Kabanata 43

3.7K 74 96
                                    

"Raf, wake up. You're having a bad dream, wake up, baby."

Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko.

Napabalikwas ako ng bangon, sobrang hinihingal ako at ramdam ko ang pamamasa ng mukha ko.

"Hey, you're alright, I'm here." Tripp held my chin and made me face him.

Sagad sa buto ang galit ko sakanya kaya kinuha ko ang unan at hinampas sa panget n'yang pagmumukha.

"Hayop ka! Walang puso! Panget! Panget!" pinaghahampas ko lang s'ya hanggang sa mangalay ako.

"What the..." sinalag n'ya ang braso ako, "What the hell is happening?" kunot noo n'yang tanong.

"Manloloko! Hayop! Hayop!" tinulak tulak ko ang dibdib n'ya.

"Okay, I'm confused. What the hell?" kumunot ang noo n'ya

"Manloloko ka! Umalis ka sa harapan ko! Ayoko sa'yo! Layas!" I'm so mad and hurt!

Akala ko pa man din ay magiging okay na kaming dalawa pero  niloloko n'ya lang pala ako! Hindi ako ang sadya n'ya dito!

May asawa't anak s'ya!

"Baby, hey, shhh." kinulong n'ya ako sa mga bisig n'ya.

Sobrang hinihingal ako dahil naghahalo halo ang emosyon ko. Galit, lungkot, sakit.

"Umalis ka..." mahina kong sabi at kinukurot ang braso n'ya.

"Ayoko, dito lang ako sa'yo." bulong n'ya sa tenga ko at naramdaman ko ang paghalik n'ya sa ulo ko. "Are you having bad dreams again?"

Bad dream?

Is that all that is? A bad dream?

But it felt so real. It was too painful to be a dream.

"Ayoko sa'yo," I started sobbing

Narinig ko ang marahan n'yang pagtawa, nag-angat ako ng tingin sakanya at sinamaan s'ya ng tingin.

"You're being a baby," aniya sa nag aasar na tono at iginiya ang mukha ko papunta sa dibdib n'ya. "Ganda ganda talaga ng asawa ko."

"Ayoko. 'Di mo ako asawa."

"Asawa kaya kita, may dalawang anak na nga tayo."

Oo nga pala, alam na n'ya ang tungkol kay Tyson.

Natahimik ako. Nananaginip lang ba talaga ako kanina? Hindi totoo ang narinig ko na may asawa't anak na s'ya sa iba?

Sinilip n'ya ako, he cupped both of my cheeks, "I'm sad I did not witness your pregnancy. Naalagaan sana kita."

"G-Gusto ko maligo." 'yun ang unang lumabas sa bibig ko

He smiled, "Really? We're in the middle of our talk here."

Sumimangot ako, "Gusto ko nga maligo!"

"Okay, I'll prepare a bath for you."

"Sa beach. Gusto ko maligo sa beach."

"Hindi ka pupunta sa site?"

Umiling ako, "Nasaan si Tate?"

Wala na kasi sa buong kwarto ang bata.

"Kinuha ni Two."

Tumango ako, kahit medyo bad mood ako ay pinilit kong mag ayos. Hindi ko alam kung anong kinaiinis ko, panaginip lang naman yun.

Bitbit ang sunblock ay lumabas ako ng banyo, naabutan ko si Tripp na nagtutupi ng comforter. Palagay ko 'di na s'ya magbibihis dahil naka beach shorts naman na s'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tripping Into Tripp's TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon