Prologue

51 0 0
                                    

Each one of us is searching for someone who will complete us.
We all dream of someone who can hold our hands throughout our journey.
And attain all the dreams you've plan together.

Sabi ng iba love and life should be separable. While for some people, it's the other way around.

But regardless sa kung ano ang tama, we still choose to fall in love and face the world together.

But what if life changes you?

Will you choose to grow together?

Or choose to grow apart?

===============================

It's a hectic Friday morning and 1 hour na akong stuck sa traffic.

"Fuck!" parang gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa manibela. I have a 10 AM schedule today, and it's already freaking 9 in the morning. Makati pa ang office ko for pete's sake at nasa kahabaan pa rin ako ng Cubao. I honestly don't know how to adjust to this kind of traffic situation here in our country. I guess it's been two or three years ever since I decided to left Singapore and until now hindi pa rin ako masanay-sanay na nakabalik na nga pala ako sa Manila at kailangan harapin ang nakaka-imbyernang traffic sa Edsa araw-araw. I also don't know what comes to my mind at pumayag pa ako gumimik sa Morato kagabi despite knowing that I have an early scheduled meeting the next day!

"Boba ka talaga, Sammy!" I keep on blaming myself for about an hour na rin.

I texted our director na baka medyo ma-late ako. Good thing, medyo delay din daw makakarating ang mga ka-meeting namin.

And after several hours of being stuck in Edsa, I finally reached my destination. Pagpasok ko sa office ay sinalubong agad ako ng isa kong officemate.

"Ay, wow! Himala nandito siya!" pabiro n'yang sabi habang pabalik sa pwesto n'ya.

Bihira na lang kasi ako pumunta dito since may iba pa akong raket aside from advertising. Buti nga at masyadong mabait si Direk, our boss, at siya pa ang nag-encourage sakin to pursue other paths. Masyado kasi akong maraming gustong gawin kaya 'yun hindi mapirmi. Medyo nagulat pa nga ako' t hindi pa nila inaalis ang table ko dito.

Nang malapag ko na ang mga dala kong gamit sa working station, inasar na naman ako ng mokong na katabi ko.

"Grabe, hindi ka na talaga ma-reach!" at akma pang inaatras ang swivel chair n'ya palayo sakin.

"Ulol! Arte mo. Ako pa rin ito, Drich! 'Yung humble at maganda mong workmate." and I really emphasized the word "humble" para sakaling maasar siya sa pagba-brag ko.

"Iba na talaga kapag sikat no. Ang hilig na mag-brag! What brings you here?" tanong ulit nitong si Drich habang pangiti-ngiti.
"May new client daw sabi ni Direk. Gusto ata akong kuhanin as commercial model." pagma-mayabang ko and I really flipped my hair para mas feel.

"Ay, gago! Ganyan na ba talaga kapag kilala na? Level up na rin ang confidence sa sarili?" sabay tawa pa nito na parang mangiyak-ngiyak pa habang nakahawak na sa tiyan n'ya.

Dapat pala sinabi ko 'yun habang may nginunguya siya para sana nabilaukan.
Natigil lang kami sa asaran nang lumapit ang isa pa naming workmate para i-congratulate ako.

"Hoy, Sam! We watched the movie yesterday. Shuta ka rin no, why did you decide to end the movie that way? Ang lungkot!" pagre-reklamo ng workmate kong si Mia.
"Well, that's love." I just shrugged.

"Iyak pa nga nang iyak itong si Mia e. But congratulations, Sammy. Ang ganda ng film! Balato naman!" pasunod namang comment nitong si Je, art director namin.
"Oo nga Sammy! Balato, balato!" gatong ulit nitong si Drich. I just raised my middle finger at him dahil gatong siya.
Tinawanan n'ya lang ulit ako ng bumalik na siya sa page-edit.

Napatigil lang kami sa pagku-kwentuhan ng dumating na si Direk. Tinapik n'ya ako sa balikat.

" Hey, Sammy! Good thing, you're here now. Nag-message na sakin 'yung mga ka-meeting natin, they're on their way."
"Noted, Direk."

