolled his eyes

"Oo nga, simula ng maging kayo nito si Tripp hindi na kami nakaka-gimik." gatong pa ni Corbyn at sumandal sa counter

"Ew dude, stop being clingy!" binatukan s'ya ni Tripp at dumiretso saakin, he sniffed my hair.

"Too much cheesiness! I'm outta here!" nag-peace out patalikod si Jonah at dumiretso ata sa living room.

"Dito lang ako, mataas pride ko! Single ako pero di ako maiinggit." tumawa si Zach at nagbukas ng fridge, kumuha s'ya doon ng beer in can at inabutan din si Jack at Corbyn, hawak ang isa pang beer in can ay lumapit si Zach kay Tripp.

Mabilis ko yun sinalo, "Nah-uh." pinataasan ko ng kila si Tripp, he just grinned at me ang kissed my cheeks

Bumaling ako sakanilang tatlo, "Boys, later na iyan. Kumain muna tayo pwede?"

They all groaned. Napailing na lang ako, para akong naga-alaga ng mga pasaway na bata.

"Tripp, Call of Duty." aya ni Zach bitbit pa din ang hindi nabubuksan na beer.

"Mabuti pa nga at ako'y magluluto." tinulak tulak ko sila palabas ng kusina kasama na si Tripp

I was left alone in the kitchen, sinilip ko ang niluluto ni Tripp kanina at beef broccoli iyon, buti na lang at madami dami iyon, magfa-fried na lang siguro ko ng chicken.

I was peacefully washing the frozen chicken when Jonah suddenly slapped the counter, napatalon ako sa gulat.

"Gago!" winisikan ko s'ya ng tubig

He just laughed.

"Oh ba't andito ka? Nasa game room sila." pagtataboy ko sakanya

"Raf..." pabitin n'yang sabi at casula s'yang sumandal sa bar stool.

"What?" irap ko sakanya

"May kailangan ka malaman... tungkol sa pinsan mo."

Agad naman n'yang nakuha ang atensyon ko. 

"Spill." naiinip kong sabi dahil hindi na n'ya dinugtungan ang sinabi n'ya

"Remember the lost flash drive?" pabitin n'ya ulit

"Oh my God, Jonah. What about it?"

"Kusa iyon bumalik saakin."

I raised my eyebrow, "Oh ano? Naglakad?"

"Stop being sarcastic! I'm serious dahil pati ako ay kinakabahan sa sasabihin ko sa'yo!"

Mas lalo akong naintriga. 

"I watched the footages, meron isang lalaki sa labas ng school, naka-motor at mukhang may hinihintay and then there's this girl na biglang lumapit sakanya, naka school uniform pa nga kaya madali na natin mahahanap kung sino iyon, pero malakas ang kutob ko na kilala mo ang babaeng iyon. Sa video, they argued, walang audio pero nag aaway sila and then this guy slapped the girl! Horror, Raffie!" umakto pa s'ya na parang nahihimatay at dinapo ang likod ng palad n'ya sakanyang noo.

Tripping Into Tripp's TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon