" Ate, hindi ko akalain na ikakasal ka na. Parang dati lang ang sabi mo sa akin ay kung hindi lang si Ken ang mapapangasawa mo ay mabuti pa na tumanda kang dalaga." Nanunudyong sabi niya.
Napailing ako, ikakasal na ko ilang araw mula ngayon. Ngunit tila kasalungat iyon ng nararamdaman ko, dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay bubuo na ko ng aking sariling pamilya.
Nang buksan ko ang aking kabinet ay may nakita akong isang box. Nang abutin ko iyon ay bahagya kong pinagpagan dahil sa alikabok na bumabalot rito. Nang mabuksan ko iyon ay nakita ko ang mga bagay na nagpapaalala ng napakaganda kong kabataan. Lightstick, PostCards, Headdress na may mukha ng grupong hinahangaan ko noon. Umagaw sa atensyon ko ang isang kwintas na nakalagay sa isang maliit na bag, nang ilabas ko ang kwintas ay napansin ko ang pendant nito, Isang singsing. Hindi ko maintindihan kung bakit tila bumuhos ang luha ko nang hawakan ko iyon. Naalala ko ang pangako namin sa isa't-isa, Naalala ko yung mga panahon na sobrang mahal na mahal ko pa siya. Kahit na ngayon na may iba ng laman ang puso ko ay hindi parin maalis sa isip ko kung paano napunta sa akin ang singsing na ito.
Ngayong araw ay may gaganapin na Fansigning event ang mga asawa ko! Sobrang Excited na ko makita nang malapitan si Ken, My Langga. Kinikilig ako habang iniisip ang mga mangyayare mamaya. This is my last chance, baka kase hindi ko na ulit siya malapitan kapag nagsimula na ang world tour nila.
" Autumn tara na, baka malate pa tayo sa kasal namin ni Justin!!" Malanding sabi ni Winter, My Bestfriend. Siya ang kasama ko papunta doon sa event. Hindi ko mapigilang tumingin sa salamin, Ang ganda mo na Autumn, panigurado mafafall sayo si Ken Suson! Sinampal ko ang sarili sa naiisip ko. Malalate na kayo nagde-daydream ka pa.
"Ito na palabas nako!"
Sigaw ko habang kinukuha ang mga regalong ibibigay ko sa kanila. Nang makalabas ng kwarto ay nagpaalam ako kina Mama at Dada.
Isang oras lang naman ang biyahe kaya naman hindi kami nahuli sa event pero marami na ring mga fans ang naroon na. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang program. Tinawag ng emcee ang grupo upang magperform ng ilan sa mga awitin nila. Hindi naman magkamayaw ang tilian sa buong lugar.
Nang matapos ang kanilang Mini Concert at ang ilang palaro na nanalo ako ng Merchandise at ilang freebies. Pareho naman kami ni Winter na tuwang tuwa. This is it! Makakausap ko na sila nang malapitan. Kaya naman pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang excitement.
"OMGGGG! FEELING KO HIHIMATYIN AKO KAPAG NGINITIAN AKO NI JUSTIN! AAAAAAAAAAAHHHHHH!!"
Iskandalong sigaw niya. Nang mapansin ko na medyo naiirita na yung mga kasunod namin sa pila ay kinurot ko siya. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa babaeng nasa unahan ko. Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang kagwapuhan nila lalo na si Ken! From that Cupid's Arrow lips, that Hawk eyes at siyempre his cute gestures.
" Hi Miss!" Nagulat ako nang tawagin ako ni Stell. Kaagad naman akong umakyat at ibinigay ang mga regalo ko sa kanila.
At nang tumapat nako kay Ken ay hindi ko mapigilan na kabahan.
"Hi Langga!" Bati niya.
Hindi ko mapigilan na umiyak sa harapan niya. Damn! I'm now talking to the man i love!"Hala!Shhhhh! Tahan na." Alo niya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"T-this i-is my Gift." Sabi ko at saka iniabot ang regalo.
Hindi parin tumitigil ang pag iyak ko kaya naman pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. Napatingin naman si Josh sa gawi namin at sumenyas na ngumiti.
"K-ken w-will you marry me?" Buong tapang na tinanong ko siya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ahhm, i can't marry you now." Panimula niya.
Hinubad niya ang isang singsing sa darili niya at isinuot ito sa aking daliri. Nagtatakang tumingin ako sa kanya."Ganito nalang, after 10 years at ako parin ang gusto mo pakakasalan kita. I will find you after Ten years." Hinawakan niya ang kamay ko.
"It's a rare kind of ring dahil pinasadya ko yan. Kaya naman mahahanap kita dahil sa singsing na yan. Wag ka mag- alala, tutuparin ko ang pangako ko." Ngumiti ako at saka niyakap siya nang mahigpit. Bago ako magpaalam.
"Mag-iingat ka ahh, pakakasalan pa kita! Wait for me ahh?" Kumaway ako sa kanya.
Yes Langga, hihintayin kita........
Nang magbalik ang alaala ko tungkol sa singsing na ito ay hindi ko mapigilan na masaktan. Sorry Ken hindi ko natupad ang pangako ko, Hindi na kita nahintay.
Naisip kong makipagkita kay Winter upang pag usapan ang nalalapit kong kasal kay Felix. Makikipagkita ako sa kanya sa isang Café.
Nang marating ko ang meeting place namin ay wala pa siya kaya naisip ko na umorder muna ng makakain. Nagtungo ako sa counter."One Caramel Coffee."
"Ok po Ma'am."
After she asked me about my order ay gumilid ako para naman makaorder ang kasunod ko sa pila.
"A regular coffee at pakidagdagan ng asukal."
T-that voice! Isa lang ang kilala ko na may ganyang boses. I can't be wrong.
Nang tingnan ko kung sino yung lalaking nagsalita ay laking gulat ko nang makita siya. It's him! Si Ken Suson!"K-Ken Suson?" Tinawag ko ang pangalan niya at kaagad siyang lumingon.
"Familiar ka sakin, A'tin?" Tanong niya.
Tumango naman ako at ipinakita ang kwintas na suot ko.
"Did you still remember me?" Natulala siya nang makita ang singsing na nakasabit sa kwintas.
"It's you... That girl."
Sabi niya. Inaya niya akong umupo sa isang table para makapag-usap kami.Napabuntong hininga ko, for closure.
"How are you? Alam mo ba hinanap talaga kita. It's been Ten years ago."
I smiled bitterly."Yes, sabi mo pakakasalan mo ko after 10 years."
He laughed a little. Then he looked straight into my eyes."How are you? Can i fulfill my promise?"
Sa tanong niyang iyon ay tuluyang bumuhos ang luhang iniingatan kong wag tumulo. I clear my throat before i speak.
"I-im s-sorry Ken, I-im getting married with someone." Natigilan naman siya, i can clearly see a glitch of sadness in his eyes.
"I'm I late?"
Kaagad akong umiling.
"I fell in love with him while I'm waiting for you." Tila basag na ang boses ko."I understand. Medyo nanghinayang lang ako." He smiled at me.
" Ibabalik ko na sayo itong singsing, there is someone na deserving para jan." I gave him the ring and he immediately wear it.
"Pwede bang pumunta sa kasal mo?" Tanong niya.
"No please, baka hindi ko kayaning maglakad papunta sa kanya kapag nakita kita. Baka maglakad lang ako papunta sayo." I cried again, " I've been inlove with for a long time at siya hinintay niya ko.. Until i realized that i love him too."
Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumingin sa kanya.
"Thank you Ken, Kasi naging bahagi kayo ng buhay ko. I think i just need to have a closure for you." He nodded." Ipapadala nalang naming lima yung regalo namin sayo, thank you rin sa pagmamahal mo sakin, Sa grupo namin. Dahil sa inyong A'tin nagbago ang buhay namin at habangbuhay naming utang na loob sa inyo yun. Masaya ko na nahanap mo na ang lalaking para sayo. Kahit hindi man ako yun pero masaya ko." Niyakap niya ako. This is really a goodbye.
"Basta ahh, ninong kaming lima?" Napatawa naman ako at kaagad tumango.
"Mauna nako ahh, i have some important things to do." Kumaway siya bago lumabas ng Café.
Huminga ako ng malalim.
" Maybe in the next life Ken, until we meet again."
YOU ARE READING
Sound Break Imagines
FanfictionHere's the oneshot stories of my beloved boys. This is my daydreams about them. Expect this stories will make your heart ache and i will apologized for that. I hope you'll enjoy the stories and don't forget to stan them!