Kabanata 21

653K 24.6K 28.5K
                                    

Kabanata 21

Boyfriend


We had a busy week. He had his own meetings, I have mine. Buong linggo din siyang nag turtle neck dahil hindi napawi ang mga pantal sa leeg niya.

May isang araw na matagal siyang umuwi at ka meeting niya sina Papa. Sa sumunod na araw naman, sobrang pagod ako dahil binisita namin ang isa pang project. Nag-overtime din ako kaya nakatulog agad pagdating sa condo.

"So dadating na daw ba ang shipment?" I asked someone from my team.

I figured that working is fun and fulfilling. Ilang linggo pa lang ako rito sa opisina at na appreciate ko na agad iyon. There is pressure, lalo na dahil Rockwell ako. Everyone expected great things from me despite my tainted background.

Minsan napuri ako na magaling daw ang disenyo ko ng isang senior interior designer. The old woman even noted that despite the rumors about my scandals, I still deliver. Hindi ako sigurado kung insulto ba iyon o ano but I took it as a compliment.

Nasulyapan ko si Royce na nasa hamba ng pintuan ng conference room. Kanina pa yata siya pero ngayon ko lang napansin dahil abala sa ginagawa.

It's already six in the evening. Nagsimula na ang renovation sa unang proyekto ko at minamadali ko na dahil sa projected date. Royce told me a while ago that he didn't have any more meetings.

"Excuse me..." sambit ko sa mga kasama ko nang napansin si Royce.

Nagsitinginan sila sa tinitingnan ko at mabilis na bumalik sa trabaho. Kahit pa ilang beses kong sinabi sa kanila na mabait naman si Royce, nararamdaman ko pa rin ang takot nila.

I heard he's a perfectionist. I heard... dahil wala na rin masyadong nagku-kuwento sa akin tungkol sa kanya. They're probably scared that I'll tell Royce about it. I won't. And even if I will, I don't think he'll seriously get mad at them.

He's uptight and very strict. I suppose those attitude led him to the top. It's natural for him to expect his employees to do well. At kinausap niya naman si Jun noong Lunes at masasabi kong kahit na ganoon siya, kahit paano hindi niya pa rin naman nakalimutang magpakatao. Or maybe because I reminded him but even so... that was a good move.

"Mauna ka na lang. Kanina ka pang four walang ginagawa."

Umiling siya. "Hihintayin kita. Sabay na tayong umuwi."

Binalikan ko ang team. Hindi pa ako sigurado kung anong oras kaming matatapos.

"Pero..."

"I ordered you dinner. Kasama ang ka-team mo. Dito na tayo maghapunan."

Nagulat ako. Kanina pa kami nasa meeting at hindi na sumagi sa isipan ko ang dinner. Maybe because we had snacks before we started, at hindi ako gutom, pero baka nga gutom na sila.

"T-Thanks... Sigurado ka ba na maghihintay ka? Mamaya pa kami. You should take this time off and rest. Ilang araw na kayong overtime. Ngayon na maaga ka sana..."

"It's alright. I'll rest while waiting for you."

So he waited. Nakaupo siya sa isang swivel chair sa conference room, nakapikit, at tingin ko'y tulog na kalaunan. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang tensiyon sa team ko. Pakiramdam ko kabado talaga siya pag nariyan siya.

Iniisip kong palipatin siya sa opisina ko. Puwede naman siyang doon na maghintay at makakatulog pa siya sa sofa pero pinili niya roon. And I didn't want to wake him up, too. If he was now asleep.

He woke up when his secretary knocked on the conference room for dinner. Nahihiya ulit ang mga team ko nang nalamang galing sa kanya iyon. Halos hindi sila makapagpasalamat sa hiya at nakikita ko ring unti-unti lang ang pagkain, kahit pa bumalik na naman din si Royce sa pagtulog.

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon