53

23 1 0
                                    

Dalawang araw na yung nakalipas pero hindi pa rin ako maka move on sa nangyari. Yung muntik na akong ma-rape at yung pag amin ni Mixel. Considered ba yun as pag-amin? Oo naman diba? Maraming nakaalam ng nangyari kay maraming nagtanong kung okay lang ako at marami rin yung nakichismis.

Saturday ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Sabay kaming umuwi ni Clare kahapon kasi natatakot na siya na baka may masama nanamang mangyari. Wala akong magawa dito sa bahay kasi nagawa ko na lahat ng dapat gawin and nakareview na rin naman ako kaya nakatunganga lang ako dito sa kwarto

ting!

Tinignan ko kung ano yung notification at tama nga ako na galing nanaman ito sa app.

Hello player!
Welcome to WEEK 6!
Wish Now!

W I S H

[E X I T]

Ayoko nang magwish kasi natatakot ako sa magiging task at sa magiging punishment kapag di ko nagawa task pero anong gagawin ko? Magkakapunishment pa rin ako kasi di ako nag wish!

Sinubukan kong i-delete yung app pero hindi siya ma-delete. Kinalikot ko yung settings ko pero wala talaga eh. Nagsearch ako sa google about sa app pero wala rin akong nahanap. Mukhang secret lang talaga 'tong app na 'to. Pumunta ako sa website ng epithymia pero wala akong napala. Sinubukan ko ring i-wish na sana madelete pero palagi nalang error. Ano bang gagawin ko para mawala 'tong epithymia na 'to? Mababaliw na ako!!

Ay alam ko na! Sinubukan kong ireformat yung phone ko baka mawala na yung app. Nakabackup naman yung important files kaya di na ako nag-alala dun. Habang hinihintay kong magbukas yung phone ko pumunta muna akong kusina para uminom ng tubig.


Welcome Back Starra :)
Wish Now!

W I S H

E X I T


Agad kong naibuga yung iniinom ko nung epithymia agad yung bumungad pagka-on ng phone ko. What the fuck?!?! Nadelete na lahat ng apps and some stuffs pero nandito parin yung epithymia? At naka login parin ako! Ayaw akong lubayan! Okay, this is getting really creepy. Triny kong magsearch sa google at youtube ng paraan para mawala yung app na hindi ma-delete pero wala akong nakita kaya sumuko na ako.

Bumili nalang kaya ako ng bagong phone bukas?

Joke lang hindi pala ako mayaman pero may ipon naman ako. Matagal tagal na rin naman 'tong phone ko bakit di ko na palitan diba? Mas importante naman safety ko at mga tao sa paligid ko kaysa sa pera.

Kinabukasan sinubukan ko ulit gawin yung mga ginawa ko kahapon pero ganun pa rin yung nangyari, nandito pa rin sa phone ko yung app!!

Plan B. Buy a new phone. Tinignan ko kung kasya ba yung pera ko para sa bago na phone at buti kasya naman. Installment naman tsaka tutulungan naman ako ni mama kaya hindi ako mahihirapan. Matagal niya rin naman na sinusuggest na palitan ko na phone ko, ako lang yung umaayaw pero this time feeling ko kailangan na talagang palitan.

Binasag at sinira ko phone ko para may rason ako kay mama para mapalitan yun. Wala kasi akong maipapalusot, alangan naman sabihin ko yung about sa app bawal nga.

Agad akong pumunta kay mama para sabihin at ipakita yung about sa phone ko. Sabi niya next week na daw ako bibilhan pero sabi ko kailangan ko na para sa project namin kaya sa susunod na araw nalang. Nabored tuloy ako kasi wala akong phone!

Binuksan ko agad phone ko nung nakabili na kami. Kinakabahan ako kasi baka nandun parin yung app pero impossible naman yun diba? Bagong phone 'to kaya impossibleng nandito na agad yung app at naka login ako.

"Putangina" muntik ko na masira yung bago kong phone nung epithymia ulit bumungad sa akin. Putangina talaga, sinusundan ba ako nito?! Binago ko na't lahat lahat nandito pa rin!

4 days nalang yung natitira bago mag end 'tong week na 'to. Kailangan kong mag wish. Wala na akong magagawa. Baka mas malala yung mangyayari kung di ako magwiwish.

Winish ko nalang na sana walang mangyaring masama sa akin at sa lahat ng kakilala ko pati mga pet namin para safe kami. Baka lubayan na kami ng app kung ito wish ko 'no? Or baka dumali na yung tasks or punishments.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WishWhere stories live. Discover now