Nang makapasok na siya sa office n'ya ay chinika na naman ulit ako ni Drich.
Na-miss ata ako masyado nito e.

"Uy, balita ko pang-international ka na ngayon?"
"Huh? Anong international?" nagu-guluhan kong tanong.
"Galing daw ibang bansa 'yung client e."
"Ah, yup. Direk mentioned it. Pero hindi naman n' ya in-elaborate maigi. So I don't know the whole info."
Well, hindi ko nga alam kung taga saan bansa. Basta I said yes to the project because it can also add to my credentials.
"Kapag lalaki 'yung client tapos gwapo, jowain mo na." pagsu-suggest naman ni Drich na parang siya pa ang atat na magka-boyfriend ako.
"Sorry, wala pa akong plano magka-jowa. Parang ikaw pa ata ang atat? Ligawan mo na kasi ako." I'm just laughing while checking his reaction.
"Naku, bro! Hindi kita type!" at lumayo siya ulit ng bahagya sakin.
Natatawa na lang talaga ako sa reaction n'ya.
"Aray ha. Choosy ka pa? Sa ganda kong ito?" panga-asar ko ulit.
"Bro, I think you need to visit a doctor. Pa-check ka na. Grabe! Ibang-iba ka na talaga." natatawa pa n'yang sabi.

Ewan ko ba pero feeling ko naaaksaya lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa taong ito e lagi naman akong talo. Wala mas magaling talaga siya mang-asar kaysa sakin.
Iniwan ko na lang siya dun na tawa pa rin nang tawa ng ipatawag ako ni Direk sa office n'ya.

"Hi, Direk!" naka-ngiti kong greeting sa kanya.
"Hey, have a seat! And congratulations pala. Big time ka na talaga!" ito naman boss ko nambola pa e mas big time nga siya.
"Hindi po, baka tiyamba lang." natatawa ko pang sabi.
Ganun dapat medyo pa-humble lang.

"Btw, Sammy! Thank you for accepting this project."
"No problem, Direk. Besides hindi pa naman ulit ako tumanggap ng ibang projects so wala muna akong kailangan na i-prioritize na script."

Aside from my work here as a copywriter, sinubukan ko rin na magsulat for films. Well, it has always been my dream ever since I was in highschool. So nung parang feeling kong medyo kaya ko na, I try my luck at pinasa ang ibang script na gawa ko. And I think medyo nage-excel naman ako sa field na pinasok ko.

"Taga-saan po pala 'yung mga clients?" I suddenly asked since I don't know the full details. Ang alam ko lang din ay parang collaboration for a tourism campaign.
"Ah, yeah. I forgot to tell you pala. They're from Singapore. You worked there for a year, right? Baka nga kakilala mo pa e."

Bigla naman akong natigilan at wala agad akong naisagot. Singapore? Baka naman hindi siya? Marami namang advertising firm dun so imposible. Sana lang talaga ay hindi nga siya.
Napatigil na lang ako sa pagi-isip ng malalim nung nagsalita ulit si Direk.

" I think in a few minutes, nandito na rin sila."

I suddenly felt nervous and I don't even know why. Siguro ay dahil taga-ibang bansa ang mga kliyente?
And speaking of, kumatok agad ang secretary ni Direk para sabihin na nandito na daw ang clients namin from Singapore.
At ng pumasok na sila ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at parang hindi ko magalaw ang buong katawan ko.
Nang tuluyan na silang makalapit samin ay hindi ko malaman kung anong gagawin ko lalo na ng biglang magtama ang mga mata namin.
Bakit siya pa? Kung bakit ngayon pa na hindi pa ako ulit handang makita siya?

He formally offers his hand and smile.
"Finally, we meet again."

I also extend my hand and give a small smile.
"It's nice to see you again, Mr. Lopez."

The person I left years ago is now standing in front of me.

The man who promised to hold my hand every step of the way,

The man who I wanted to share my dreams with,

The man whom I promised to achieve our goals and grow together,


















but suddenly we just grew apart.

Dreams Within UsWhere stories live. Discover now