Kabanata 8
Talk
I couldn't sleep. I couldn't stop thinking about how peaceful this day was despite my situation.
I will be forced by my parents into this unwanted marriage with a stranger. Hindi kami magkasundo na dalawa at lalong hindi namin gusto ang isa't-isa. Posible palang sa gitna ng pagdurusang ito at sa pag-aaway, magkakaroon kami ng tahimik na buong araw.
I pouted when I remembered the photographers and videographers. Except for that part, though. But most of the time, I forget about their presence.
Pagkatapos naming tahimik na magswimming ni Royce, nagpahinga siya sa suite. Nauna akong maligo samantalang inaayos niya ang magiging dinner namin sa restaurant. He also entertained the photographers and videographers a bit. Nang bumalik siya sa suite, tapos na ako.
"You can check our pictures and videos outside. I ordered for our photographers and videographers food."
I nodded. Kaunti lang naman din ang interes ko sa pictures namin pero para mabigyan siya ng space, tumayo na ako. "Sige, I'll check it. Dito ka na lang muna at puwede ka ring magpahinga saglit. Kung gusto mo."
He nodded.
Lumabas ako at saglit nga na in-entertain ang mga staff. Kumakain sila nang dumating ako pero may kaunti nang output. Nabigla nga ako dahil ang alam ko'y inaabot pa ng ilang linggo ang mga edit pictures at lalo pa ang videos. Pero siguro kaya sila ang pinili dahil urgent ang mga shoots namin at alam din nila na kailangan agad may output.
The videos and pictures were all good. Hindi halata na nagpapanggap kami! Ilang beses kong binalikbalik ang pictures pati ang video clips at hindi talaga ako makapaniwala.
This is us, right? We were fighting this whole time and yet our videos and pictures still turned out good! Those fake smiles weren't obvious. Siguro ay magaling lang talaga ang team kaya pinuri ko sila ng husto.
Tumawag si Mama sa akin at nabanggit ko sa kanya ang resulta ng pictures at videos. Tuwang tuwa naman siya at gusto na magkaroon agad ng kopya.
"Your father wants them released early tomorrow," aniya.
Napawi ang ngiti ko sa pagbabalita sa sinabi niya. Biglaan kong naalala ang buong sitwasyon. Paano ko nga ba iyon nakalimutan?
Dumating si Royce, halatang kagigising lang. It's almost two hours and it's already getting dark. Nagkatinginan kami habang katawagan ko si Mama. Binati ni Royce ang mga photographers na nandoon at saglit din siyang pinakitaan ng output ng mga ito.
Mama asked for Royce afterwards. Ibinigay ko sa kanya ang cellphone at sila na ang nag-usap pagkatapos. Dahil abala sa ganoon si Royce, ako naman ang tinanong mga mga staff sa restaurant kung i-se-serve na ang dinner namin. Katatapos lang kumain ng photographers at videographers.
"Sige," sabi ko at tumayo na.
Nagtapos din ang pag-uusap ni Royce at ni Mama. Nagpaalam kami sa mga photographers at nagsabi sila na tatrabahuin ang natitirang kailangan. Mukhang kailangan nilang mag overtime ayon sa gusto ng pamilya ko.
"Order lang kayo ng gusto n'yo," Royce reminded them.
Tahimik naman kaming pumunta sa tamang lamesa para sa aming dinner. Distrubed only by my father's call for me, na agad din namang nagrequest na kakausapin si Royce.
Naibaba naman ni Royce ang tawag nang nasa hapag na ang mga order namin para sa dinner.
We discussed about my schedule tomorrow. Ihahatid na rito ang gown at ang iilang staff sa kasal ay magsisimula na sa kanilang pag-aayos. He won't be visiting tomorrow since he will be busy attending all the needed meetings before he goes to a vacation.