Napuno ng sigawan, malakas na tugtog galing sa malalaking speaker. Makikita ang tila kulay asul na karagatan ng mga taong sinisigaw ang pangalan nila.
Banners, Lightsticks, Syntras ang makikita na hawak ng mga taong nandito. May mga naka-costumes, may mga naka Wedding Gowns at nakapang malakasang OOTD ang pormahan.
Napahinga ako nang malalim bago umupo sa designated seat namin. Fortunately ang nakuha naming seats ay meters away lang from the stage kaya kitang kita namin ang mga magiging galaw nila. Pati mga pores nila ay makikita rin, kung meron man. Napailing ako sa naiisip ko.
May kung sinong maliit na kamay ang humawak sa binti ko at nang magbaba ako ng tingin ay nakita ko ang isang cute na bata na may hawak na head dress na may mukha niya. Samantalang ganun rin ang suot ng batang ito.
"Hi baby! Sino bias mo?" Makulit kong tanong.
"chi Kenken po!" Gumuhit ang isang napakagandang ngiti sa mga labi niya nang binanggit niya kung sino ang paborito niya.
Nagulat ako ng isuot niya sakin ang hawak niyang head dress at saka ngumiti.
"You're so pretty!"
Napailing ako sa kacute-an ng bata na to.
"Jayjay!Tara na magsisimula na ang concert! Bumalik na tayo sa pwesto natin."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na tinatawag ang bata.
"Babye na po! nitatawag nako ni mommy." Kumaway siya sakin.
Nang mawala sa paningin ko ang bata ay bumalik naman ang atensyon ko sa harapan ko.
"OMGGGGG! I LOVE YOU JOSH CULLEN! ANAKAN MOKO LIMAAAAAAAA!"
Nabingi ako sa pagsigaw ng kaibigan kong si Jehan. napabuntong hininga ako habang kumukuha ng larawan. Nang hindi parin siya tumigil sa pagwawala ay tinampal ko ang balikat niya.
"Chill ka lang. Di ka naman siguro niya mapapansin dito no? Saka akala ko ba nakamoveon ka na kay Suson?" She mocking me.
Inirapan ko nalang siya at hindi pinansin. Yes, nakamoveon na ko kaya nga nandito ako para manood ng concert nila. To prove to myself na kaya ko na siyang makita.
Im quite proud sa narating niya sa buhay, may pinatunguhan rin pala ang pag-iwan ko sa kanya noon.
Bumalik ang kaluluwa ko nang lumabas mula sa backstage ang manager nila na si Ate Rappl.
Mas lumakas naman ang sigawan sa buong stadium. Ipinagpatuloy ko lang ang pagclick ng camera ko.
"Wazzup A'tiiiiiiiiin!!!!!" Sigaw niya na nagpabuhay sa crowd.
"Alam kong sobrang miss niyo na sila, kaya't wag na nating patagalin pa! Get get ready for the Kings of PPOP, S B 19!!!!!!"Kung kanina ay sobrang ingay na, ngayon naman ay tila magigiba na ang buong lugar sa lakas ng sigawan ng lahat.
Lalo na nang tumugtog ang kanta nilang Alab. At ilang sandali pa ay lumabas na ang limang lalaking pinakaantay ng lahat.
Nakisabay na rin kami sa fanchant kasabay ng pag-peperform nila.At nang matapos sila magperform ay lumapit sila nang kaunti. Bigla akong kinabahan na baka makita niya ako.
" Get in the zone, Break!"
"Hi we are, SB19!"
Nang matapos ang intro ay nagpakilala sila isa-isa.
"Hi A'tin!!!! Kumain na ba kayooooooo? Ako nga pala ang Heavenly Voice ng SB19. My name is Stell."
"Hello po sa inyong lahat, I'm the youngest member of SB19, My name is Justin."
"Wazzup A'tiiiiiiin!! I'm the most Charismatic member of SB19,I'm Jo(a)sh."
YOU ARE READING
Sound Break Imagines
FanfictionHere's the oneshot stories of my beloved boys. This is my daydreams about them. Expect this stories will make your heart ache and i will apologized for that. I hope you'll enjoy the stories and don't forget to stan them!