Isang buwan ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon. Hindi ko na muling nakita pa si Abby, wala na akong balita sa kaniya.
Gustong-gusto ko siyang makita para sabihin sa kaniya na 'sana' ay manatili na lang siya sa akin. Hindi ko naman alam kung saang lupalop ko ito matatagpuan.
Nakabili ako ng sariling tricycle sa binigay niyang pera. Kaysa naman masayang, bakit hindi ko na lang gamitin para mabuhay ako. Nabili ko na rin ang bakanteng lote na kinatatayuan ng bahay ko at paunti-unti iyong inaayos. Kumikita naman ako kahit papano sa pamamasada kaya malaki-laking tulong talaga ang perang binigay ni Abby.
"Renz, asensado ka na talaga ah," panunuya ni Panchito. Nakasakay siya sa tricycle ko.
Nagpatuloy ako sa pagpapatakbo ng tricycle. Simula kasi nang umalis si Abby at nang magkaroon ako ng pera, umiwas na rin ako sa mga tropa ko. Hindi naman sobrang iwas na iwas, nakikisama pa rin ako sa kanila pero hindi sa mga kalokohan nila sa buhay.
"Nasa'n na pala 'yong chix mo? Noong nakaraang buwan may nakita akong babae na lumabas sa bahay mo ah."
"Ulol! 'Di ko 'yon chix."
"Napansin namin na parang iniiwasan mo na kami. May problema ba?"
"Wala naman," sagot ko kay Panchito na pasilip-silip sa dinadaanan namin. Nasa loob kasi siya ng sidecar umupo.
"Tandaan mo, wala ng pag-asa sa mga katulad natin. Pinanganak tayong kriminal, mamamatay rin tayong kriminal." Kinalabit ako nito at saka bumulong, "Kung kailangan mo ng ubas, marami ako."
Bumaba si Panchito sa Beer house. Iyon ang palaging tambayan ng grupo namin. Niyaya pa ako ng mga ito na sumama sa kanila pero tumanggi ako. Masiyado akong napagod sa pamamasada kaya gusto ko nang umuwi para makapag-pahinga.
Pagabi na nang dumating ako sa bahay. Kaunti pa lang ang pagbabago ng bahay na iyon dahil pader pa lang ang inaayos ko. Paunti-unti lang ang pagpapagawa ko doon dahil hindi naman kaya ng kita ko ang full reconstruction. Kahit papano ay gumanda naman iyon.
Gusto ko kasing maging sementado ang bahay ko para mas maging matibay hindi katulad dati na kaunting galaw lang ng pinto ay gagalaw na rin ang mga dingding. Ayoko rin na may awang at butas kasi pakiramdam ko ay may sumisilip mula sa labas.
Palapit pa lang ako sa pinto nang matanaw ko ang isang babae na nakatalikod. Nakaramdam ako ng kaba habang paunti-unting lumalapit sa babaeng iyon.
Humarap ito nang makalapit ako. Ang maamong mukha ni Abby ang bumungad sa akin.
"Abby," sabi ko at hindi makapaniwala na nasa harap ko talaga siya ngayon. Hindi ko akalain na magtatagpo kami muli.
"Renz." Garalgal ang boses nito at maluha-luha ang mga mata.
Nagulat ako nang bigla na lang ako nitong yakapin. Umiiyak siya habang mahigpit na nakakapit sa damit ko.
Masaya ako na makita ko siya pero hindi sa ganitong sitwasyon. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.
Hinawakan ko ang likod niya para pakalmahin siya.
"Hindi ako buntis," sabi nito habang patuloy sa pag-iyak.
Hindi pa rin pala nito inaalis ang ang kagustuhan nitong magkaroon ng anak. Tang-ina naman kasi ng asawa niya! Anong ginagawa nito? Wala ba itong alam sa 'sex'? Bakit hindi nito gawin ang pagkukulang sa asawa nang hindi sa akin pumupunta si Abby.
Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo siya sa papag.
"Subukan ulit natin," sabi ko at hinawakan ang baba niya. Masuyo ko siyang hinalikan at hiniga sa papag. Nagpaubaya naman ito sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
I Want a Baby
Romance"Gusto ko lang ng baby." Iyon na ata ang pinakamasakit na salitang narinig niya. Masakit malaman na iba ang 'mahal' ng mahal mo, pero para kay Renz, mas masakit din palang malaman na iba ang 'gusto' ng mahal mo.