44

15 6 1
                                    

r18. Char!! Pero medj bastos yung scene na 'to hehe sorry

..

You only have 2 hours to do the task, player :)

Inalis ko yung notification na palaging nag popop sa screen ko. Nakakainis talaga! Nagpalit nalang ako ng damit at pinagisipan kung gagawin ko talaga 'to. Tumayo ako at tinext si Clare na pumunta sa location na pupuntahan ko, buti nag-agree agad. Hindi ko sinabi kila mama kung saan ako pupunta kasi baka magalit pa sila. Malaki naman na ako pero nagagalit parin sila pag may ginawa akong kalandian o kung pumunta ako sa bar or what.

Di naman na kami minor kaya pinapasok kami sa bar. Hindi ako uminom kasi wala ako sa mood habang si Clare naman ay inom nang inom at mukhang malalasng na dahil sa dami ng nainom na alak

"Starra let's dance!" Hinihila niya ako pa dancefloor pero tumanggi ako. Wala talaga ako sa mood dahil konting oras nalang matatapos na task ko

"Anoba! Wala namang pasok, let's party!!! Tsaka uminom ka kaya para magawa mo yung task mo nang di mo namamalayan" iinom na ba ako? Kumuha ako ng isang drink at ininom ito, one shot.

"Nice girl! Sasayaw muna ako dun, bye!" Mukhang lasing na talaga siya kasi pagewang gewang siya habang naglalakad. Umiling nalang ako at uminom ulit ng alak.

This is not my first time going to a bar pero matagal tagal na nung huli akong pumunta kaya naninibago ako. Busy akong tumingin sa mga taong sumasayaw nang may tumabi sa akin na lalaking di ko kilala

"Uh, sino ka?" Malakas yung pagkatanong ko kasi baka di niya marinig. Malakas kasi yung music.

"I'm Jackson and you are?"

"Lea" fake yung binigay kong pangalan kasi di ko siya kilala, baka di siya mapagkakatiwalaan. Baka kasi hanapin niya ako sa mga social media, ang unique pati ng pangalan ko

"Nakita kong mag-isa ka lang dito, gusto mo ba sumama sa amin?" Tinuro niya yung table nilang maraming lalaki. No! Nakakatakot.

"A-ayoko. May kasama naman ako, sumayaw lang"

"Mukhang matagal pa siyang babalik dito, dun ka na muna sa table namin" hinawakan niya yung kamay ko kaya agad ko itong inalis

"Mukhang marami na kayo, d-dito nalang ako" nagbago yung expression niya. Clare bumalik ka na! Nakakatakot mag-isa dito!

"Miss sumama ka nalang, may dare kasi sila sa akin, kailangan kitang mapapunta dun" tumingin ulit ako sa table nila at 9 silang nandun. Shit, baka pwede ko naman gawin yung task ko sakanila. Help me!

Uminom muna ako ng limang sunod sunod bago pumayag. Nahihilo na ako konti pero hindi pa ako lasing.

"Nice one!" Sigawan nung mga lalaki nung nakarating kami. Pinaupo nila ako sa gitna at lahat sila nagtinginan sa akin

"Anong pangalan mo?" Tanong nung isa sakanila. Nanginginig na ako dito ngayon dahil sa takot pero wala akong magawa

"Chelsea"

"Sabi mo kanina Lea?" Shit! Nakalimutan ko! Tangina!

"A-ah, ano, Chelsea Lea k-kasi buo kong pangalan" palusot ko buti naman at naniwala sila, mga lasing na ata

"Wag kang kabahan, di kami masamang tao" sabi ng katabi ko at ngumisi. Hinawakan niya yung balikat ko pero agad ko rin itong inalis

...

You only have 1 hour and 10 mins to do the task, player :)

Putangina. Napasapo ako sa noo dahil sa inis. 1 oras na akong nandito pero di ko pa nagagawa yung task. Hindi na nila ako masyadong pinapansin pero di parin nila ako pinapaalis. Fuck, anong gagawin ko? 1 hour nalang!!

WishWhere stories live. Discover now