Beauty Health Tips Part 1~

5.7K 60 6
                                    

GOT PIMPLE? 

Katialis - Effective 'to sakin pampaliit ng pimple. Magpepeel sya kapag medyo matagal mo ng gamit pero minsan nangingitim e so better use Sebo De Macho.

Bioderm - Mas prefer ko 'to. Hindi sya ganong harsh sa skin at ok ang amoy.

Toothpaste - Marami nagsasabi na di raw effective 'to. Well depende yan sa type of skin mo. Baka naman singkapal ng encyclopedia yang balat mo kaya ganun. Bale lagyan mo mismo yung pimple mo, wag na wag mo papatagalin yun bhe. 5-30mins is enough.

SUFFERING FROM ROUGH AND DRY SKIN?

Baby Bath - Any baby bath body wash product gamit kayo. Sabihin na nilang pababy ka pero ayos lang yun at least gaganda skin mo. 

Petroleum Jelly - Proven safe and effective na 'to saka mura pa. Alam nyo na procedure nyan. 

Skin Softener - Mas ok kung gagamit kayo ng skin softener na mabango para double benefit. 

WANT TO HAVE A SHINY AND SOFT HAIR?

Mayonnaise - Ok 'to pampa-shiny ng hair. Pero kung may color hair mo tulad ko, mas marami dapat moisturizer mo sa hair.

Coconut Milk - I do not prefer using this one kasi hirap magbanlaw ng hair kapag tapos ibabad e. Pero natry ko na, ok naman sya.

SUFFERING FROM CHAPPED AND DRY LIPS?

Petroleum Jelly - Once again. Eto talaga hindi pwedeng mawala sakin e. Since hindi ako nagmemake-up, eto lang mas nagagamit ko. Lagay kayo overnight. Yun promise ookay yan.

Chapstick - Kahit di ako nagmemake-up, marami akong alam na beauty products. Isa na 'tong chapstick sa pinagkakatiwalaan ko. Hindi ako mahilig maglagay ng kung ano sa lips e kaya kahit meron ako nito, di ko nagagamit.  Pero girls, etong chapstick gamitin nyo. Yung lip balm product nila, guaranteed bhe :3

UNEVEN BODY SKIN COLOR?

Kojie San - Hindi ko alam kung effective to sa iba. You know It'll took so long para makita result since kulay mo na usapan dito.

Whitening Lotion - Any whitening lotion will do. Basta regular ka gagamit. Mula ulo hanggang paa.

Whitening Soap - Any whitening soap. Pero usually hindi effective e lalo na kung miminsan ka lang liligo. Hahaha. Peace bro!

R A N D O M ~

Moisturizer - Maglagay ka nyan every night lang. Mas marami, much better. Kung sa umaga mo balak maglagay nyan, make sure na hindi ka pupunta sa polluted place kung ayaw mong kumapit sa mukha mo ang mga dirtness. Sa umaga, day cream na lang gamitin mo like Garnier.

Shampoo - Sa shampoo naman, mas ok kung thrice o twice lang kayo mag-shampoo tapos wag nyo directly ilagay ung shampoo sa hair nyo. Nakakadry kasi ang ibang shampoo e. Pabulain nyo muna sa tabo kung de tabo, or sa kamay na lang pabulain nyo muna tas ayun saka nyo na lagay sa hair nyo.

Sleep/Rest - Matulog ka, wag ka magpuyat kakabasa dito sa wattpad.

Calamansi/Lemon - Alam nyo very helpful 'to e kapag tinuloy-tuloy nyo lang. Kung ano gusto nyo paputiin, eto gamitin nyo. 

Lemon - Cut nyo yung lemon into a half tas parang gawin nyo syang brush sa nails nyo para maging soft. Pwede ring orange pero ayaw ko kasi ng orange kaya I suggest na lemon na lang.

** Ugh so many redirects!

Beauty Health Tips~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon