Part 2

171 37 15
                                    

Natulog ako sa sahig samantalang si Abby ang nakahiga sa papag. Dahil sa hindi inaasahang bisita ay napilitan akong humiga sa sahig at ang mas malala pa ay wala pang sapin.

Malay ko ba. Sa isang taon na tinira ko rito ay hindi pa ako nagkakaroon ng bisita kaya pati kumot at unan ay pang-isahang tao lang.

Hindi naman puwedeng sa sahig ko siya pahigain o kaya naman tabihan ko siya. Kahit na gago ako, marunong naman akong rumespeto.

Sumilip ako sa labas. Madilim pa. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas singko pa lang.

Napahinga ako nang malalim. Tang-ina! Ano ang ipapakain ko sa kaniya? Pamalit nga sa di-keypad at basag kong cellphone ay wala ako, pati na rin sarili kong pagkain wala rin. Paano pa kaya ang pagpapakain sa ibang tao?

Bumangon si Abby at nag-unat. Tumingin ito sa akin.

"Good morning," nakangiting bati nito.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero walang-hiya! Ang bilis ng tibok ng puso ko nang ngitian niya ako.

"Kailan ka uuwi sa inyo?" tanong ko na ikinayuko nito.

"Ayoko pa umuwi."

"Ano? Ba't 'di ka uuwi? Hindi ka puwedeng magtagal dito. Paano kung may naghahanap pala sa 'yo. Mamaya niyan mapagkamalan pa akong kidnapper mo."

"Hindi ako aalis hangga't wala akong baby."

Napanganga ako. Seryoso talaga ang babaeng ito sa sinabi niya kagabi. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nitong magkaanak pero maluha-luha na naman ang mata nito.

"Bakit ba gustong-gusto mong magkaroon ng baby?"

Nagbaba ako ng tingin sa singsing nito sa daliri.

"Kasal ka na ba?" wala sa sarili kong tanong. Ewan ko ba parang bigla ko na lang gustong malaman ang buhay niya.

Ngiti lang ang sinagot ni Abby sa akin. Sapat na para maalis niya ang mga tanong sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nitong magkaanak? Pero isa lang ang aaminin ko sa sarili. Gusto ko na ang babaeng ito.

Mabilis na kung mabilis. Wala naman akong magagawa kung mabilis magmahal ang tulad ko. Tigasin ako pero malambot naman ang puso.

Wala akong pakialam kung takas pa ito sa mental o may asawa na. Tang-ina! Basta gusto ko na talaga siya.

"Bakit ako pa? Ang dami-dami namang ibang lalaki diyan. Bakit sa 'kin pa? At isa pa, kapag nabuntis ka at nanganak, wala akong maipapakain sa inyo."

"Baby lang ang gusto ko."

Anong ibig niyang sabihin? Kapag binigyan ko siya ng anak ay iyon na? Wala ng usap-usap? Alisan na? Ayawan na? Tang-ina ano ba ang tingin niya sa akin? Taga-bigay lang ng anak?

Hindi ko alam kung bakit sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Siguro nahihibang lang ako para isipin na magkakaroon ako ng masayang pamilya na may magandang asawa at anak. Puta! Pamilya nga namin ay impiyerno na. Aasa pa ba ako na magkakaroon ako noon? Baka maipasa lang ng mga magulang ko ang sumpa na iyon sa akin.

"Please."

Ito na naman ang nagmamakaawa niyang mata. Hindi naman mahirap ang pinapagawa niya sa akin. Sa katunayan, kahit sinong lalaki na makasama ni Abby ay titigasan din dahil sa taglay nitong alindog. Sexy ito sa sarili nitong paraan. Makinis at maputi, may mapupulang labi na masarap halikan.

Bagay na bagay ang puti nitong dress sa kaniyang katawan. Hindi maluwang at hindi rin masikip. Tama lang para makita ang mala-bote nitong katawan.

Napaatras ako nang bigla nitong tanggalin ang tali sa likod ng dress. Binaba rin nito ang zipper sa likod.

I Want a BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon