Chapter 7

27 0 0
                                        

After we safely landed in Singapore, we saw Tita Judith waiting for us in the arrival area. Medyo nakakahiya nga kay Tita since we arrived almost dawn. She introduced her partner to us and we also apologize for the inconvenience.

"Ano ba kayo, you don't have to apologize. Kami na ang guardian n'yo dito. So don't hesitate to ask us if you need anything." Tita casually said.

Tinulungan nila kami sa mga maleta namin, good thing nagkasya sa SUV nila. 'Yung partner na ni Tita Judith ang nagda-drive while she's busy talking to Aly. Medyo nakakatawa lang kasi kung makapag-catch up sila e parang ilang taon silang hindi nagkita, kagagaling lang naman namin dito last month.

When we reached their house, binaba muna nila 'yung luggages ni Aly pagkatapos ay hinatid na nila ako sa apartment ko. My parents decided to get me an apartment, and my mom paid for it. May pagka-conservative and traditional sila so hindi muna nila kami pinayagan ni Aly na tumira sa iisang bahay. He respected my parents decision. Ako pa nga ang parang nalungkot na hindi ko siya makakasama sa bahay. As much as my parents trust me and Aly, they are just not in favor of live-in set-up. And we understand that. Si Aly naman ay doon na titira kila Tita Judith since may vacant naman na isa pang room sa kanila. Buti na nga lang ay may relative siya dito. She's like a second mom to him. So I'm sure hindi man n'ya kasama si Tita Carol ay hindi siya masyadong malulungkot.

Hindi naman kalayuan sa kanila ang nakuhang apartment ng parents ko para sakin. It's not that big but quite spacious so okay na rin since ako lang naman mag-isa.
I also promise my parents that I'll pay for the monthly rent once I get my salary. But for the meantime, si Mommy muna ang nag-advance deposit. It's my dad decision to let me live on my own. Pwede naman kasi akong mag-rent ng may ibang kasama, pero gusto n'yang masanay ako na maging independent at matutuhan mamuhay mag-isa. I actually agree with his idea since I really want to learn and experience how it feels like to live alone. They just dropped by my things and umalis na rin sila dahil kailangan na rin namin magpahinga ni Aly.

Humiga na lang ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi naman din ako masyadong pagod sa biyahe kaya hirap akong makatulog kahit madaling araw na. Maybe I'm not used to sleeping in a different environment. Paikot-ikot lang ako sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napatigil lang ata ako sa ginagawa ko nang tumunog ang phone ko. I saw a message from Aly.

From Love:
Hey, can't sleep?

Siya rin ata nahihirapan makatulog. I reply right away.

To Love:
Yup, you too? Aren't you tired?

Ilalapag ko pa lang sana 'yung phone ko ng nagtext siya agad.

From Love:
Hindi naman masyado. Siguro kasi nakapag-nap naman ako sa biyahe. Ikaw, bakit hindi ka pa tulog?

To Love:
I'm trying, but I really can't sleep. Pagulong-gulong na nga lang ako dito sa kama.

From Love:
Siguro kaya hindi ka makatulog kasi kanina ka pa tumatakbo sa utak ko.

I just laugh because of his corny pick-up line.

I'm still giggling while typing.

To Love:
Corny, Alyjano! Tulog lang 'yan.

From Love:
Mahal mo naman kahit corny lol. You should sleep. Punta ako d'yan mamaya, I'll help you with your things. Love you!

Nag-reply na lang ulit ako sa kanya bago subukan ulit makatulog. May usapan pala kami mamaya na tutulungan n'ya daw ako mag-ayos ng gamit. Ayoko na sana siya abalahin, he also needs to prioritize his things. But he insist kasi sabi n'ya madali lang ayusin 'yung kanya samantalang' yung akin halos dalhin ko na daw ang buong bahay namin. True enough, I have a lot of things in my room na binaon ko na rin dito sa Singapore. Ayaw ko na dito bumili dahil alam kong mahal.

Dreams Within UsWhere stories live. Discover now