25

39 5 1
                                    

It's been a week pero di pa rin umuuwi si mama. Di rin siya nagtetext o tumatawag man lang. Baka fake yung nagtext sa akin at nagjojoke lang yung wishing app? Pero number talaga yun ni mama eh.

Habang nagtutupi ako ng mga damit sa kwarto ko agad agad pumasok si tita at halata sa mukha niya na kinakabahan siya

"S-starra yung mama mo!" Kinabahan ako bigla

"P-po? Bakit? Ano pong nangyari?"

"Naaksidente yung mama mo!!" Lumaki yung mata ko

"Po?! Ano pong nangyari?!"

"Hindi ko alam basta pauwi na sila dito nung nangyari yung aksidente, nasa hospital na siya ngayon, dalian mo at pupunta na tayo dun ngayon"

"Alam na po ba to nila Shaina at Shawn to?"

"Hindi pa, natutulog pa sila, baka umiyak lang sila pag sinabi ko"

"Ako na po yung magsasabi sakanila tita, magpalit na po kayo at ihanda mo na yung kotse" lumabas na ng kwarto si tita at ako naman ay agad agad na nagbihis

Bakit naman ganito? Umuwi nga siya pero bakit kailangan niyang maaksidente?

Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang nagvibrate yung phone ko.

Another notification from epithymia.

Hello player!
Welcome to WEEK 2!
Wish Now!

W I S H

[E X I T]

Mamaya na, mas importante yung mama ko.

WishWhere stories live. Discover now