PART 4

209 34 16
                                    

Matapos ang nangyaring iyon ay wala na naman akong naging balita kay Abby. Hinuli kasi ako ng mga pulis dahil sa ginawa kong pananaksak kay Panchito—buhay pa naman ito.

Pero dahil napatunayan naman na ito ang unang nagsimula ay naabsuwelto rin ako sa kaso.

Ilang buwan akong nakulong. Walang dumalaw na pamilya o kakilala. Wala na rin akong alam kung ano na ang nangyari kay Abby sa hospital. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba ito o wala na.

"Tang—"

Noong nasa loob ako ng kulungan ay nakakadalo ako sa Sunday service doon. Nakakarinig ako ng mga aral mula sa bibliya.

Tumayo ako sa papag at kumuha ng tubig.

Napakabilis ng panahon at napakarami na ring mga nangyari. Nabalitaan ko na nahuli ng mga pulis sina Panchito at ang ilan pa naming kasamahan sa drug raid. Hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin sila. Marahil kung sumasama pa rin ako sa mga ilegal na gawain nila ay baka mas matagal pa ang ilalagi ko sa kulungan.

"Renz."

Lumingon ako sa pintuan at muntik ko nang mabuga ang tubig sa bibig nang makita na nakatayo si Abby roon.

"Abby, kumusta?"

Lumapit ako sa kaniya.

Nang nasa tapat na niya ako ay bigla na lang akong niyakap nito. Katulad ng dati naming tagpo ay maluha-luha na naman ang mata nito. "Nakunan ako."

Gumagalaw ang balikat nito habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ko. Nabasa ang suot kong damit.

"Renz, gusto ko ng baby."

Huminga ako nang malalim at hinawakan siya sa baba. "Sabi ko naman sa 'yo, kahit ilang beses pa nating ulitin ay ayos lang sa akin."

Masuyo ko siyang hinalikan habang tinutulak pasara ang pinto. Nang tuluyan na iyong masarado ay binuhat ko siya at hiniga sa papag. "Bibigyan kita ng baby," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Matapos ang pinagsaluhan naming iyon ay niyakap niya ako. Pareho kaming walang pakialam sa aming kahubaran. Nakita ko ang mga ngiti sa mukha niya.

Masaya na rin ako kapag nakita kong masaya siya.

"Renz, mahal mo pa rin ba ako?"

"Ta—tinatanong pa ba 'yan. Oo, mahal kita Abby kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya ka."

Bumangon si Abby. "Renz, mahal din kita...kaso hindi tayo puwede."

Niyakap ko siya mula sa likod. "Alam ko naman na hindi tayo puwede. Kaya sa ganitong paraan ko na lang ipapakita ang pagmamahal ko."

Hinarap niya ang mukha niya sa akin kaya masuyo ko siyang hinalikan.

Lumipas na naman ang isang buwan nang bumalik si Abby sa bahay ko. Nakangiti itong sumalubong sa akin at binalitang buntis na siya.

Ngumiti ako. Sa wakas ay makukuha niya na talaga ang matagal niya nang pinapangarap. Magkakaroon na siya ng anak.

"Rez, salamat."

Tumango ako bago ngumiti sa kaniya. Tanggap ko na ang lahat. Hinanda ko na ang sarili na mangyayari iyon.

Tatlong taon na ang lumipas. Tuluyan na ngang hindi nagpakita sa akin si Abby. Marahil masaya na ito. Marahil ang saya-saya na nilang pamilya dahil sa wakas ay buo na sila.

Linggo ng tanghali at kasalukuyan akong namamasada nang may isang bata ang tumawid sa kalsada. Nadapa ito.

Nasa tapat ako ng Virgen Church kaya dagsaan din ang mga tumatawid na tao. Pauwi na kasi ang mga taong galing sa simbahan.

"Abby!"

Napahinto ako para hindi ko masagasaan ang batang iyon.

Lumapit ang matandang mag-asawa sa bata at tinulungan iyong tumayo.

"Abby, apo! Huwag kang lalayo kay lolo at lola."

Binuhat ng matandang babae ang bata. Kulay puti na dress ang suot ng bata. May suot itong kuwintas na may singsing.

Napaturo ako sa singsing na ginawang kuwintas. Suot iyon ng batang babae na 'Abby' rin ang pangalan.

Ginilid ko ang tricycle at lumingon muli sa tatlo.

"Kanino ho ang singsing na 'yan?" tanong ko sa matandang lalaki at tinuro muli ang singsing.

"Ah 'yan ba? Sa mommy niya 'yan."

"Nasa'n na ho ang mommy niya?" tanong ko muli.

Yumuko ang dalawang matanda. "Patay na."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nila.

"Nakakagulat din sa aming mga magulang niya. Napakabait ng batang iyon. Nilihim nito sa amin na may taning na pala ang buhay nito," kuwento ng matandang lalaki. Lumingon ito sa batang babae na kalong-kalong ng lola nito.

"Namatay na lang ito ay kami pa rin ang iniisip..." Ngumiti ang matanda. "Nag-iwan ito ng regalo sa amin."

Kinuha ng matandang lalaki ang bata at kinalong ito. "Ang apo naming ito ang nagpapaalala sa amin sa kaniya. Para bang hindi siya namatay. Para lang itong sinilang muli. Kaya pakiramdam namin ay nasa tabi pa rin namin ang anak namin."

"Abby rin po ba ang pangalan ng mommy niya?"

Tumango ang matandang lalaki.
Pumatak ang luha ko habang nakatingin sa batang babae. "Anak." Hindi ko napigilan ang sarili na banggitin ang salitang iyon.

Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ganoon na lang ang pagnanais ni Abby na magkaanak. Bumagsak na ang mga luha ko.

Kinuha ko ang batang kalong-kalong ng matandang lalaki at niyakap ito nang mahigpit. "Anak ko," sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

Nalaman ng mag-asawa na ako ang ama ng apo nila. Pinaliwanag ko ang lahat sa mga ito ang nangyari.

"Salamat sa regalo mo Abby," sabi ko habang nakatingin sa puntod niya.

'Abbegail Ejercito.'

Pareho kaming dalawa na may natutunan sa nangyari sa amin.

Kahit gaano man naging magulo ang buhay, may mangyayaring maganda sa atin. Malungkot man o ilang beses man tayong nabigo, may magandang plano sa atin ang Panginoon. May mga panalangin tayo o hinahangad na hindi pa natin nakakamit. Iyon pala, kaya hindi pa binibigay ang pinapanalangin natin ay dahil gusto ng Panginoon na matuto tayong maghintay. Kahit ilang beses pa tayong makaranas ng pagkabigo, darating ang araw na ipagkakaloob niya ang mas makakabuti sa atin.

"For I know the plans I have for you," declares the Lord, "Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."-Jeremiah 29:11

Nilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Abby bago tumingin sa batang kasama ko.

"Abbegail Romero, magpaalam ka na sa mommy mo. Kanina pa tayo hinihintay ng lolo't lola mo."

Matapos magpaalam sa kaniyang ina ay hinarap ko siya sa akin. Tiningnan ko ang singsing na nasa kuwintas nito. "Mahal kita Abby," sabi ko bago mahigpit na niyakap ang aking anak.

I Want a BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon