BIRTHDAY GIFT

59 2 0
                                    

"Lord, sana po kung hindi para sakin si Josh. Ako nalang po yung para sa kanya."

"Ayy mali, kung hindi man po siya para sakin pwede ko po ba pilitin?"

Pagbibigyan kaya ako ni Lord? Sana naman may mangyareng himala tapos kami pala talaga ni Josh yung nakatadhana para sa isa't isa. Yung tipong sa Concert nila makikita niya ko mula sa audience tapos mala-love at first sight siya sakin tapos aayain niya ko sa stage tapos tatanungin niya ko kung pwede niya ba kong maging girlfriend siyempre naman sasagutin ko siya agad tapos magiging kami tapos magkiki-

"Ms. Valencia nakikinig ka ba? Kanina kapa nakatulala jan sa bintana." Naputol ang pagdeday dream ko nang mapansin ako ng professor ko. Panira naman to si Ma'am eh magkikiss na kami ng bias ko eh.

"Ms. Valencia nakikinig ka ba?!" Medyo napataas ang boses niya kaya natauhan ako.

"Y-yes Miss! Nakikinig po ako!" Nakita kong nakakunot ang noo niya sa akin.

"Hayy nako Miss, nangangarap na naman po yan ng future nila ni Josh yung pandak sa Sbulok 19 HAHAHAHAHA" Pinaningkitan ko si Rod, ang bespren ko. Dakilang basher talaga tong lalaking to.

"Yun ba yung mga nagfefeeling koryano? HAHAHAHAHAHA eh ampapanget naman lalo na yung Sejun HAHAHAHAHA" Nag init ang dugo ko dahil narinig ko. Kaya tumayo ako at hinampas ang desk.

"ANONG SABI MO?! WAG NA WAG MO MINAMALIIT ANG SB19 SA HARAP KO AH!" Naghuhumintado kong sigaw sa kanila. Natauhan lang ako nang biglang tumikhim ang prof ko.

"You two! Get out of my Class!" Duro niya sa aming dalawa. Magpapaliwanag pa sana ko ang kaso ay hinagis niya sa labas yung bag ko na SB19 design, pinacostumized pa ni Papa yun dahil regalo niya noong bday ko.Mabuti nalang at nakazipper kung hindi ay magkakalat ang mga gamit ko rito.

"Hayy pambihira naman nadamay pa ko sayo Jen! Bakit kase sa klase ka nananaginip eh!" Reklamo ni Rod habang nakabuntot sakin. Papunta ko ngayon ng garden para doon magpalipas oras. Hindi ko siya kinakausap. Kasalanan mo naman kung bakit tayo napalabas eh!

Nagdire-diretso lang ako ng lakad.

"Hoy Oo nga pala Nget, malapit na birthday mo ah." Naramdaman kong umakbay niya sakin.

"Oh bakit? May ireregalo ka ba sakin?" Pataray na tanong ko. Narating na namain ang garden at naupo ako sa isa sa mga swing na naroon. Kasunod ko ay umupo na rin siya.

"Ano ba gusto mo?" Napatigil ako sa pagbabasa at hinarap siya.

"Si Josh ang gusto ko Rod, si Josh." As if naman na maibibigay niya sa akin si Josh. Nangingilid na ang luha ko. Bakit kase naging fan lang ako eh, bakit hindi pwedeng magkatuluyan ang isang Idol at fan? Yun lang naman ang hiling ko eh.

"Ampanget mo umiyak! Saka imposible naman ng hinihingi mo eh!" Tinuyo niya ang luha ko gamit ang thumb niya.

"Edi wag ka magbigay ng regalo!" Singhal ko sa kanya. Imbis na mainis ay nangingiting napailing siya. Sanay na siya sakin dahil sa kanya ko lagi kinikwento yung mga daydeams ko about sa SB19, about kay Josh.

Hnggggggg!

Hnggggggg!

Hnggggggg!

Nagising ako dahil sa sobrang ingay ng cellphone ko. Iminulat ko ang isang mata ko at pinatay ang alarm. Napatitig ako sa wallpaper ko. Picture siya ni Josh na nakapout, super cute niya talaga tapos kamukha niya si Snow doon sa A Secret Life of Pet na palabas.

Sound Break ImaginesWhere stories live. Discover now