Kabanata 5

4.4K 61 1
                                    

"Birthday na ni Tripp next week, hindi ba? May regalo ka na ba?"

Nawala ang focus ko sa librong binabasa at nag-angat ng tingin kay Betty.

"Paano mo nalaman na magbi-birthday na si Tripp?"

She rolled her eyes, "Kay Zach, halos lahat naman ay ikinukwento saakin ng bwisit na yun, pati yata ang birthday ng mga ninuno nya ay naikwento nya saakin."

I chuckled, "Alam mo, bagay kayo ni Zach. Kayo na lang kaya dalawa."

"Bwiset, Rafaela ha, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. So ano nga? May regalo ka na ba?"

Now that she mentioned about Tripp's birthday, wala pa akong nabibiling regalo. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sakanya.

He's turning 20 in less than 8 days!

"Wala pa akong naiisip na iregalo."sabi ko na lang at ibinalik ang atensyon sa librong binabasa ko. Nasa library kami ni Betty at nagbabasa lang.

"Hoy, Raf, alam mo ba, kahapon, may babaeng kausap si Tripp sa labas ng school. Hindi sya estudyante rito ee dahil naka-uniform pa."sabi ni Betty, agad nawala ang atensyon ko sa librong binabasa ko

"Babae? Who could that be?"

"Ewan ko ha, ang landi nga nung babae, panay ang kapit at ngiti kay Tripp. Buti na lang good boy ang boylet at umiiwas."natatawa nyang sabi

Sino ang babaeng kausap ni Tripp kahapon? Naka-uniform? Bakit hindi naikwento saakin ni Tripp?

"I'll ask him about it later. Sa ngayon,"tumayo ako at inayos ang gamit ko, "Kumain na tayo dahil gutom na ako."sabi ko

"Labas tayo, sawang-sawa na ako sa pagkain sa canteen."aniya habang papalabas kami ng library

"Sure, may dala ka bang kotse?"

Wala akong dalang kotse dahil sinundo ulit ako ni Tripp sa bahay. Ipang araw ko ng hindi nagagamit ang sasakyan kong iyon dahil panay sa kotse ni Tripp ako nakasakay.

"Monday ngayon, coding ako. Nakisabay lang ako kay Daddy kanina."sabi rin nya

"So, maglalakad tayo?"

Tumango sya, "Okay lang naman. Pero, girl, ang init."she fanned her self. True enough, the sun is scorching hot.

"Ayos lang yan. Sandali lang naman ang lalakarin natin. Halika na't gutom na talaga ako."hila ko sakanya

We had a 10 minute walk, nakarating kami sa downtown ng Mckinley kung saan may hilira ng mga restaurant and boutiques.

Sa TGIFridays kami kumain. Halos lumobo ang tyan ko sa dami ng kinain ko.

While I was munching my dessert, my phone vibrated, I fished it out from my pocket.

A received a message from Tripp.

Tripp:

Babe, where are you? Been looking all over for you.

Napangisi ako.

Ako:

I had lunch with...

Pabitin kong text. As I hit send, binaba ko ang phone ko sa tabi at nakipag-kwentuhan kay Betty.

My phone buzzed again.

Tripp:

With who, Raffie?

Kahit sa text ay naririnig ko ang pagsusungit nya.

Tripp:

Answer me, Raffie. Who are you with?

Tripping Into Tripp's TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon