Chapter 5

24 0 0
                                        

Since we only have a few days before we fly to Singapore. I decided to bond and catch up with my friends.

Nandito ako ngayon sa Starbucks malapit sa condo ng dalawa kong bestfriends at ito isang oras na akong naghi-hintay sa kanila. Hello, ako na nga ang dumayo sa kanila tapos sila bababa lang napakatagal pa. I keep on messaging them sa GC kung nasaan na ba sila.

Sam Lim: Hoy, mga babae! Napaka-tagal kumilos? 1 hour na akong naghi-hintay. Gusto n'yo ba ako na pumunta d'yan sa unit n'yo?!

Well, they know me. Wala akong tiyagang maghintay. Kahit si Aly nama-malditahan ko kapag late sa usapan. Time is gold, folks! At sunod-sunod naman nagreply ang mga kaibigan ko.

Maxine Cojuangco: Nako, ayan na. Galit na siya. Sorry, ghorl! Ang tagal kasi kumilos ni @ThaliaGomez.

At nag-reply si Thali sa chat ni Max.

Thalia Gomez: Hoy, shuta ka Max! Ako pa sinisi?! Parehas lang tayo matagal ang kilos! But don't worry Sammy, ito na pababa na kami nasa elevator na o. Ito na 10th floor na. Okay going down ulit. Ay may pumasok na pogi sa 8th floor.

Maxine Cojuangco: Fck you, Thalia! Mine na 'yung pumasok na cute guy sa 8th floor. Wait tabihan ko nga.

Ewan ko ba, loka-loka talaga itong mga kaibigan ko. Sa halip na replyan ko sila dahan-dahan ko na lang hinigop 'yung espresso na inorder ko. Sa tagal nila nangangalahati na ako sa iniinom ko. And after a few minutes, dumating na ang dalawang bruha at nakangiti pang kumakaway sakin na parang wala silang pinaghintay ng isang oras.

"Ghorl, smile! Tatanda ka agad n'yan. Baka hindi ka pa nakakarating ng Singapore may wrinkles ka na." Panga-asar pa nitong si Thali ng nakalapit na sila sa table na pinareserve ko.
"What took you so long?" tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Chill, Sam. Sorry na. Alam mo na girls, medyo napapatagal ang paga-ayos." Max reason out.
"Hey, I'm also a girl. Pero hindi ako ganyan katagal mag-ayos. Like for real, 1 hour?" naiinis ko pa rin na depensa.
"Okay, Sam. We're really sorry. Libre ka na lang namin. Sige na, what do you want?" ito na naman si suhol girl na si Thali.
"And besides ang tagal na ulit bago tayo magkita-kita. Of course, you'll be so busy being a wife and a professional woman in Singapore." asar naman nitong si Max.
"Bruha, anong wife? May nag-propose ba? Wait, I'll text Aly para tanungin ko kung papakasal ba siya sakin. Di ako nainform"
"Loka-loka ka talaga! Dun na rin papunta 'yun. Hoy maiba lang. Galit na galit ka samin ni Thali! E wala pa naman din si Lu! Where is she?"
"Gaga! Didn't you read her message? Basa-basa rin ng convo sa gc kapag may time." maldita kong sabi.
"Whatever" she just rolled her eyes.
"Valid naman pala ang excuse. Akala ko natututo na rin lumandi." banat naman ulit ni Max after she read the message.
"Bruha ka Maxine, 'wag n'yo nga tinuturuan ng kung ano-ano 'yan si Lu mas bata 'yan satin." I reminded them.
Well, mas matanda lang naman kami ng 2 years kay Lu.
"Wow, you sounded like a Tita! " and they just both laugh at me.
"Ewan ko sa inyo. Seryoso kaya ako."

Parang kapatid ko na rin 'yan si Lu. She's the eldest daughter of Manang Lourdes, helper namin dati. And dahil sobra akong napalapit kay Manang naging close na rin ako sa anak n'ya. Sobrang daling pakisamahan ni Lu kahit na mas matanda ako ng konti sa kanya. And sinabihan ko rin siya na 'wag na akong tawagin na ate because I feel so old.

And speaking of Lu, napatingin ako sa may labas ng coffee shop nang may pumarada na white Ferrari sa tapat ng coffee shop. At halos mabuga ko ang iniinom kong espresso when I saw Lu na pababa ng sasakyan.

"Wth?!" naloloka kong tanong at hindi pa rin tinatanggal ang tingin ko sa labas.
Napatingin naman din sina Max at Thali. Hinintay lang ata nung mayari ng sasakyan na makapasok sa loob si Lu at saka umalis.

Ramdam naman n'ya na nakatingin kaming tatlo ng maigi sa kanya. Kaya nung nakarating siya sa may lamesa namin alanganin na lang siyang ngumiti at parang nagi-isip ng alibi n'ya samin.

Dreams Within UsWhere stories live. Discover now