Heto na

2 0 0
                                    

Tatlong taon na ang lumipas
Na ang makatang isip di nakaalpas
Naisin mang muling magkatha ng tula
Ngunit ang oras ay sadyang bihira

Muling nakasilip ng pagkakataon
Maihayag ang damdamin sa malayang panahon
Tema sa aking isipan ay nagrambulan na
Ito ba ang uunahin? O Ito muna?

Heto na nga manunulat ay nagbalik
Naingganyong muling magsulat, tunay na sabik
Aking hiling lamang sana inyong magustuhan,
Sana kayo ay maaliw at mayroong matutunan.

Katha Ni IaRaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon