"Ma,nasa bahay na po tayo"Naramdaman ko na huminto na ang sasakyan. Nagmulat ako ng aking mata at nakita ko na nakarating na pala kami sa dating bahay namin.
Inalalayan naman ako ng aking nag-iisang anak na babae. Si Jasmin, napakagandang bata lalo na kapag ngumingiti siya dahil kitang kita ang kanyang gilagid.
Nang makapasok kami sa loob ay inalalayan niya ko paupo sa sofa.
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi at tila nahihiya.
"Jasmin anak, kung ano man ang nais mong sabihin ay wag mo nang ituloy hija."
Humaba naman ang nguso niya na tila nagtatampo. Itong anak ko talaga, may asawa't anak na ay naglalambing parin.
"Sige na Hija, ilabas mo na yang nais mong sabihin."
Nagliwanag naman ang mukha niya na ikinailing ko. Itong batang ito talaga.
Napakamot siya sa ulo at tila nahihiya na akala mo ay dalagita parin."Knock knock!"
I rolled my eyes.
"Mama!" Singhal niya na ikinatuwa ko.
"Sige na, who's there?"
Napabuntong hininga ko. Ngumiti naman siya nang nakakaloko.
"Kulot!"
"Kulot who?"
Initaas niya ang dalawang kamay bago siya kumanta.
"Kulot open,kulot open!"
Sa pagkakataon ito ay napatigil ako at napangiti lamang sa mga ngiti niya. Ang mga ngiting katulad na katulad nang sa lalaking minahal ko noon.
"Sorry ma, Alam kong corny pero gusto ko lang kayong patawanin." Isinubsob niya ang mukha niya sa mga bisig ko na parang bata.
"Naalala ko lang ang tatay mo, ganyan din siya kacorny noong kasikatan niya.at yang ngiti mo na kita gilagid?yan ang nagpapakilig sakin noon. Namimiss ko na siya." Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Napailing nalang siya bago pinunasan ang mga luha ko.
"Ma, baka nakakalimutan mo po na hindi yung ultimate crush niyo noon ang tatay ko. Hanggang ngayon pa rin ay pinagpapantasyahan mo parin si Justin De Dios"
Napahinga ko nang malalim at natigilan sa sinabi ni Jasmin. Tama siya, hindi nga pala di Jah ang aking napangasawa. Hanggang ngayon ay mahal ko parin ang lalaking may napakagandang ngiti.
Tagahanga mo lang talaga ko sa loob ng maraming taon. Kahit kailan ay hindi mo ako magugustuhan dahil hindi tayo nagkatagpo. Lagi lang ako nakatanaw sayo mula sa malayo.
Pinagmamasdan ka hanggang sa mahanap mo na ang babaeng minamahal ngayon.
Nakapag-asawa man ako ay hindi nawala sa puso ko ang pagmamahal ko sayo. At ngayong maputi na ang lahat ng buhok ko at uugod-ugod na ko ay kinikilig parin ako kapag naiisip kita.
Kahit na karamihan sa mga jokes mo ay sadyang napaka-corny."Ma, totoo nga yung sinabi ng papa noon, na kahit kasal na kayo at naipanganak nako ay hindi parin niya mapapantayan ang pagmamahal niyo kay Justin De Dios." Napatango ako. Maging ang aking yumaong asawa ay naging saksi kung gaano ako kabaliw sa grupong kinabibilangan niya noon.
May kinuha akong maliit na larawan na matagal nang nakaipit sa aking pitaka. Larawan namin ni Justin noong nagpunta ako sa isang event nila at maswerteng nakapagpa-picture sa kanya. Bumuhos ang aking mga luha nang yakapin ko ang larawan na iyon.
"Hanggang sa huli ay ikaw parin ang mahal ko."
YOU ARE READING
Sound Break Imagines
FanfictionHere's the oneshot stories of my beloved boys. This is my daydreams about them. Expect this stories will make your heart ache and i will apologized for that. I hope you'll enjoy the stories and don't forget to stan them!