50

21 5 1
                                    

"Huy bakit ka nakatulala dyan?" Bumalik ako sa realidad nung tinapik ako ni Clare.

Nandito kami ngayon sa room, nakikinig sa teacher namin na nagtuturo. Kanina ko pa iniisip yung task na nakuha ko kahapon. Do I really need to do that para lang makapasa sa long test namin na mahirap? Ayokong ma-guidance kasi nakakatakot pero kung di ko naman gagawin yun mapapahamak naman ako. Napasabunot ako ng buhok dahil sa inis.

"Okay ka lang ba? Ano nangyayari sayo?" Hindi ko pa nasasabi sakanya yung task ko kasi busy siya. Kung sakanya ba napunta yung task na yun gagawin niya? Dapat pala iba nalang hiniling ko edi baka iba yung task ko.

"Clare, kung hindi mo ba nagawa yung task hindi mangyayari yung winish mo?"

"Malamang. Ano pa yung use ng task kung mangyayari pa rin yung wish kahit di gawin? Edi marami nang di gagawa ng task nyan" bumalik nalang ako sa pakikinig habang iniisip parin kung gagawin ko ba o hindi

"Ano bang nangyayari sayo? Buong hapon ka nakatulala" tanong niya nung lumabas na yung last subject teacher namin

"Yung task ko kasi di ko alam kung magagawa ko"

"Bakit ano ba yun?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas ng room

"Madali lang naman siya pero ayokong ma-guidance tsaka mapapahiya ako kapag ginawa ko, sabihin pa nila wala akong respeto at manyakis ako"

"Ano nga kasi yan?"

"Kailangan ko paluin sa pwet teacher natin" natawa siya sa sinabi ko

"Weh? Nakakatawa naman task mo" inirapan ko lang siya

"Limang beses pa naman" napabuntong hininga nalang ako. Sobrang strict kasi ng teacher namin na kahit tignan lang namin sa mata di namin magawa tapos papaluin ko sa pwet? Baka ipahiya ako nun sa buong school huhu

"Gawin mo nalang kapag kayong dalawa lang yung tao"

"Ihh mapapagalitan pa rin ako! Alam mo namang nakakatakot si Mrs. Crisostomo eh, parang kakainin ako nun ng buhay huhu" tinawanan niya lang ulit ako

"Edi wag mong gawin, magkakapunishment ka nga lang" bumuntong hininga ulit ako

"Okay lang" unang punishment ko palang naman 'to eh so madali pa naman diba? Sana huhu

...

Kinabukasan nakareceive ulit ako ng notification na may apat na araw nalang ako para gawin yung task pero binalewala ko lang hanggang sa isang oras nalang yung natitira

"Fuck" napamura na ako dahil sa inis

"Bakit?" Tanong nanaman ni Clare

"Isang oras nalang" kinakabahan na ako. Di ko alam yung mangyayari kasi first time kong magkakapunishment if ever di ko magawa 'to

"Hoy gaga ang bastos mo! Tingin ka nag tingin sa pwet ni ma'am!" Bulong sa akin ni Clare at tinakpan yung mata ko. Natawa tuloy ako. Para akong manyakis na may pagnanasa sa babaeng guro namin.

Ilang minuto na akong nakatingin sa phone ko. May timer na dun kasi malapit na matapos yung task. Habang nababawasan yung oras nababawasan na rin yung paghinga ko. Mas lalong bumibilis yung tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napapikit ako ng mata nung sampung segundo nalang yung natira.

10

9

8

7

6

5

4

3

WishWhere stories live. Discover now