CHAPTER 25: Our first day

27 3 0
                                    

" Tyrone bagay! ba?" Kung ano- ano pang pose ang ginawa ko sa harapan nya. Habang itinatapat  sa katawan ko ang   damit na napili ko , siguro sexy ako pag sinuot ko to. Medyo  fitted din kase ito sa katawan.

" Mag mimistula kang suman na bundat pag sinuot mo yan. "  Suman na bundat?
Napatingin ako sa katawan ko. Ganun naba ko kataba. Hindi naman ah. Buti nalang nasalo ko yung damit na binato nya. Uso po lumapit tsaka ibigay. Medyo natamaan tuloy ako sa mukha.

" Yan bagay sayo, kaya wag kana mag hangad ng mga pang sexing damit. Hindi rin babagay sayo."   Tingnan mo yung taong yun, Nilayasan ako.  Chineck ko  naman yung damit na binato nya. Alam ko wala akong ka fashion fashion sa damit. Pero hindi pa naman ako nag mumukhang losyang para suutin ang bagay nato.  Duster  seryoso?  Eh mas okay panga sakin ang malalaking Tshirt.

Inis kung binalik yung Damit. Hindi naman talaga kame bibili eh, Dumaan lang kame at ako ang nakaisip dahil gusto ko lang naman mag tingin-tingin. Kaya siguro parang mantikang kumukulo nanaman ang dugo ng isang yun.

Hinabol ko naman ito na kasalukuyan naring papalabas ng shop. Kaiinis talaga akala ko ba date. Eh bakit parang sarili ko lang din ata ang dini-date ko. Daig ko pa ang walang kasama.

" AHH! Tyrone dito bilis! Nung bata pa ako inis na inis  talaga ko sa machine nato." Tukoy ko sa machine na kailangan mong makakuha ng manika gamit ang parang robot na kamay. Naalala ko nung bata ako, halos isumpa ko ang bagay nato.
Ano ba naman kasing Trip ng inventor  nito  sa dinami-dami ito pa naisipan nya. Hindi ba nya alam maraming gustong sumira sa machine nato  sa sobrang inis.

" Ahh! BAKIT MO BINITAWAN! ! Yan tuloy nahulog.."  Yan nanaman yung tingin nya. Sorry na hindi ko naman kase inaasahang mahahampas ko sya sa braso at masisigawan. Kasalanan nung machine.

Bumalik ulit sya sa pag lalaro. Ayan na malapit na. Konti nalang at mahulog na sa butas. 

" Ah!! sayang naman.."  Nahulog ulit ito.
Nainis na din ata sya kaya tinigilan na nya.
" Ako nga!  Ako nga.!"  Halos bungguin ko naito, makapunta lang ako sa pwesto nya.
Nag hulog ako ng Coins. Masyadong kong seryoso sa pag lalaro. Pakiramdam ko tumutulo narin ang pawis ko. Maingat kong itinaas ang kamay na Robot. Lahat ata ng santo tinawag kona wag lang mahulog ang manikang kapit-kapit nito.

" Ahhhh!!!!! " halos hampasin ko yung machine. Kainis bakit ganun iningatan ko naman ah. Napakadaya sino ba may-ari ng bwisit na machine nato. Nang gigigil ako sa machine pero mas nang gigigil ako sa kanya.

"Bakit mo binitawan ang lapit lapit na nga nabitawan mo..."  Kahit diko bitawan kusang bumibitaw yung  pesteng kamay na robot nayan. Ke daya-daya nasasayang lang yung coins ko.

" Yung machine lang talaga may kasalanan!" 

Bakit ako sinisisi nya. Makapag salita  akala mo nakakuha ng manika. Isa ding namang anga-anga mag laro. Nakakainis .
Pero mas nakakapang init ng dugo yung Machine.

" Sinisi mo payung Machine. Tanga ka lang talaga mag laro."  Iba parin talaga ang amats ng lalaking to kahit kelan. Masyadong ratatat sya mag salita . Direct to the point. Pasalamat sya hindi ako pwede magalit sakanya. Pero konti narin talaga nag iinit na ulo ko. Akala ko panaman magiging masaya at Enjoy ang pinaka unahanag date namin. Worst  pala.
Parang nararamdaman ko kung mag tatagal pa kame sa machine nato baka lalo lang kaming mag away na dalawa.

"Mga ate.. Tapos napo ba kayo sa machine??"

Actually kanina pa talaga ang mga batang to nag hihintay at nakapila pero na Istock kame sa salitang last na to promise.Hindi naman namin alam na sobrang pag aaksayahan namin ng oras ang pesteng to. Iba  ang epekto ng machine nato. Nakakaexcite pero nakaka demonyo sa inis.

WHOS TIFFANY??! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon