CHAPTER 14: Saw us Naked

39 2 0
                                    


Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Ang sarap ng tulog ko. Ininat ko pa ang aking mga braso. Feeling ko para akong prinsesang bagong gising.

Tumingin ako sa gilid ko. Wala na sya.
Marahil pumasok na sya sa school.

T-teka?  School?

" LATE!!! NAKO!!!"  Halos maitapon ko yung maliit na orasan na nakita sa ko Side table ng kama nya.

May Long quiz kami ngayon. Hindi pwedeng hindi ako malate.

" LATE NAKO!! " Actually  7:00 talaga ang pasok ko. Pero dahil sa nabago ang schedule ginawa nalang 7:30

Pero anong oras na 7:15
Kung ganun mayroon pa akong natitirang 15 na minuto. Mabilis pa sa kidlat na bumalik ako sa aking kwarto.

" Yan! sige puro kalandian pa kase inuna ko. Imbis na matulog ng maagaPumunta akong C.R

Siguro naman okay lang kung ligong kalapati ang gagawin ko ngayon. Wala naman ang makakaalam, kahit ang totoo isat kalahating oras talaga ko naliligo.

Pinasadahan ko  ng Shampoo ang ulo ko. Mabilisan din ang pagsabon ko sa katawan pati narin sa aking mukha.

" Okay! okay! Kalma Chai. Mag babanlaw kanalang."  Asan bayung gripo.
Mabuti naman at nakapa ko agad ito.

Nag taka ako, bakit parang wala naman akong nararamdamang tubig kahit isang patak.

May naalala akong sinabi ni Yaya Teki.
Nung tinulungan nya akong linisin ang kwartong ito.

____________

" Maganda naman po dito maam Chai.
Ang kaso ngalang po walang supply ng tubig ang C.R kaya kung maliligo po kayo sa baba po. Dun po sa CR ng kusina."

_____________

", AHHHH!! yung mata ko! Yung mata ko!"  Hinde pwede to.

Kinapa ko yung tualya ko. Punulupot ko iyun sa aking katawan . Kung bababa pa ko sa kusina. Edi Gagamitin ko ang hagdan. At may posibilidad na baka madulas pa ako.

Baka nakakailang hakbang palang ang aking nagagawa dumeretso agad ako sa baba.

Umiling ako. kailangan ko umisip ng paraan. Lalo pat puro bula yung katawan ko ngayon.

ALAM KO NA!!

Mabilis pero may pag iingat akong nangapa simula kwarto ko papuntang kwarto nya. Habang tumatagal lalo nang humahapdi yung mata ko.

Kailangan ko na talagang makapag banlaw. At gagamitin ko ang banyo ng Kwarto nya.

Wala na ito pag gising ko so panigurado nakaalis na sya. Buti nalang pala hindi ko nilock yung pinto nung umalis ako. Pero medyo nahirapan parin akong buksan ito dahil sa madulas ang kamay ko.

" Asan nayun..."  Nakapasok nako ng kwarto nya  Hinahanap ko nalang kung nasaan yung pinto ng C.R Hindi ko parin kase ito kabisado.

"Ayun! pag sinuswerte ka nga naman."  So sa tingin ko pala swerte pa ako sa lagay nato?.Eh halos kapain ko na nga lahat lahat ng bagay sa paligid.

WHOS TIFFANY??! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon