Madilim na sa buong paligid at tanging mga ilaw lang sa poste ang nagbibigay liwanag kung nasaan ako nakaupo. Alas onse na ng gabi ngunit wala pa rin ang mga tarantadong kaibigan ko.
Mga pader na puno ng vandalism ang nasa paligid ko. Trip daw ng mga kasamahan ko na lagyan ng pintura iyon para malaman ng ibang grupo na teritoryo namin ito. Mukhang hindi naman maaagaw ang lugar na ito. Sino ang magkaka-interes sa bakanteng lote na puno ng bubog, upos ng sigarilyo, tunaw na kandila at aluminum foil? Ipaglalaban ko ang lugar na ito kung may nakatagong kayamanan dito.
Pero wala naman akong mapapala rito!
Paulit-ulit akong napapabuga ng hangin. Usapan kasi namin na magkikita kami sa lugar na ito para sa 'ubas' na binili nila kay Panchito.
Napansin ko ang mga anino ng tao na papalapit sa direksyon ko.
Andiyan na ang mga gago!
"Renz Romero, ang ganda ng bukaka mo diyan ah!" bungad sa akin ni Panchito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lupa. "Tang-ina niyo! Kung ano-ano na ang posisyong ginawa ko rito kakahintay sa inyo. Kulang na lang tumuwad ako!" sigaw ko.
Ilang oras akong pinaghintay ng mga ungas na ito tapos ang isasalubong sa akin ay pang-iinsulto. Kung hindi ko lang kaibigan ang mga ito, matagal na akong nakapatay ng tao!
Inabot sa akin ni Mac ang dala niyang 'ubas'. Kinuha ko iyon upang ilagay sa bulsa. Pero hindi ko pa iyon nahahawakan nang sumigaw ang isa sa kasamahan namin.
"Paparating dito ang grupo nina Tiklo! Anong gagawin natin?!"
Mabilis kong tinago ang shabu sa bulsa ko at tumingin sa malayo.
"Tang-ina! Hindi lang ang grupo ni Tiklo 'yan! Hinahabol din sila ng mga tanod! Tumakbo na rin kayo mga gago!" utos ko sa kanila.
Nagsitakbuhan kami agad. Mahirap na at baka maabutan kami ng mga tanod na iyon. Matagal na kaming hina-hunting ng mga loko pero nakakatakas lang kami sa mga ito.
Kami pa ba? Kilala ang grupo namin sa bilis ng pagtakbo.
Lumiko ako sa makitid na eskinita at tinago ang sarili sa gilid ng basurahan. Maling puwesto ata ang pinagtaguan ko.
Sari-saring amoy ang nandito—bulok na daga, panis na pagkain at dumi ng hayop.
Halos tumuwad na ako sa puwesto para lang maitago ang sarili sa maliit na basurahan dito.
"Nandoon sila!"
Huminga ako nang malalim nang makita kong nakalagpas na ang mga tanod sa eskinita na ito. Mahihinang pag-pito at mga yabag na lang ang naririnig ko.
Nakalayo na ata ang mga gago!
Napalingon ako sa likod nang makarinig ng kalampag. Napaatras ako, may babaeng nakakulay puti ang nakapuwesto sa pinakasulok.
"Sino ka?!" nauutal na tanong ko. Hindi ako takot. Seryoso. Nagulat lang talaga ako.
Palapit ang babaeng nakaputi sa direksyon ko. Tanging ang puting damit lang ang naaaninag ko dahil sa dilim sa puwesto namin.
Hindi klaro ang imahe ng mukha nito."Tang-ina, sino ka?!" sigaw ko upang takutin ang babae.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at binuksan ang flashlight. Tinapat ko iyon sa direksyon niya.
Pareho kaming napasigaw nang tutukan namin ng flashlight ang isa't isa.
"Patayin mo 'yang flashlight mo!"
Agad namang pinatay ng babae ang flashlight kaya ang cellphone ko na lang ang umiilaw.
Doon ko nakita ang mukha niya.
Magandang bebot na nakasuot ng puting dress. Nakalugay ito at maamo ang mukha na nakatingin sa akin. Kahit lumilitaw ang ganda ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang luha sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
I Want a Baby
Romance"Gusto ko lang ng baby." Iyon na ata ang pinakamasakit na salitang narinig niya. Masakit malaman na iba ang 'mahal' ng mahal mo, pero para kay Renz, mas masakit din palang malaman na iba ang 'gusto' ng mahal mo.